Chapter 28 [021519]

6.4K 182 19
                                    

Freeya Knoxville's




Four PM came. Pagkatapos na pagkatapos ng last subject namin ay agad akong nag-aya kay Demi na lumabas na ng classroom. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sobrang excitement. The thought of seeing Lennox makes my heart beats so fast.




Ganito ba talaga kapag inlove?




I secretly giggled at the question that suddenly popped in my head. Hindi pa ako sanay sa bagong pakiramdam na 'to pero sigurado ako sa nararamdaman ko para sa kanya. I am inlove with that person and I can feel it in my bones.




"Bye Demi!" I waved at Demi ng makarating kami sa crossing ng hallway. We'll be parting our ways from there since i'll be going to the library at siya naman ay palabas na.




Nagtatakang lumingon siya sakin. "Hindi ka sasabay sakin lumabas, Bestfreey?"




I shook my head. "Mamaya pa ako. May session kasi kami ng tutee ko sa library, eh. Mauna ka na muna."




"Okay basta mag-iingat ka." She reminded me bago umalis.




Akmang tatalikod na ako ng may maramdaman akong banayad na humaplos sa tenga ko.




"Follow me." Someone whispered in my ear bago ako agarang linagpasan.




It was just a matter of seconds but I almost shivered when I feel his hot breath lingering my skin. Nakita ko ang isang pamilyar na pigura na palabas na ng gate. Sinundan ko siya hanggang makarating kami ng parking lot. Pumasok siya sa isang kotse at sumunod din ako. Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ay agad kong naramdaman ang banayad na paghalik niya sa pisngi ko.




"Hi." He gently said. Nakaangat ang kabilang dulo ng labi niya, his own version of a sweet smile.




"Hello.."




I startled when I meet his piercing eyes. Bigla ang pagkabog ng dibdib ko ng umusog siya palapit sakin. Umangat ang isang kamay niya at napasinghap ako ng hinaplos niya ang pisngi ko. His eyes moved down to my parted lips and I saw his throat moved. Umusog pa siya palapit. My instinct told me to close my eyes and so I did. I gulped hard and waited for his lips to land into mine but it never happen.




Narinig ko siyang marahas na bumuntong-hininga bago nagsalita. "Let's have the tutorial session at my apartment."




Otomatikong napadilat ako ng marinig ko ang pagbukas ng makina ng sasakyan at di nagtagal ay binabaybay na namin ang daan papunta sa lumang apartment niya.




"Ba't doon pa? Ba't di na lang diyan sa library?" Nakahalukipkip na tanong ko. Pinigilan kong umirap. I don't know why I feel so irritated all of a sudden.




"Malalaman mo rin mamaya."




"We only have an hour. Susunduin ako ni Tito Franco mamayang 5:30."




"It's okay. Ihahatid rin naman kita pabalik sa school bago siya dumating."




Hindi na ako sumagot. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin ng mga tanawin sa labas. Bakit ba kasi ako nagagalit? Dahil ba nabitin ako sa akmang paghalik niya sana kanina?




Geez, this is not so me!




Nang makarating kami sa apartment niya ay tahimik lang akong sumunod sa kanya. Napansin kong hindi na ganoon kakalat ang loob nun hindi tulad nung una kong pagpunta. Uupo na sana ako sa isang lumang sopa doon ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya.




Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon