JADE POV:
Nasa veranda ako ngayon habang nakatingin sa mga ulap.Sa kalagitnaan ng pagmumuni muni ko bigla nalang may kumatok kaya pumunta ako sa pinto para pagbuksan kung sino man yung kumatok.
*TOK TOK*
Si Kuya lang pala atsaka si James,pinapasok ko sila sa loob.
"Ate anong ginagawa mo?" Tanong ni James
"Nagmumuni muni lang ako bunso" Sabi ko
"Oh bakit nga pala kayo nandito?" Maangas kong tanong sa kanila.Hahaha trip ko na naman maging maangas,hobby ko na ata ito eh hahahaha
"Angas ha" Natatawang sabi ni Kuya
"Aayain ka sana namin ni Kuya maglaro,ang tagal narin kasi nating hindi nakakapaglaro ng basketball" Sabi ni James kaya napangiti ako
"Ok game" Sabi ko
"Ayos" Sabi nilang dalawa
"Lumabas na kayo magbibihis na ako" Sabi ko
"Ok sige hintayin ka nalang namin sa baba" Sabi ni Kuya kaya tumango ako
Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako.Nung nasa sala na ako bigla kong naisip si Kim,pwede syang sumali sa amin.Tinawagan ko sya at mabuti naman dahil ilang ring lang ay sinagot nya na agad.
"Hello kim" Sabi ko
(Hello Jade bakit ka napatawag?)Tanong nya
"May ginagawa kaba?" Tanong ko sa kanya
(Wala naman bakit?) Tanong nya
"Maglalaro kasi kami ngayon nila Kuya ng basketball gusto mo ba sumali?" Tanong ko
(Oo naman sige magbibihis lang ako) Sabi nya
"Ok sige hintayin ka nalang namin" Sabi ko
(Ok sige mabilis lang ito) Sabi nya
"Ok bye" Paalam ko
(Bye see you) Sabi nya kaya inend ko na ang tawag,may pa see you pa ang lolo nyo hahahaha.
Pinuntahan ko na sila Kuya at naabutan ko silang naghaharutan,ang kukulit talaga nila.
"Oh ayan na pala si Ate" Sabi ni James kaya napatingin din sa akin si Kuya
"Wait lang hintayin natin si Kim,inaya ko kasi syang maglaro" Sabi ko
"Ayyieehhh si Ate inaya yung crush nya" Sabi ni James
"Lumubay ka ngang bata ka hindi ko yun crush noh" Sabi ko
"Naku dineny pa" Sabi ni Kuya
"Waahhh kainis kayo sinabi nang hindi ko sya crush eh" Naiinis ko nang sabi
"Wahahaha napadefensive mo lil sis" Sabi ni Kuya
"Oo nga halata kaya Ate na may gusto ka kay Kuya Kim" Sabi ni James
"Sige pagtulungan nyo pa akong dalawa" Naiinis paring sabi ko
"Wahahaha ang sarap mo kasing asarin" Sabi ni Kuya
"Oh ayan na pala yung crush ni Ate" Sabi ni James sabay turo kay Kim.Lintik talaga tong batang to,ipagsigawan ba namang crush ko raw si Kim
"Bwisit ka talagang bata ka" Sabi ko,hahampasin ko na sana sya kaya lang tumakbo sya palayo.
"Ayoko na" Sabi nya
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊