JADE POV:
Nasa canteen kaming apat ngayon vacant kasi namin and lunch break na ang sunod kaya dito na kami tumambay para diretso lunch na mamaya.
"Ange musta na kayo ni Carlo bakit parang di ko kayo nakikitang magkasama nitong past few days?" Tanong ni Angeline
"Lq kasi kami" Malungkot nyang sabi
"Bakit naman kayo nag away?" Tanong ni Cess
"Poro kasi sya ml nitong mga nakaraang araw hindi na nya minsan mareplyan yung mga chat at text ko sakanya kakalaro ng ml kaya ayun nag away kami.Pinagbawalan ko syang maglaro nun kaya nag away kami" Malungkot na sabi ni Ange
"Dapat kasi sabihin mo sa kanya na okay lang syang maglaro ng ml basta hindi sya mawawalan ng oras sayo" Sabi ko at tumango naman silang lahat
"Tama si Jade hindi mo naman sya kailangan pagbawalan maglaro ipaliwanag mo lang sa kanya na dapat hindi sya nawawalan ng oras sayo" Sabi ni Cess
"Okay thanks guys mamaya kakausapin ko sya" Sabi ni Ange.Nakita ko na papalit sa amin si Carlo.Nakatalikod kasi sila Ange kaya hindi nila makikita kung sino yung mga pumapasok sa canteen
"Mukhang eto na ata ang perfect time para sabihin mo yun sa kanya" Sabi ko at naguluhan naman silang lahat kaya itinuro ko si Carlo na malapit nang makarating sa table namin.
"Hey guys pwede ko bang mahiram saglit yung Baby koh?" Tanong ni Carlo.Ang korni ng endearment nila hahaha
"Oo naman kahit hindi mo na ibalik" Pagbibiro ni Cess kaya natawa kami
"Sama nyo ha" Nakasimangot na sabi ni Ange
"Joke lang naman" Sabi ni Cess
"Hoy Carlo buo mo yang kinuha buo mo ulit ibalik ha" Maangas kong sabi
"Opo boss" Sabi nya sabay hands up kaya napatawa ulit kami
"Ang angas mo talaga babe" Sabi ni Mark
"Akoy tigil tigilan mo Mark ha baka sapakin kita dyan" Maangas kong sabi
"Hindi ka naman mabiro babe" Sabi nya
"Huwag mo nga akong tawaging babe nakakaasiwa eh" Sabi ko
"Hoy kayong dalawa wag na nga kayong mag away" Awat ni Ange
"Oo nga alam nyo ba ganyan nagkatuluyan ang lolot lola ko" Pang aasar ni Cess
"Shut up" Inis kong sabi kaya matawa sila haist pinagtulungan na naman nila ako.
"Oh kayong tatlo hindi paba kayo aalis?" Tanong ko kila Carlo,Ange at Mark
"Opo boss eto na aalis na kami atsaka maiiwan nga pala dito si Mark kailangan kasi namin mag usap ni Ange ng kaming dalawa lang" Sabi nya at umalis na sila.Naupo si Mark sa tabi ko.
Ngayon ko lang napansin na naiwan ko pala yung librong dala ko kanina kaya tumayo ako at nagpaalam sa kanila.
"Guys alis lang ako saglit naiwan ko kasi yung libro ko sa room kanina babalikan ko lang" Sabi ko
"Sama ko babe" Sabi ni Mark sabay tayo
"Wag na maiwan ka nalang dyan" Sabi ko pero nagpumilit parin syang sumama kaya hinayaan ko nalang sya.
Naglalakad na kami ngayon papuntang room ng biglang napatingin ako sa isang room at nahagip ng mga mata ko si Kim at yung isang magandang babae na ngyon ko palang nakita.Nagtatawanan at nagkukulitan silang dalawa.Kung titignan mo sila para silang magjowa kung magkulitan at ang sweet nila sa isat isa.Hindi ko na kinaya kaya iniwas ko ang mga mata ko sa kanila.Pakiramdam ko nanggigilid na ang mga luha ko kaya tumakbo ako.Narinig kong tinatawag ako ni Mark pero hindi ko sya pinansin.
"Jade hintayin mo ko" Tawag sa akin ni Mark.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa rooftop.Umupo ako sa isang sulok at umiyak ako ng umiyak.
Ang sakit sakit parang pinupunit ang puso ko.Sobrang sakit palang makita syang masaya sa piling ng iba.Alam kong wala akong karapatang magalit sa kanya dahil walang kami pero may karapatan akong magselos dahil mahal ko sya.Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa maramdaman kong may humahagod sa likod ko
"Sshhh tahan na Jade diba matapang at maangas ka bakit ka umiiyak.Tahan na Jade nagmumukha kang mahina eh" Sabi ni Mark.Kahit hindi ko sya nakikita alam na alam kong sya ang humahagod sa likod ko dahil alam ko ang boses nya.
"Eto panyo oh please wag ka ng umiyak" Sabi nya.Kinuha ko ang panyong inabot nya sa akin at pinunasan ko ang mga mata ko
"Salamat ha ibabalik ko nalang sayo yung panyo mo bukas" Nakangiting sabi ko
"Ayan mas better kang tignan kapag nakangiti atsaka huwag mo ng ibalik sa akin yung panyo sayo na yan" Nakangiti ring sabi nya.Ngayon ko lang napansin na ang gwapo rin pala ng isang to
"Ok thanks" Sabi ko
"If you dont mind Can I know why are you suddenly run away and cry?" Nag aalalang tanong nya
"Nothing just dont mind me" Sabi ko hindi pa kasi ako handang sabihin sa ibang tao ang nararamdaman ko para sa kanya
"Ok I understand you maybe hindi kapa handang sabihin sa iba" Sabi nya.Mabuti nalang at naiintindihan nya
"Thanks sa pag intindi and tama ka hindi pa kasi ako handang iopen sa iba ang nararamdaman ko" Sabi ko.Tumayo na ako at pinagpagan ko ang palda ko
"Tara na kukunin ko pa nga pala yung libro ko at baka hinahanap na nila tayo" Sabi ko at bumaba na kaming dalawa.
Ngayon ko napatunayan na kahit ang kulit at ang hilig mang asar ni Mark mabait at marespeto rin naman pala syang tao.Kanina habang kasama ko sya naramdaman ko na magkakasundo rin naman pala kami.Kaya narealize ko na hindi ko dapat syang kainisan dahil masarap din naman pala syang kasama at feeling ko tunay rin syang kaibigan.
To be continued...........
Please support my story😊
And dont forget to vote!!!
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊