JADE POV:
Nandito kami ngayon sa cemetery,katatapos lang ng libing ni Papa.Tinitignan ko ang lapida nya at hinahaplos ko ito.Muli akong napaiyak.
Pa kung nasaan ka man ngayon sana maging masaya ka.Mahal na mahal ka namin nila Mama.Pa sorry kung hindi manlang kita maalala pero sa puso ko ramdam ko na naging mabuti kayong ama sa amin.Pa sana wag mo kaming pababayaan at sana gabayan mo kami araw araw.Mahal na mahal na mahal kita Pa.
Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi ko yan sa isip ko.Naiinis ako kasi hindi ko manlang sya naalala bago sya mamatay.
Kami nalang pamilya ang nanadito kasi kanina pa umuwi sila Cess.Simula nung nalaman ko na may gusto ng iba si Kim iniwasan ko na sya kasi alam kong masasaktan lang ako kapag lumapit pa ako ng lumapit sa kanya dahil lalo lang lalalim ang feelings ko para sa kanya.Wala akong idea kung napapansin nya bang iniiwasan ko sya.
"Anak tumayo kana at umuwi na tayo" Malungkot na sabi ni Mama
"Ma mauna na kayo gusto ko munang mapag isa" Sabi ko
"Sigurado kaba anak?" Tanong ni Mama
"Opo gusto ko po munang makasama si Papa saglit" Sabi ko
"Oh sya kung yan ang gusto mo.Umuwi karin agad ha wag kang magpapagabi" Sabi nya
"Opo" Sabi ko
"Oh sige aalis na kami" Sabi ni Mama
"Bye ingat kayo" Paalam ko sa kanilang tatlo
"Bye anak" Paalam ni Mama
"Bye lil sis mag ingat ka sa pag uwi ha" Sabi ni Kuya
"Opo kuya" Sabi ko
"Bye ate" Sabi ni James
"Bye bunso" Sabi ko at umalis na sila.Tinignan ko sila hanggang sila ay tuluyan ng makaalis.
Nang makaalis na sila muli akong tumingin sa puntod ni Papa at tahimik akong tumitig sa lapida nya.
Muling tumulo ang luha ko at bigla akong napaisip.Like masaya kaya kami dati nung hindi pa sya nagtatrabaho abroad? Close kaya kami? Ang daming tanong sa isip ko na hindi masagot sagot.
Nagulat ako ng makita kong may nag abot sa akin ng panyo at lalo akong nagulat ng makita kong si Kim pala yun.Bakit sya nandito diba umuwi na sila?
"Here I know you need this" Sabi nya sabay abot nang panyo kaya kinuha ko nalang at pinunasan ko ang pisngi ko.
"Bakit ka nandito diba umuwi na kayo?" Tanong ko sakanya
"Hindi ako sumamang umuwi sa kanila" Sabi nya
"So it means kanina kapa nandito?" Tanong ko
"Oo at hinintay ko lang umalis sila Tita bago kita lapitan" Sabi nya
"Bakit may sasabihin kaba?" Tanong ko
"Bakit mo ko iniiwasan this pass few days?" Tanong nya.Shit nakakahalata ba sya?
"Ako iniiwasan ka? hindi ah" Pagsisinungaling ko
"Hindi ako manhid Jade para hindi maramdamang iniiwasan mo ako" Sabi nya.Shit anong gagawin ko? Alam ko na
"Ayy oo nga pala may pupuntahan pa ako sige mauna na ko ha" Sabi ko sabay tayo at naglakad na ako palayo sa kanya.Nagulat ako ng hablutin nya ang braso ko.
"Ano ba!" Inis kong sabi sakanya
"Sagutin mo muna ang tanong ko bago ka umalis" Seryosong sabi nya
"Diba sinabi ko na kanina na hindi nga kita iniiwasan" Sabi ko
"Liar" Seryoso paring sabi nya
"Then kung ayaw mong maniwala edi wag" inis kong sabi at naglakad na ulit ako paalis.Habang naglalakad ako palayo sa kanya bigla nalang sumakit ang ulo ko.Shit parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit.
"Jade what happen?" Nag aalalang tanong ni Kim.
"Sobrang sakit ng ulo ko" Sabi ko at nakahawak parin ako sa ulo.Grave sobrang sakit talaga,napaiyak na ako sa sobrang sakit at napaupo narin ako sa damuhan.
"Jade gusto mo dalin na kita sa hospital?" Nag aalalang tanong nya
"Wag na mayamaya mawawala rin ito" Sabi ko,hindi kasi ito ang unang beses na sumakit ang ulo ko pero ito na ang pinaka masakit.Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa ulo ko dahil sumakit na naman ng sobra and everything went black.
To be continued....................
Please support my story😊
And dont forget to vote!!!
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊