Chapter 12.1

8K 188 2
                                    

Lennox' POV

I never noticed that I was smiling like an idiot until my jaw got numb. Damn, it's just a plain kiss pero iba ang dating nun sakin. I know she didn't plan to do that. It just came out naturally.

How sweet of her.

Pinapormal ko ang itsura ko ng makaramdam ng presensya ng ibang tao. Paglingon ko sa kaliwa ay nakita ko si Zaito na papalapit sa kinaroroonan ko.

"Sa wakas, napansin mo rin ang presensya ko. Para kang tangang nakatulala dyan."

"Kanina ka pa?"

Damn. Ang galing talagang tumayming. Naabutan niya kaya kami?

"Halos kadarating ko lang."

I secretly sighed in relief. "What are you doing here?"

"May mission ang HHq bukas, bigtime daw sabi ni Shadow. Gusto mong sumama?" Nakangising tanong niya.

"Magbibihis lang ako."

Nakita kong natigilan siya sa sinagot ko pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin. I hurriedly went inside and get dressed. Palabas na ako ng madaanan ko ang mesa sa sala. Nakapatong pa dun yung box ng biscuit na inilabas ko kanina. I bite my lower lip when I remembered how I get a taste of those a while ago.

That kiss was freaking hot.

Naiiling na tuluyan akong lumabas ng apartment. Tinungo namin ang parking lot at sa mismong kotse ko sumakay. Nagcommute lang pala ang mokong.

Binabagtas na namin ang daan papuntang HHq ng mapansin kong panay ang lingon niya sakin.

"What now, Zaito? Nababakla ka na ba sakin?" Pang-aasar ko.

He grimaced. "Gross! In your dreams, Lucchese. Nagtataka lang ako. Noon kasi kahit anong gawin kong pangungumbinsi sayo, hindi ka sumasama. Pero ngayon walang kahirap-hirap. Why the sudden change of mind?"

I just shrugged my shoulders off. Maybe I'm just on the mood kaya sumama ako sa kanya. Biglang pumasok sa isip ko ang isang partikular na mukha ng babae.

Can't get you off my mind, huh?

"Ano ang posibleng rason para halikan ka ng isang babae?" I asked out of the blue.

Bigla kong natapakan ang preno ng marealize kong lumabas sa bibig ko ang iniisip ko. Pareho kaming sumadsad sa harap ni Zaito. Thanks to our seatbelt, hindi kami nauntog.

"Nu ka ba, Lucchese!? Papatayin mo ba ako sa gulat!?" Bulyaw niya sa harap ko habang nakahawak sa dibdib niya.

"Sorry for that. May bigla kasing may tumawid na pusa." Palusot ko.

"Ano? Pusa? Dito sa highway?"

"Ahm, I'm not really sure of what I saw." I answered as I start the engine again.

"Hay naku. Basta, mag-iingat ka na lang. Wait, ano nga ulit yung tinatanong mo?"

Oh come on!

"Nagtanong ako?"

"Oo, bago ka magpreno. Ang sabi mo, kung ano ang rason para halikan ka ng isang babae, diba? Teka, anong klaseng tanong ba yun?"

I bite my lower lip. I can't take back what I said kaya mas mabuting pangatawanan ko nalang.

"Just.. just answer it."

"One plus one?" He asked instead.

"What? What kind of question is that?"

"Sagutin mo nalang." Panggagaya niya sa tono ko.

I glared at him pero nagkibit-balikat lang siya.

"Two."

"Oh, yun naman pala, eh. Hindi ka naman pala bobo."

"Come again?"

"Ang ibig kong sabihin, the answer to that is as clear as the sun. When a girl initiated a kiss, it means she have hots on you." He said and wiggled his eyebrows.

"What do you mean?"

"Mate, sa tagalog, nalilibu---"

He stopped when I gave him deathly glare. I know where this is going.

"Eherm. Ang ibig kong sabihin ginawa niya yun kasi attracted siya sayo or simply dahil gusto ka niya."

"I-is that so?"

"Uh-huh."

Everything he said to me sounded cool. Among us, Zaito is one of the most 'experienced' when it comes to girls kaya alam kong may posibilidad na totoo ang sinasabi niya.

If it's true, does it means she likes me? Pero baka nabigla lang siya kaya nahalikan niya ako. But why on the lips? Pwede namang sa pisngi.

Tss. I'm going crazy. Why am I even thinking about her? Ang dapat kong gawin ay layuan siya.

"Feeling ko, ang daldal mo ngayon. Bakit mo nga pala natanong?"

"Nothing."

I need to stop this as early as now. Because at the end of the day, I know these all will be going nowhere.

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon