CHAPTER 6:SEM BREAK

1.5K 52 0
                                    

JADE POV:

Sem break na namin it means dito lang ako sa bahay kain,tulog at cellphone lang ang gagawin ko.Di ko maintindihan yung sarili ko kapag may pasok gusto kong mawalan ng pasok tapos pag wala namang pasok gusto kong pumasok.Hay,ang gulo gulo.Nakakatamad talaga kapag nasa bahay lang lalo na kapag walang kasama.Wala manlang akong makausap dito si Mama kasi nasa school kasi kahit walang kaming pasok may pasok sila tapos si Papa naman nasa abroad yung mga kapatid ko naman nagpunta sa mga barkada nila gusto ko ngang sumama sa kanila eh pero di nila ako sinama all boys daw kasi sila.Sinabi ko nga na lalaki naman ako ha pero hindi naman ako pinansin.Nakakainis talaga sila minsan.Dahil maaga pa naman naisip kong maglakad lakad nalang dito sa village.Tinatamad na talaga ako sa loob ng bahay eh.

Lumabas na ako ng bahay at naglakad lakad na.Hindi pa ako nakakalayo ng biglang may tumamang bola ng basketball sa ulo.Shit ang sakit nun ah.Napaupo ako sa lakas ng impact kaya hinilot hilot ko yung ulo.

"Sorry miss hindi ko sinasadya" Sabi ng isang pamilyar na boses.Wait kilala ko yung boses na iyon at hindi ako pwedeng magka mali si Sungit yun.Kaya inangat ko ang ulo ko para makumpirma kung si Sungit nga iyon.Sabi na eh medyo nagulat pa sya ng makita ako.Inalalayan nya akong tumayo.Pinagpagan ko yung jogging pants ko at hinarap ko ulit sya

"Ikaw pala Jade sorry ha" Sabi nya,nakakapanibago ata at hindi sya nagsusungit.

"Okay lang pero ang sakit nun ha" Sabi ko

"Bakit ka nga pala napadpad dito dito karin ba sa village nakatira?" Tanong nya

"Yes doon lang oh" Turo ko sa bahay namin na tatlong bahay lang ang layo mula rito sa kinatatayuan namin

"Malapit lang pala yung bahay nyo sa bahay namin pero ngayon palang kita nakita rito" Sabi nya

"Hindi kasi ako mahilig maglakad lakad nabored lang talaga ako ngayon kaya naglakad lakad ako rito" Sabi ko

"Kaya pala gusto mo pasok ka muna sa bahay namin tutal sabi mo kanina na nabobored ka sa inyo" Nakangiting sabi nya,bat ganon ang gwapo nya pag ngumingiti.Shit erase erase ano ba itong sinasabi ko

"Huwag na nakakahiya naman sa inyo" Nahihiyang sabi ko

"Okay lang ano kaba wag ka nang mahiya" Sabi nya at nagulat ako ng hilahin nya ako papasok sa loob ng bahay nila.Hinila nya ako papunta sa kusina nila.

May nakita akong batang lalaki na siguro 5 years old palang na  nakaupo sa sofa.Hindi nya ako napansin kasi tutok na tutok sya sa pinapanood nya.Ang cute nung bata medyo hawig sya kay Sungit siguro kapatid nya ito.Binigyan ako ng juice ni Sungit at umupo sya sa harap ko.

"Sungit kapatid mo ba yun?" Sabi ko sabay turo sa bata na sa sala

"Dont call me sungit and yes kapatid ko sya,tatlo kaming magkakapatid but sad to say namatay na yung isa.She is girl she is our princess but one day she died in accident" Malungkot na sabi nya,tinignan ko ang mga mata nya at sobrang lungkot ng mga iyon siguro miss na miss na nya yung kapatid nya.

"Okay I will call you Kim" Sabi ko.Biglang lumapit sa amin yung kapatid ni Kim

"Kuya who is she? Girlfriend mo po ba sya?" Sabi nya,nagulat naman ako sa huling sinabi nya

"No Kyle shes not my girlfriend.She is my friend call her Ate Jade" Sabi ni Kim,bakit kumirot yung puso ko ng sinabi nyang hindi nya ako girlfriend? Totoo naman yung sinabi nya pero bakit nasasaktan ako? Hayst yaan na nga baka wala lang yun

"Sayang naman kuya bagay pa naman kayo ni Ate Jade" Sabi ni Kyle.Naramdaman ko namang nag init ang pisngi ko.Etong batang to kasi kung ano ano sinasabi buti nalang talaga cute sya hahahaha

"Kyle manood ka nalang ulit doon" Sabi ni Kim sa kapatid nya  at sumunod naman si Kyle aba masunuring bata

"Pagpasensyahan mo na yung si Kyle ha" Nahihiyang sabi nya

"Its okay I understand" Nakangiting sabi ko

"Bakit nga pala mag isa ka lang naglalaro ng basketball kanina?" Tanong ko

"Wala kasi akong friends eh and hindi rin ako sanay magbasketball kaya umabot sayo yung bola kanina" Nahihiyang sabi nya,nagulat ako sa sinabi nya kasi naman kalalaki nyang tao tapos hindi sya marunong?

"Really? Hindi ka talaga marunong?" Nagtatakang kong tanong sakanya

"Sad to say but yes.Araw araw akong nagpapractice pag uwi ko galing school pero hindi ko talaga matutunan eh sa youtube ko lang tinitignan kaya hindi ko gaanong magets.Nahihiya naman akong magpaturo kasi baka sabihin kalalaki kong tao hindi ako marunong magbasketball" Sabi nya,I have an idea tutal marunong ako tuturuan ko sya.Yes tama kayo ng pagkakabasa marunong ako dahil tinuruan ako ni Kuya at lagi kaming naglalarong tatlo kaya ayun nasanay ako.

"Dont worry ako nalang ang magtuturo sayo" Sabi ko at gulat naman syang tumingin sakin.Hindi nya siguro ineexpect na marunong ako

"Really? Are you sure?" Tanong nya

"Yes ayaw mo ba?" Tanong ko sakanya

"Syempre gusto ko tara na sa labas" Excited nyang sabi kaya nagpunta na kami sa labas.Meron silang Half court sa gilid ng kanilang bahay.Kinuha ko ang bola at nagdrible ako sabay lay up.Napatingin naman ako kay Kim at ayun gulat na gulat sya.

"Ang galing mo pala san ka nga pala natuto?" Tanong nya

"Sa kuya at sa kapatid kong bunso.Actually naging libangan na namin ang paglalaro ng basketball kaya ayun sanay na sanay na ako" Sabi ko

"Kaya mo bang magdunk?" Tanong nya

"Yes" Sabi ko at nagulat naman sya.5'5 lang ang height ko pero kaya kong magdunk dahil mataas akong tumalon.

"Gusto mong makita?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya.Nagdrible ako at nung malapit na ako ay tumalon ako at pinadaan ko sa hita ko ang bola sabay dunk.

"Wow ang galing mo" Manghang manghang sabi nya

"Nakapag warm up na ako tara na tuturuan na kita" Sabi ko at tinuro ko sa kanya kung paano mag drible medyo matagal bago nya natutunan and tinuro ko rin sakanya kung pano mag lay up at mag jumpshot.Inabot kami ng lunch bago nya matutunan kung paano magdrible,lay up at jumpshot at dahil lunch na umuwi na ako at sinabi ko na babalik nalang ako bukas para ituro sakanya yung iba pa.Medyo matagal syang matuto pero atleast kahit matagal natututunan parin nya.And nakita ko kung gaano sya ka pursigidong matuto.Mabait naman pala sya kaya ayun kahit papaano naging close narin kaming dalawa.I dont know why pero ang saya ko kanina habang kasama ko sya.

To be continued.....................

Please support my story😊

And dont forget to vote!!!

Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon