Chapter 5

9.3K 208 4
                                    

Freeya's POV

Hindi ko tinuloy ang pagreport sa guidance tungkol sa pagbibitiw ko sana sa pagiging tutor ni Lennox Lucchese. Simula ng kausapin ako ni Keiko ay hindi na nawala sa isip ko ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit parang apektado ako dun.

"Hoy, bestfreey! Maawa ka naman sa chicken. Lasug-lasog na kakasundot mo ng tinidor, oh." pukaw sakin ni Demi.

Hay! Matatapos na ang lunch break pero hindi ko pa pala nagagalaw ang pagkain ko.

"May problema ka ba? Parang ang lalim kasi ng iniisip mo."

"Demi... ano pang nalalaman mo tungkol kay Lennox Lucchese?" bigla ay tanong ko.

"Kay Lennox? Bakit mo naitanong? Intresado ka sa kanya?" makahulugang tanong niya.

"Ha? H-hindi no! Syempre, tutee ko siya kaya dapat may alam ako tungkol sa kanya." dahilan ko.

"Hay naku! Diba sinabi ko naman sayo na layuan mo yun?"

"Basta, ano, sagutin mo na lang."

Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "Hindi ko naman talaga siya kilala personally. Naririnig ko lang to sa mga co-students natin so hindi ko alam kung trulalu. Ang sabi, may something daw yang si Lennox. Very brutal daw at palaaway na talo pa ang isang gangster. Maraming beses na siyang napasok sa mga away at lahat ng nakakabangga niya, napapatumba niya. Para nga siyang skilled fighter, eh. Tapos daw, may mga napatay na yang tao." pabulong niyang sabi sakin.

Naalerto ako sa huling sinabi niya. "So, kalat talaga dito na he's a murderer? Panu naman nila nalaman? May ebidensya ba sila??"

"Ohh, teka lang! Affected much?" awat niya sakin. "Iyon ay sabi-sabi lang naman. At eto pa! Maraming malalaking tao na daw siyang nakabangga pero sa hindi malamang kadahilanan ay hindi siya nakukulong o nagagantihan ng mga ito. Knowing na isa lang siyang estudyante ha. Para bang, may pumoprotekta sa kanya na isang grupo."

"May grupo siya? Akala ko ba masyado siyang mailap at self-centered kaya walang nakikipagkaibigan sa kanya?"

"Oo, dito sa loob ng campus kasi kinatatakutan siya dito. Pero malay mo may mga kaibigan siya sa labas."

"So... sa tingin mo ba totoo ang mga tsismis na yun?"

She shrugged. "Ewan. Hindi naman kami close no. Tsaka kung may makakapagpatunay man sa mga tsismis na yun, ikaw dapat yun. Tutee mo siya diba?"

"O-oo. Pero hindi naman kami nag-uusap ng tungkol sa personal life."

"Ikaw ba, naniniwala ka dun?" Balik-tanong niya.

Napaisip ako sandali at pagkuway napabuntong hininga na lang. "Ewan ko... Pero naalala mo nung hinarang niya yung chair na tatama na sana sakin? Hindi naman siguro niya gagawin yun kung masama siyang tao, diba? Tsaka, sinabi rin ni Keiko na huwag daw akong magpapaniwala sa sinasabi ng iba tungkol sa kanya."

"Si Keiko Adachi? Yung matalinong wierd? Close pala kayo nun? Ba't hindi ako informed?" May pagtatampong tanong niya sakin.

"Hindi kami close. Isang beses niya lang akong kinausap."

"Bakit ka naman niya kakausapin?"

"May sinabi siya tungkol kay..." naagaw ang atensyon ko ng isang taong kapapasok lang sa cafeteria. "...Lennox Lucchese." halos pabulong kong sabi.

Bigla ay parang nahawi ang pila sa counter ng lumapit ito roon. Lahat ng estudyante ay nag-give way dito.

"Ang creepy niya talaga no?" bulong sakin ni Demi na doon na rin pala nakatingin. "Parang may imaginary black aura na nakapalibot sa kanya at may signage na nagsasabing 'Block my way and you're dead'" dugtong niya.

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon