Freeya Knoxville's POV
NAHINTO ako sa pagkatok sana sa pinto ng mini office ni Tito Franco ng mula roon ay narinig ko ang nanggagalaiting boses niya. Mukhang may kausap siya sa telepono at galit na galit siya dito.
"Damn it, Finnick!! Wag na wag kang manggugulo dito ... Manang-mana ka talaga sa pûta mong ina! ... Subukan mong magpakita dito, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na ulitin ang ginawa ko sa'yo five years ago!" Sigaw niya.
Kasunod nun ay narinig ko ang pagkabasag ng isang bagay. Agad kong binuksan ang pinto sa pag-aalalang baka napano na siya.
"Tito Franco, are you okay?" Nag-aalalang tanong ko.
Marahas siyang napabaling sakin at tila nabigla ng makita ako dun. "P-princess, anong ginagawa mo dito? K-kanina ka pa ba?" Natatarantang tanong niya at lumapit sakin.
Nakita ko sa sahig ang basag na vase. Doon yata niya ibinuhos ang galit niya.
"T-tito Franco, ikaw ba ang nagbasag niyan?" Kinakabahang tanong ko. I have known him as a gentle and kind person, at ito ang unang beses na nakita ko siyang galit na galit.
Sino kaya ang kausap niya?
"Auh, yahh. Aksidente ko kasing nasagi," paliwanag niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "K-kanina ka pa ba diyan?"
"Kararating ko lang po. Okay lang po ba kayo? You look so furious habang may kausap kayo sa phone. Sa opisina po ba yun?" I worriedly asked.
"Auh, yahh, office problems. Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Do you need anything?"
"Itatanong ko lang po kung pwede na tayong umalis. Sabi kasi ni Manong Rex, kayo daw ang maghahatid sakin ngayon."
"Ahh oo nga pala. Ok. Let's go."
Inaya na niya ako palabas. Mukha parin siyang uneasy kaya hindi na ako nangusisa pa. Siguro isang pasaway na empleyado lang ang kausap niya kaya ganun ang reaksiyon niya.
NAGLALAKAD ako sa hallway papunta sa room ko ng salubungin ako ni Winston. Kasama niya ang mga kaibigan niyang lalaki.
"Hi, Freeya!" Nakangising bati niya. Nakita kong nag-apiran ang mga kaibigan niya sa likod habang nakangisi rin.
"Winston," I just simply greeted.
Naalala ko kasi yung sinabi ni Lennox kagabi, layuan ko raw ang grupo ni Winston. Pero mukha naman silang harmless ngayon kaya hindi naman siguro sila gagawa ng masama.
"Kunin ko lang sana yung notebook na hiniram mo," he said.
"Ayy oo nga pala," kinuha ko sa bag yung notebook niya at iniabot sa kanya. "Salamat ulit, ha."
"Oyy, Freeya! Syota mo na ba yung si Lucchese?" Nakangising tanong ng isa sa mga kaibigan niya
Medyo nabigla ako dun kaya hindi ako agad nakasagot.
"Oo nga. Ano bang nakita mo dun? Walang-wala naman yun kumpara kay Winston, eh. Sana itong kaibigan na lang namin ang shinota mo!" Sabi pa nung isa sabay tawa.
BINABASA MO ANG
Wild Sessions [Slow Update]
Teen FictionPROLOGUE "Wow! Naperfect mo yung sample quiz ko. Handa ka na sa exam niyo sa Math," masigla kong sabi kay Lennox Lucchese, ang tutee ko. As usual, wala na naman akong narinig mula sa kanya. I just saw him boredly sighed. "Uuwi na muna ako Lennox, ha...