JADE POV:
Iminulat ko ang mga mata ko at poro puti ang nakikita ko.Shit patay naba ako? Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid at nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong nasa hospital lang pala ako.Haist akala ko patay na talaga ako.Napansin ko na may benda ang kanang paa ko.
Napangiti ako ng makita ko ang mga kaibigan ko na natutulog sa sofa.And ngayon ko lang napansin na may nakaupo rin pala sa tabi ko pero hindi ko makita ang mukha nya dahil nakdukdok sya.
Wait bakit wala ata dito sila Mama at sila kuya? Nasan kaya sila? Tumingin nalamang ako sa kisame ng hospital at nagulat ako ng may biglang sumigaw
"Oh my gosh thanks God at nagising kana" Sigaw ni Ange kaya nagising silang lahat at si Mark pala yung nakadukdok sa tabi ko.Lumapit silang lahat sa akin
"Jade may masakit ba sayo?" Tanong ni Mark
"Medyo masakit yung buong katawan ko" Sabi ko
"Mabuti naman at nagising kana.Grave ang dami mo ng namiss na lesson sa school" Sabi ni Cess
"Bakit madami? Ilang araw naba akong nakaconfine dito sa hospital?" Tanong ko
"Isang linggo kanang tulog" Sabi ni Angeline
"Grave kaya pala nagugutom ako.Wait nasan sila Mama?" Tanong ko sa kanilang lahat
"Bumili lang ng pagkain sila tita baka mayamaya lang nandito na yun" Sabi ni Mark.Naks nakiki tita narin ang gago hahahaha
Babangon na sana ako ng biglang sumakit ang likod ko kaya napahiga ako ulit.Shit ang sakit
"Wag ka munang bumangon hindi pa fully recover ang katawan mo.Kapag pinilit mo lalong lalala yan kaya humiga ka nalang muna" Sabi ni Mark
"Ok" Sabi ko
May biglang kumatok sa pinto.
"Oh baka sila Tita na yan wait buksan ko lang yung pinto" Sabi ni Carlo.Oh isa pa ito kung makatita hahahaha pero syempre joke lang.Itinuturing ko narin namang kaibigan ang dalawang mokong nato hahaha
Gulat na gulat si Mama ng makita nya akong nakatingin sa kanya.Umiiyak syang lumapit sa akin sabay yakap.Mabuti nalang hindi mahigpit ang pagkakayakap nya sa akin.Lumapit narin samin sila Kuya
"Anak buti naman at nagising kana miss na miss kana naming lahat" Umiiyak paring sabi ni mama
"Ma miss na miss ko narin kayo.Wag ka ng umiyak" Sabi ko sabay punas sa luha nya
"Musta kana lil sis masakit ba ang katawan mo? May gusto kabang kainin?" Tanong ni Kuya
"Medyo masakit pa kuya and about sa pagkain ipaghanda nyo nga ako nagugutom na kasi ako" Nahihiyang sabi ko
"Hahaha wag kana ngang mahiya ate hindi bagay sayo" Nangaasar na sabi ng makulit kong kapatid
"Whatever" Sabi ko
"Hahaha eto naman di mabiro pero kahit ganyan ka namiss parin kita.Pagaling ka agad ha ng may mabusit ulit ako sa bahay isang linggo din kasi akong walang nakakaaway eh" Sabi nya haist kahit kailan talaga hahahaha asot pusa kasi kaming dalawa pero mahal namin ang isat isa
"Oh anak kumain kana" Sabi ni Mama sabay tabi sa akin at sinubuan nya ako.
Naalala ko yung away namin ni Jennie nanggigigil ako kapag naaalala ko yun.Shit ang sakit lang isipin na hindi ako ang pinaniwalaan ni Kim pero ano nga ba laban ko? girlfriend sya,ako kaibigan lang.
"Masarap ba?" Tanong ni Mama
"Opo" Sabi ko
"Ma si Papa oh" Sabi ni Kuya sabay abot ng phone kay Mama.Nagvideo call si Papa.
"Hi anak kamusta kana?" Tanong ni Papa.Napaiyak nalang ako kasi miss na miss ko na sya
"Ok lang ako pa ikaw kamusta kana dyan?" Tanong ko
"Ok lang din ako anak wag kang mag alala ayos lang ako dito" Sabi ni Papa
"Miss na miss na kita Pa" Sabi ko
"Wag kanang umiyak anak bahala ka papanget ka nyan.Miss na miss narin kita pagaling ka ha" Sabi ni Papa
"Opo magpapagaling po ako" Sabi ko at sila naman ni Mama ang nag usap.Dalawang taon nang hindi umuuwi si Papa kaya miss na miss ko na sya.
Tinignan ko yung mga kaibigan ko.Si Ange ay tulog habang nakasandal sa balikat ni Carlo at yung ulo naman ni Carlo ay nakapatong sa ulo ni Ange.Ang sweet talaga ng dalawang ito.Si Cess at Angeline rin tulog.Si Mark lang ang gising.
"Mark gisingin mo na sila at umuwi na kayo mukhang kulang kayo sa tulog.Sige na magpahinga muna kayo nandito naman sila Mama para bantayan ako" Sabi ko sakanya.Mukhang antok na antok din sya.
"Sure kaba? Kasi pwede naman akong mag stay dito If you want" Sabi nya
"Wag na magpahinga kanalang mukhang kulang karin sa tulog.Dont worry ok lang ako" Nakangiti kong sabi
"Ok sige" Sabi nya at ginising nya na yung iba
"Salamat guys sa pagbantay sakin dito sa hospital.I really appreciate it" Nakangiti kong sabi sa kanila
"Youre always welcome boy" Sabi ni Cess
"Pagaling ka ha ng makalabas kana rito" Sabi ni Angeline
"Makakaasa kayo atsaka ayoko narin namang magtagal dito sa hospital eh" Sabi ko
"Ok bye pahinga ka ha ng bumalik na yung lakas mo" Sabi ni Mark
"Oo nga para makapasok ka narin sa school" Sabi ni Ange
"Ok asahan nyo sa monday papasok na ako" Sabi ko
"Sana nga pero wag mong pilitin kung hindi pa kaya ng katawan mo" Sabi ni Mark
"Ok sige alis na kami bye" Sabi nilang lahat
"Bye ingat" Sabi ko sabay wave ng kamay ko sa kanilang lahat.
To be continued............
Please support my story😊
And dont forget to vote!!!
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊