Chapter 6

8.8K 198 3
                                    

Freeya Knoxville's



MY mind is so messed up.

I'm currently taking a cold shower that night. I keep on thinking of what happened a while ago. I just had my first kiss with Lennox Lucchese, and it came out hot and wet.

I had my first kiss at the age of 15 with someone who isn't even my boyfriend and Tito Franco doesn't know it yet.

Shesss! Ano na bang nangyayari sa buhay ko?

Now what? Matatakot na ba ako kay Lennox Lucchese? Lalayuan ko na ba siya?

Honestly speaking, hindi iyon ang nararamdaman ko ngayon. It seems like he awaken something deep down in me. Hanggang ngayon ay parang may humahalukay parin sa sikmura ko kapag naaalala ko yung ginawa namin kanina.

I suddenly felt so hot. Mas lalo ko pang pinalakas ang buhos ng shower. I need to wash away this odd feeling that he planted in my system.

Ang bata ko pa para maramdaman to. This isn't good.



"OH, SAAN ka pupunta? Doon ang daan papuntang library diba?" Nagtatakang tanong sakin ni Demi.

Maghihiwalay na sana kami ng hapon na yun. Pauwi na siya habang ako ay aattend sa tutorial session ko with Lennox. Pero bago yun ay may pupuntahan muna ko.

"Pupunta muna ako sa classroom ni Lennox." Sagot ko.

Bigla siyang napapalatak. "Susunduin mo siya?! Wow, effort much! Ang swerte naman ata ng Lennox Lucchese na yan." Nanggagalaiti niyang sabi.

Natawa ako sa reaction niya. May pagka-OA talaga tong kaibigan ko. "Hindi. Manghihiram lang sana ako ng notes mula sa classmates niya. Kailangan ko kasi yun para malaman kung saan na ang lessons nila." Dahilan ko.

"Bakit? Wala ba siya nun?" Tanong niya ulit.

I shrugged. "Wala eh."

"Alam mo, grabe talaga yang tutee mo. Ba't ba kasi hindi mo nalang layuan yan? Parang wala rin naman siyang interes sa pag-aaral eh. Sayang lang ang effort mo, bestfreey!"

Alam kong tama ang sinasabi niya pero nginitian ko nalang siya. "Wala na akong magagawa. Anyway, I really need to go. Umuwi ka na rin. Keep safe!" Paalam ko.

Naglakad na ako patungo sa building ng Grade 9. Alam ko naman ang room nila kaya hindi ako masyadong mahihirapan.
Ng makapunta ako dun ay nakita kong kunti nalang ang mga students. Nagsiuwian na siguro yung iba.

Dudungaw na sana ako sa pinto ng classroom nila ng biglang may lumabas mula roon. Bahagya niya akong nasagi kaya napaatras ako.

"Oh, I'm sorry." Hinging paumanhin niya at inalalayan ako.

"Ok lang." I said.

"Wait. You are Freeya Knoxville, right?" Tanong niya ng tila mamukhaan ako.

Tumango naman ako. "Bakit mo ako kilala?"

"Are you kidding me? Ikaw ang Top 1 sa buong Grade 10 at ikaw rin ang newly-elected SSG president. So, how come na hindi ka magiging sikat dito?" Maangas na sabi niya.

Tumango-tango na lang ako bilang sagot. Totoo naman kasi yun.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" Kapagkuwa'y tanong niya.

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon