Chapter 9.1

9K 201 21
                                    

Freeya's POV

I'm lying on my bed, staring blankly at the ceiling. Hindi ako pumasok ngayong araw dahil sa.. wala lang, hindi ko rin alam eh. Basta nagising nalang ako kanina na walang ganang bumangon sa kama ko.

This is the very first time that I missed a day in class. Umaabsent lang ako noon kapag may sakit. Kung noon ay alalang-alala na ako kapag umabsent ng whole day, ngayon ay hindi.

Tito Franco got worried kaya sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ko. I never told him about what happened to me yesterday.

Wala akong ginawa maghapon kundi ang humiga lang. Ang totoo ay napapaisip ako kung ano na ang nangyari sa grupo ni Winston. Ang sabi ni Lennox Lucchese ay siya na ang bahala. I wonder what he did to them.

I felt my chest tightened when I remembered what he said. Wag na daw akong lalapit sa kanya.

Ano bang problema niya sakin? Mabait naman ako, ahh. I remained patient during our tutorial sessions kahit pa nagpapalate siya at kahit pa... kung anu-ano ang hinahawakan niya sakin.

Hayyyst! Seriously, what's happening to me?! I shouldn't be this affected kung ayaw man niya sakin.

I suddenly heard a knock at the door. "BestFreeeeey?! Yuhoooo!"

Si Demi. Maybe she got worried kaya nagpunta siya dito.

Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto.

"BestFreeeyyy!" Pareho kaming bumagsak sa kama ko ng bigla siyang manunggab ng yakap. "Napano ka na ba? May sakit ka ba? Okay ka lang ba?" Sunud-sunod na tanong niya.

Hayyst! Ang OA talaga nitong BFF ko.

"First of all Demi, pwede bang umalis ka muna sa ibabaw ko? Hindi na ako m-makahinga eh." Reklamo ko.

"Ayy, sorry. Nadala lang sa emotion." Sabi niya at agad umayos ng upo. "So, ano nga? Bat hindi ka pumasok kanina?"

"Medyo sumama lang kasi ang pakiramdam ko kanina. Pero okay na ako ngayon."

"Totoo ba yan? Alam kong ayaw na ayaw mong nagmimissed ng class kaya nag-alala ako kung napano ka na." Pangunglit niya pa.

Totoo naman kasi yun kaya hindi ko masisisi kung nagtataka siya.

"Oo nga. Okay lang talaga ako." Giit ko.

"Hayy, mabuti naman kung ganun. Siya nga pala, hinahanap ka kanina ni Miss Magno."

"Bakit daw?"

Si Miss Magno ang adviser ng student counsil. For sure may kinalaman to sa pagiging SSG president ko.

"May meeting daw lahat ng student leaders sa monday. And as the president, your attendance is a must daw. Sa tingin mo Bestfreey, ano kayang pagmemeetingan niyo?"

I shrugged. "Siguro, maghahanda na kami para sa darating na Foundation week ng school." Sagot ko.

Siguradong magiging busy ako this coming weeks.

"Ayy, oo nga pala. Next week na yun diba? Naku, kung kelan malapit na ang Foundation week, saka naman nag-eskandalo sila Winston Velarde."

Bigla akong napatingin sa kanya ng banggitin niya ang pangalan na yun. "S-si W-winston? Bakit, anong ginawa nila?"

Bigla akong kinabahan. Di kaya kumalat na sa campus ang ginawa nila sakin? Pero bakit hindi naman ako inuusisa ni Demi tungkol dun?

Kinuha niya ang cellphone at pagkatapos ay itinapat sakin.

"Oh, ayan. Tingnan mo. Grabing kahihiyan ang tinamo nila, noh. Ang babata pa pero mga adik na pala."

Napasinghap ako sa ipinakita niyang pictures sakin. Ang buong grupo ni Winston, nakabitin sa labas ng Administration building ng school.

Mas lalo ko pang zinoom in yung mga pictures.

Ang lubid na nakapulupot sa bandang balikat, bewang at paa nila na nakatali sa may bintana ang tanging suporta nila para hindi sila mahulog. Hubo't hubad sila at tanging kapirasong karton lang ang tumatakip sa mga maseselan nilang bahagi.

Bawat karton ay may nakasulat: Wag Tutularan, Rapist, Adik, Anak ng Kurakot na Mayor, Salot sa Lipunan, Ipatumba Niyo Na Kami.

Kinikilabutan ako habang tinitingnan ang mga pictures. Alam kong masasama sila at muntik na nila akong pagsamantalahan but I don't expect justice to be this cruel. They should not be treated this way, they're just teenagers!

"Demi, sino... sino ang may gawa nito sa kanila?" Wala sa loob kong tanong.

"Yun na nga! Walang may nakakaalam kung sinu-sino ang gumawa niyan sa kanila. Chineck na ng school ang CCTV footage, pero parang sinadya daw na burahin ang lahat ng kuha that time. Pati yung mga guards na nakaduty kagabi, ang sabi wala naman daw silang napansin na kakaiba."

Kung kagabi lang to nangyari? Ibig sabihin may dumating naman dun nung umails kami.

"B-bakit daw.. ginawa ito kina W-winston?" Tanong ko ulit. Nakatingin parin ako sa mga litrato.

"Nababasa mo yang nakasulat sa mga karton? Totoo daw yan. Nung tinanggal nga sila Winston mula sa pagkakatali nila sa lubid, eh, bigla na lang nila inamin sa mga pulis ang mga kasalanan nila.  Ang sabi nila mga rapist daw sila at gumagamit din ng drugs. At take note, nagmakaawa pa sila na hulihin sila at ikulong. Kaya ayon, dinampot sila ng mga taga DSWD. Isasailalim daw sila sa psychological examination at ipapadrug test din. Dahil nga sa gulong ginawa nila, ayun, kinick out agad sila ng school." Mahabang kwento niya.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya at nagkunwaring hindi apektado.

Kung sino man ang gumawa nito kina Winston, napakalupit nila. Siguradong may ginawa sila para mapaamin sila Winston.

Pero sino naman kaya ang kayang gumawa ng ganito kasamang bagay?

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon