CHAPTER 7

1.3K 52 1
                                    

JADE POV:

Nandito ako ngayon sa bahay nila Kim katatapos ko palang syang turuan ng basketball at masasabi kong sanay na sya.Nung una ang tagal nyang matuto pero kanina nung tinuturuan ko sya nakukuha nya agad.

Nasa kusina kami ngayon at nakaupo ako sa harap ng lamesa habang pinapanood kong magluto si Kim.Ang gwapo pala nya lalo na kapag nakatalikod char syempre mas gwapo sya kapag nakaharap.

Hmm ang bango ng niluluto nya,nagutom tuloy ako bigla.Habang nakatitig ako sa kanya bigla nalang tumunog ang phone ko.

Ange calling..............

Sinagot ko ang tawag nya at muntik na akong mabingi sa lakas at tinis ng boses nya.

( Yeobosaeyo oppa miss you nasan ka?) Matinis nyang sabi,grave muntik na akong mabingaw promise

"Ang ingay mo talaga kahit kelan" pang aasar ko

(Ouch ha hindi manlang naghello at nag I miss you.Ang bad mo talaga) Parang nagtatampong sabi nya

"Hahaha edi hello edi I miss you too.Happy?" Sabi ko

(Halatang pilit ha i hate you) Asar nyang sabi

"I hate you too hahahaha pikon ka talaga" Natatawang sabi ko

(Oo na pikon na kung pikon maganda naman) Confident nyang sabi

"Shit ang lakas ng hangin tatangayin ata ako sa sobrang lakas hahahaha" pang aasar ko

(Waaaahhh i hate you talaga oppa) Naaasar nyang sabi

"Hahahaha pikon as always" pang aasar ko

(Whatever so nasan ka?) Tanong nya

"Bakit mo tinatanong?" Tanong ko rin

(Masama bang magtanong?) Sabi nya

"Oo hahahha char nakila Kim ako" sabi ko

(Sinong kim? Oh my gosh wag mong sabihing gf mo ung kim?) Gulat na gulat nyang sabi.Grave talaga tong babaeng to ano tingin nya sakin tomboy? Boyish lang ako pero di ako tomboy

"Gaga anong gf si sungit ung kim na tinutukoy ko" Sabi ko

(Ahh oo nga pala Kim Arvin nga pala name nya shorry naman.Anong ginagawa mo sakanila diba magkaaway kayo?) Nagtatakang tanong nya

"Magkaaway kami dati pero ngayon hindi na atsaka mabait naman pala sya" Nakangiti kong sabi

(Ayyiieehh baka magkadevelopan kayo nyan) Pang aasar nya

"Hay naku kung ano ano na naman pinagsasasabi mo.Friends lang kami" Sabi ko

(Friends nga ba? O baka iba na) Pang aasar uli nya

"Baliw friends nga lang kami.So Musta na kayo ni Carlo?" Pag iiba ko ng topic

(Ayun strong parin) Kinikilig nyang sabi

"Kilig na naman sya" Pang aasar ko

(Inggit naman sya hahahaha) Pang aasar din nya

"Hindi noh" Sabi ko

(Edi hindi hahahaha bye na boy.Enjoy your day with Mr Sungit) Pang aasar nya

"Baliw hahahaha sige bye" Natatawang sabi ko

(Bye oppa Miss you ulit) Sabi nya

"Miss you too bye" Sabi ko

At ibinaba na nang gaga ang tawag hahahaha baliw talaga yung babaeng yun.Nag asaran lang kami sa phone hahahaha lagi namang ganon eh.

"Kain na tayo" Sabi ni Kim at kumain na kami.Magkatapat kami ng upuan kaya kitang kita ko sya at kitang kita rin nya ako.

Grave nakakailang kumain ikaw ba naman may kaharap na gwapo di ka mailang wait lang erase erase haist kung ano ano na naman nasasabi ko.

"Ano kaba Jade wag kanang mailang sakin" Sabi ni Kim.Napatingin ako sa kanya,nahalata nyang naiilang ako.

"Hmm Di ko kasi maiwasang mailang eh" Nahihiyang sabi ko at napagiti naman sya

"Friends na tayo diba kaya masanay kana" Nakangiting sabi nya.Biglang kumirot ang puso ko sa di malamang dahilan.

"Ok" Sabi ko

"Gusto mo punta tayong park pagkakain?" Pag aaya nya

"Cge ba" Masiglang sabi ko

"Hahahaha ang cute mo" Nakangiting sabi nya,naramdaman kong uminit ang pisngi ko.Napayuko na lamang ako.Parang wala lang sa kanya yung sinabi nya

Pagkatapos kumain nagpahinga lang kami saglit at naglakad na kami papunta sa park.Walking distance lang naman kaya naglakad nalang kami.Ng makarating kami sa Park naupo kami sa swing.

"Jade thank you" Sabi nya

"For what?" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin ako sakanya

"Sa pagtuturo sa akin" Nakangiting sabi nya

"Ahh yun ba nakadaming thank you kana sakin ngayong araw ha" Natatawang sabi ko.Simula kasi kanina thank you na sya ng thank you sakin

"Hindi ako magsasawang magthank you sayo kasi kung hindi mo ako tinuruan hindi ko matutupad ang isa sa mga pangarap ko na makasali sa basketball team sa school.Matagal ko na kasing gustong sumali.Honestly,inggit na inggit ako sa mga players sa school natin kasi gustong gusto ko talagang sumali sa kanila kaso hindi ako sanay.And thanks dahil natupad mo ang isa sa mga pangarap ko" Nakangiting sabi nya.Ang sarap sa feeling nung mga sinabi nya.And ang sarap malaman na natupad ko ang isa sa mga pangarap nya

"Youre always welcome" Nakangiting sabi ko.Biglang may dumating na matanda na nagtitinda ng ice cream.

"Gusto mo ng ice cream treat ko" Sabi nya,nakita nya siguro akong nakatingin sa ice cream.Tumango ako sakanya at lumapit sa doon sa nagtitinda.Nakangiti syang bumalik sa pwesto namin habang hawak hawak yung ice cream at inabot nya sa akin yung isa.

"Thank you" Sabi ko at kumain na kami.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano.Ang dami kong nalaman sa kanya.Ang saya saya ko tuwing kasama at kausap ko sya.Posible kayang gusto ko na sya? Pero di pa ako sure sa nararamdaman ko at natatakot ako na kapag may feelings na ako sa kanya baka hindi nya masuklian yun.Ok na muna ako sa ganito.Kuntento na akong nakakausap at nakakasama ko sya biglang kaibigan.








To be continued...................

Please support my story😊

And dont forget to vote!!!

Kamsahamnida😘



















Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon