Chapter 8

8.8K 200 16
                                    

Freeya Knoxville's POV


I gripped my bag tightly when I remembered what happened earlier. My whole body is shaking in fear. My vision is blurred because of the tears that's flowing nonstop. I was nearly gangraped by six men for God's sake!

Mabuti nalang at dumating si Lennox Lucchese. Dahil kung hindi, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin.


Nilingon ko siya na katabi ko lang at siyang nagmamaneho ng sasakyan. Tahimik lang siya at nakapukos sa dinadaanan namin. Pagkatapos ng nangyari kanina ay kinaladkad niya ako paalis sa lugar na yun. Bago kami lumabas ay nakita ko pa ang mga walang malay at duguang katawan nila Winston. Hindi ko alam kung makakaligtas sila sa ginawa sa kanila ni Lennox.


Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala akong ganang mang-usisa dahil gulung-gulo pa ang isip ko sa nangyari. Basta ang alam ko, wala na sa panganib ang buhay ko dahil kasama ko na siya.


Huminto ang kotse sa parking lot ng isang lumang establishment. Bumaba siya at pinagbuksan ako. Bagamat hindi ko alam kung nasaan na kami ay bumaba narin ako ng sasakyan.


Sandali siyang natigilan at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. I felt a bit discomfort. Alam ko kasing wala na sa ayos ang suot ko. Sira ang ilang butones ng blouse ko at gusot-gusot ang skirt ko.


Hinubad niya ang suot niyang jacket at ipinatong iyon sa balikat ko. Walang sabi-sabing tumalikod siya at naglakad. Sumunod na lang ako.


Nagtungo kami sa isang hagdan at umakyat sa fourth floor. Sa tingin ko ay isang mumurahing apartment ang pinuntahan namin at dito siguro siya nakatira. Nasa top floor na pala kami ng building. Nagiisa ang kwarto niya dito sa rooftop. Nasa isang corner lang ng rooftop ang inuukupahan niyang silid at ang ibang espasyo ay bakante na.


Sumunod ako sa kanya ng pumasok siya sa loob. Medyo malaki naman ang space ng sala kaya lang ay makalat. Maraming bagay ang nakakalat sa sahig. Ganun talaga siguro kapag lalaki.


"Take a sit."


Umupo ako sa lumang sopa doon. Pinagmasdan ko siya habang may kinukuha sa isang kabinet sa pinakamini kitchen niya. Pagbalik niya ay may dala na siyang bulak at alcohol. He sat beside me. Wala parin siyang imik.


Alam kong dapat ay mabahala na ako. Unang-una ay muntik na akong magahasa ng maraming lalaki sa campus. Tapos ngayon naman ay sumama pa ako sa lalaking nagmolestiya sakin sa library. I should be worried of my security right?


Dalawa lang kaming narito sa apartment niya. I don't have any assurance na makakaligtas ako oras na may balakin din siyang masama sakin.


Pero kahit wala siyang sinasabi, kahit walang bahid ng anumang emosiyon ang mukha niya, kahit napakalamig ng mga titig niya... hindi ko magawang matakot sa kanya. All I know is he saved me for the second time.


"I need to unhook your uniform."


I snapped out on what he said. "W-what for?"


"You've got some scratches on your left shoulder and on the top of your..." Napalunok siya habang nakatingin sa may dibdib ko. "... breast."


I suddenly felt conscious on the way he stares at me. Parang naging masikip ang upuan para saming dalawa.


Hindi pa man ako nakakasagot ay binuksan na niya ang mga butones ng blouse ko. Hindi ko magawang tumutol sa ginagawa niya. Seryoso lang ang mukha niya habang ginagawa iyon.


Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon