Chapter 31 [022819]

6.3K 161 30
                                    

Freeya Knoxville's

"Bakit po ako pinapasundo ni Tito Franco? May nangyari na naman ba?"

Malayu-layo na din ang nabibiyahe namin ng magkalakas-loob akong magtanong sa tauhan ni Tito Franco. Magto-two pm palang at meron pa sana akong last subject pero heto nga't pinasundo ako ng maaga. After what happened last night, naging uneasy na ako sa paligid ko. And I can feel that something happened kaya pinasundo ako agad.

"Wala pong sinabi ang master, Miss Freeya," may pinalidad na sagot nito.

Hindi na ako nagtanong pa. Hindi rin kasi ako komportable na makipag-usap sa dalawa kong kasama ngayon. Iba na ang naging driver ko simula ng maging hatid-sundo ako ni Tito Franco. Dalawa silang nasa harap at parehong nakapants at black shirts. Mukha silang mga goons sa pelikula at sa totoo lang ay iba ang pakiramdam ko sa kanila. Ewan ko ba. But since they are Tito Franco's trusted men, hindi naman siguro sila masasama. Alam kong may isa pang sasakyan ang nakasunod samin. Lulan din ang iba ko pang bodyguards.

Ilang sandali lang ay huminto ang sasakyan. Nangunot ang noo ko ng iparada iyon ilang metro mula sa gate ng mansyon. Nung una ay inisip ko na baka naghihintay lang kami ng tauhan na magbubukas samin ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay nanatili lang kami doon.

"Hindi pa po ba tayo papasok sa loob?" I curiously asked them.

"Ahm.. utos po ng Master na dumito muna tayo." Sandali lang akong nilingon ng isa sa kanila.

Luminga-linga ako sa labas. Tahimik ang paligid at wala akong makitang umaali-aligid na tauhan ng mansyon. Something is wrong in here. I can feel it.

Sandali kong liningon ang mga kasama ko sa harap at pasimpleng ginalaw ang knob ng pinto. Hindi nakalock. I hurriedly opened the door and jumped outside. Agad akong tumakbo.

"Miss Freeya, saan kayo pupunta? Bumalik kayo dito?!"

Hindi ko sila pinansin. Curiousity is killing me right now. I opened the gate and run inside. Ramdam kong sumusunod sila sakin.

"Ahh!" Napasigaw ako ng malakas ng may marinig akong putok ng baril. I automatically ducked down and covered my ears.

God! What's happening?

"Miss Freeya bumalik kayo dito!"

Nakita ko ang mga sumusunod sakin kaya mabilis akong tumakbo ulit at paakyat na sana ng hagdan patungo sa pinto ng mansyon ng may tumilapon na katawan sa labas. Halos mawalan ako ng balanse sa bigla kong paghinto.

"Tarantado kang hayop ka! Lumayas ka dito kung ayaw mong ulitin ko ang ginawa ko sayo noon. You know exactly what I'm capable of doing. Lumayas ka sa teritoryo ko!" It was Tito Franco's voice. Nanggagaling iyon sa loob ng mansion.

Anong nangyayari? At sino ang taong ito?

Tumayo ang lalaking nahulog mula sa hagdan at pinadpad ang damit. I can see his muscles reflexing in his every move. Ang dami niyang tattoo sa braso. Imbes na ngumiwi siya dahil sa sakit ay isang nakangising mukha ang nakita ko ng mag-angat siya ng tingin.

"Get out, bastard!" Tito Franco roared again.

Bumaling ang lalaki sa gawi ko. I held my breath when our eyes met. His jaw dropped open and his expression soften the moment he saw me. Saglit siyang natulala at parang bang nakakita ng multo. Nang tila makahuma ay umigting ang panga niya at nakangising tumingala ulit sa pinto.

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon