Chapter 29 [022319]

5.9K 147 12
                                    

Lennox Lucchese'


"Shit ka Lucchese! Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang yan? Marami pa akong kailangang gawin!"

I can imagine Shadow's creased forehead as I hear his irritated voice over my earpiece. Nasa taas ako ng isang puno ngayon habang tinatanaw ang mansyon sa harap ko. Kanina ko pa gustong pumasok sa loob pero hindi ko magawa. Salvatore's pests are just everywhere.

"C'mon, just give me five minutes."

"Five minutes ka dyan! You know that every seconds matters to me. Iniistorbo mo ang trabaho ko."

I scratched my forehead roughly. Kanina pa rin ako naiirita sa werdong to. "I've been working for you for the whole three days tapos limang minuto lang hindi mo pa maibigay sakin. Tangina mo lang!"

"Tangina mo rin, nakikinabang ka din dun!"

"Ano tutulungan mo ba ako o hindi?"

"Oo na! Eto na!"

I sighed deeply. Tutulong rin naman pala ang dami pang satsat.

I scanned the whole place again. Nasa harap ko lang ang kwartong sadya ko. I bit my lips as I feel the urge to just cross the distance and jump inside. My heart is beating fast in excitement. Kung anu-ano na rin ang pumapasok sa isip ko na pwede kong gawin sa oras na pumasok ako sa kwartong yan at makita ko siya.

Tumingin ako sa baba. May mga nakabantay din doong mga armadong lalaki. They may look like just normal security guards but I know better, kasing demonyo rin sila ng demonyo nilang amo.

"Eh kung pag-uuntugin ko na lang kaya ang mga 'to?" Wala sa loob na bulong ko.

"Eh kung ikaw kaya ang iuntog ko dyan? Gagawa ka pa talaga ng eksena," biglang sabat ni Shadow sa kabilang linya.

I closed my fist tightly and traced my lower lip with my wet tongue. I can feel my blood boiling on just the thought of banging their fragile heads on any concrete wall. Ang mga taong katulad nila ang dahilan kung bakit hindi ako nagsisisi sa landas na tinahak ko.

"I'm warning you Lucchese, sa oras na may gawin kang katarantaduhan diyan, malilintikan ka talaga sakin!" It was as if Shadow knows what I'm thinking. Nagpatuloy siya sa pagsasalita ng hindi ako sumagot. "This is not yet the right time to get even. May tamang panahon para diyan." He said in a calmer tone.

I breathed out. "I know, Laughlin. I know."

"Good. Mabuti na yung malinaw."

"So.. what's the situation inside?" Pagbabalik ko sa usapan.

Narinig ko ang tunog ng mabilis niyang pagtipa sa keyboard. He serves as my eyes everytime I sneak inside the mansion. Hindi ganun kadaling makalusot sa higpit ng seguridad sa loob at labas ng mansyon. I bet the old Salvatore made sure that he has a tight hold of everything. Matataas ang bakod sa paligid. May mga armadong tao sa lahat ng sulok. Hindi rin biro ang security system nila. Mabilis man na napapasok ni Shadow ang system, maikli naman ang oras na nakokontrol niya ito. Kailangan mabilis ang kilos ko.

"Here it goes.. papasok sa loob ang mga tao diyan sa babagsakan mo.. Okay, nasa loob na sila, kumilos ka na. I temporarily deactivated the poisonous laser lights on the walls but it's just for a span of seconds. Kailangan mo ng kumilos. Now, Lucchese!"

Inangat ko ang sarili ko at humanda sa pagtalon. I jumped inside. Agad akong gumulong para mabawasan ang impact sa katawan ko. It's a 40-feet wall, for pete's sake!

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon