JADE POV:
Ang bilis ng araw last day na namin ngayong magkasama dahil aalis na sya bukas. Nakakalungkot man pero pipilitin kong maging masaya ngayong araw. Dahil nga last day na ay naisip kong gumawa ng list ng mga gusto kong gawin kasama sya.
Ang una naming gagawin ay magpicnic sa park. Hindi pa kasi namin to nagagawa kaya naisipan ko itong ilagay sa list.
Nandito na kami ngayon sa park at inilatag na ni Kim yung blanket at naupo na kaming dalawa.
"Siga may surprise ako sayo" Sabi nya tapos may kinuha sya sa basket
"Ano yun?" Tanong ko
"Taran!" Sabi nya sabay pakita ng lunch box na may lamang carbonara which is my favorite food kaya naman napangiti ako.
"Wow! Sungit kaya love na love kita eh" Sabi ko sabay yakap sakanya
"Sabi na magugustuhan mo to eh. Ako nagluto nyan!" Nakangiti nyang sabi
"Talaga? Panigurado masarap to" Masaya kong sabi
"Syempre naman masarap talaga yan kasing sarap nung nagluto" Sabi nya sabay smirk
"Wahahaha ikaw ha gumaganyan kana naman. Masyado ka kasing nagdididikit kay Carlo kaya ayan nahawa kana" Pagbibiro ko at natawa naman sya. Naku kung narinig ni Carlo yung mga sinabi ko paniguradong babatukan ako nun.
"Kung narinig ka nun panigurado nabatukan kana nun ngayon" Natatawa nyang sabi. See sabi sa inyo eh babatukan ako nun hahahaha
"Hay naku kumain na nga lang tayo namiss ko itong carbonara mo eh" Sabi ko
"Halata nga kanina kapa naglalaway dyan eh" Sabi nya
"Gusto mo atang mabatukan eh" Maangas kong sabi
"Joke lang noh kaba ang sadista mo talaga" Sabi nya at kumain na kami. Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ng kung anu ano ay nagligpit na kami ng mga ginamit namin.
Picnic sa park✔
"Ano sunod nating gagawin?" Tanong ni Kim
"Maglalaro tayo sa arcade" Nakangiti kong sabi at napangiti rin sya. Actually parehas naming hobby ang paglalaro sa arcade at ang paborito naming laruin ay basketball nagpaparamihan kami ng score.
"Yown tara na!" Excited nyang sabi kaya naman nagpunta na kami agad sa mall.
*Fast Forward*
=Mall=
Nagpapalit agad kami ng token para makapag laro na kami agad, wala eh masyadong excited tong kasama ko hahahaha.
"Siga para mas maging exciting yung paglalaro natin kung sino matatalo sya manlilibre ng lunch, ano game?" Tanong nya
"Game may the best shooter win!" Sabi ko sabay smirk sa kanya
Naglaro na kaming dalawa at parehas kaming seryoso habang naglalaro syempre hindi ako papatalo dakilang kuripot ata ako ayokong ako ang nanglilibre kahit pa jowa ko sya hahahahaha.
Natapos ang laban ng may ngiti sa kanyang mga labi grrr kainis natalo ako. Shit first time lang ito mga dre first time kong matalo sa kanya kaya naman ngiting ngiti ang loko.
"Woohh I won for the first time!" Masaya nyang sabi
"Pinagbigyan lang kita noh alam mo naman aalis kana farewell gift ko sayo" Pagbibiro ko
"Oo nalang Siga oo nalang" Natatawa nyang sabi
"Kain muna tayo nagutom ako kakalaro" Sabi ko at natawa naman sya
"Oh bakit ka na naman tumatawa dyan?" Tanong ko
"Wala" Sabi nya sabay kurrot sa ilong ko
"Wala raw" Sabi ko
"Saan mo ba gustong kumain?" Tanong nya
"Sa kfc nalang" Sabi ko
"Ok tara na" Sabi nya kaya naman naglakad na kami papuntang kfc
Nang makarating kami ay pumasok na kami sa loob alangan namang sa labas lang kami diba charot hahahaha. Humanap na ako ng mauupuan namin at sya naman ang umorder.
Mayamaya lang ay dala dala na nya yung mga inorder nya.
"Siga pakabusog ka ha" Sabi nya sabay lagay ng mga pagkain sa harap ko
"Yes boss" Sabi ko sabay salute wahahaha parang baliw lang
"Nababahog ka na naman gutom lang yan kumain na tayo" Sabi nya at kumain na kami
Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami sa mall at sabi ni Kim kanina sya na ang bahala sa huling lugar na pupuntahan namin. Mayamaya lang ay nakarating narin kami.
"Bakit tayo nandito sa school?" Tanong ko, nasa school kami ngayon kung saan kami gumraduate ng shs
"Basta" Sabi nya sabay hila sa akin at sa kakahila nya nakarating kami sa garden ng school
"Do you remember this place?" Tanong nya
"Oo naman dito ka kaya umamin at dito rin natin naisip yung enderament natin, so bakit nga tayo nandito?" Tanong ko
"Dito umamin sayo kaya gusto ko dito rin tayo mag promise sa isat isa" Sabi nya
"Mag promise ng ano?" Tanong ko
"Mag promise na walang magbabago sa ating dalawa kahit ldr tayo" Sabi nya
"Wag kang mag aalala kahit sobrang layo mo pa sa akin hinding hindi kita ipagpapalit ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko wala nang iba" Sabi ko at napangiti naman sya
"Sarap naman sa ears ng mga sinabi mo, same lang naman tayo hinding hindi ko rin magagawang ipagpalit ka sa iba" Sabi nya kaya napangiti rin ako
"Promise walang iwanan" Sabi nya
"Promise" Sabi ko at nagpinky promise kaming dalawa, wahahaha para kaming mga bata
"I love you Siga sobrang mamimiss kita" Sabi nya at niyakap nya ako ng mahigpit
"I love you too sungit" Sabi ko
To be continued...............
Please vote and comment😊
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊