Chapter 2

10.7K 187 7
                                    

Freeya Knoxville's



Hindi ko alam kung bakit naisip kong sundan yung lalaking nakajacket. Siguro nag-aalala akong baka nasugatan o napilayan siya sa paghampas sa kanya ng upuan kanina. After all, ako dapat ang tatamaan nun kung hindi lang siya humarang.



Paglabas ko ng canteen ay nagpalinga-linga ako sa hallway pero wala na siya. Bahagya akong napasinghap ng may makita akong mga patak ng dugo sa sahig.



Hindi kaya sa kanya ito? Siya lang naman ang bagong labas ng canteen.



Sinundan ko ang mga bakas na yun. Ang huling patak ay nasa harap ng nakaawang na pinto ng stockroom. Pumasok ako dun. Madilim sa loob kaya inadjust-adjust ko pa ang salamin ko.



Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng silid. May nakita akong bulto ng tao sa bandang dulo kaya lumapit ako dun.



Nakaharap siya sa may bintana at hinihimas-himas ang balikat niya. I saw red stains in his uniform.



"Nasugatan ka." I said.



Napaigtad siya at marahas na bumaling sakin. Akala ko ay sisitahin niya ako o ano pero hindi siya nagsalita. For a couple of minutes ay nakatitig lang siya sakin. 



Ang ganda ng mga mata niya. Pero mas lalo siguro yung gaganda kung may buhay.



Nailang ako kaya ako na mismo ang nag-iwas ng tingin. "Ahm, ako yung muntik ng matamaan nung chair na hinarang mo." Pagpapakilala ko.



Still, no response. I walked towards him and tried reaching his arms.



"You're bleeding. I think you need—"



"Don't touch me!"



Nagulat ako ng bigla niyang tabigin ang kamay ko. Medyo napalakas iyon kaya napahawak ako sa kamay ko. Lumayo siya sakin na para bang takot na hawakan ko siya ulit.



"I'm—I'm sorry. I w-was just trying to help you."



"I don't need help. Just, just get out." He firmly said.



"But your bleeding—"



"Bullshit!" Bulalas niya bago inilang hakbang ang pinto at lumabas.


Napatanga na lang ako dun.



What's his problem? I was just trying to help!



Tumakbo rin ako sa may pinto para sana sundan siya pero paglabas ko ay wala ng ni isang bakas niya sa hallway. Ang bilis naman niyang mawala.





KAKAUPO ko lang sa designated chair ko ng kalabitin ako ni Demi na katabi ko lang.


"Hoy, Freeya, saan ka ba nagpunta kanina? Ba't bigla ka nalang tumakbo??" May pag-aalalang tanong niya sakin.



"Sinundan ko kasi yung lalaking tinamaan nung chair, imbes na ako." Sagot ko.



Bigla ay parang naalerto siya sa sinabi ko. "What?! Linapitan mo siya?" Bulalas niya.



"Ahh, yeah. What's wrong with that? I saw him getting hurt kasi, so I got worried." Paliwanag ko. Hindi ko alam kung bakit parang alalang-alala siya sakin.



"Bestfreey, listen to me. Wag ka ng lalapit dun lalo na kung wala kang ibang kasama."



"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong.



Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon