JADE POV:
"Anak sure ka nabang kaya mo ng pumasok?" Tanong ni Mama.Nasa dining kami ngayon at kumakain.Bigla nalang nagsalita si Mama kaya napatigil ako sa pagkain.
"Ma dont worry kaya ko na.Ako pa strong ata ito atsaka nakabihis na ako ng pangpasok sayang naman ang gayak ko kung aabsent ako" Nakangiti kong sabi
"Hay ikaw talagang bata ka oh sya basta mag iingat ka sa paglalakad ha" Sabi ni Mama
"Opo" Sabi ko at kumain na ako ulit.Ng matapos akong magbreakfast tumayo na ako at nagpaalam na ako kay Mama
"Ma alis na po kami" Sabi ko at lumapit ako kay Mama para ikiss sya sa cheecks
"Ok sige mag iingat kayo ha lalo kana" Sabi nya sa akin at tumango nalang ako.Lumabas na kami nila kuya at sumakay na kami sa taxi.
Mayamaya lang ay nakarating na kami sa school kaya bumaba na kami nung bunso kong kapatid na si James.Sa iisang school lang kasi kami nag aaral si kuya lang yung naiba dahil college na sya.Inihatid ako ni James hanggang sa room namin baka raw kasi harangin ako ni Jennie kaya hinayaan ko nalang din syang ihatid ako.Ng makarating kami sa tapat ng room ay nagpaalam na ako sa kanya.
"Geh lil bro thanks sa paghatid" Sabi ko
"Geh ate mag iingat ka ha wag tatanga tanga at lalampa lampa baka lalong lumala yang pilay mo" Sabi nya
"Naku pasalamat ka talagang bata ka at injured ako kung hindi patay ka talaga sa akin" Sabi ko at natatawa naman syang tumakbo paalis
Hay naku yung batang yun talaga walang ibang ginawa kundi asarin ako pero kahit abnormal yun mahal ko yun.Pumasok na ako sa room at umupo na ako sa table namin.
"Guys wala tayong first and second period" Sabi ng president namin at ayun hiyawan sa tuwa ang mga classmates namin.
"Ang swerte mo boy" Sabi ni Cess
"Bakit naman ako naging swerte?" Tanong ko
"Wala tayong klase it means may time ka para pag aralan yung lessons na namiss mo" Sabi ni Cess
"Ay oo nga pala nawala sa isip ko but wait sino magtuturo sa akin?" Tanong ko
"Edi kami tinatanong pa ba yan" Sabi ni Ange
"Atsaka ako" Sabi ng isang pamilyar na boses.Lumingon ako sa likod ko at nakita ko yung pinsan ko na ngiting ngiti habang papalapit samin.
"Oy namiss kita ha tagal din nating di nagkita" Sabi ko sakanya at naghandshake kami na kaming dalawa lang ang nakakaalam.Hahahaha sya nakaisip nun.Umupo sya sa tabi ni Cess at nagngitian din sila.I smell something fishy.
"Oo nga eh sorry ha hindi kita nadalaw sa hospital" Sabi nya
"Ayos lang yun ano kaba atsaka siguradong may dahilan naman kaya hindi ka nakadalaw eh" Sabi ko
"Ang bait mo talaga couz" Sabi nya.Sus nambola pa ang gago hahaha.
"Totoo ba?" Sabay sabay na sabi nilang tatlo
"Wahaha cess mukhang nilalagnat ata yang jowa mo" Natatawang sabi ni Angeline.Wait tama ba yung narinig ko? Sinabi ba talaga nyang jowa ni Cess si Jerold? Waaahhh sabi na eh grave hindi manlang sya nagkukwento sa akin
"Kayo ha hindi manlang kayo nagkukwento" Nagtatampong sabi ko pero acting ko lang na nagtatampo ako.Actually masaya pa nga ako eh kahit hindi nila sinabi sa akin
"Oy boy wag kanang magtampo sasabihin na talaga namin sayo ni Jerold ngayon" Sabi nya
"Sorry Cess,Jade totoo yung sinabi ni cess please wag kanang magtampo" Sabi ni Angeline
"Wahahahahaha ano ba naman kayo hindi naman ako nagtatampo actually masaya nga ako dahil kayo na ng pinsan ko" Sabi ko
"Really? Thanks boy akala ko talaga nagtatampo ka eh yung itsura at pagsasalita mo kasi kanina may halong pagtatampo" Sabi nya
"Wahahaha acting lang yun noh" Sabi ko
"May sasabihin din ako sayo Jade.Sorry kung hindi ko rin nasabi nung nasa hospital ka kasi gaya ni Cess hindi rin ako makahanap ng tiyempo kaya ngayon ko palang masasabi sayo" Sabi nya.Ano naman kayo yun? Wag mong sabihing may jowa narin sya? Kung meron man sino kaya?
"Ano yun?" Tanong ko
"May boyfriend narin ako" Sabi nya.So tama yung hula ko kaso ang tanong sino naman kaya?
"Sino yung malas na lalaki?" Natatawang tanong ko
"Grave sya" Sabi nya
"Joke lang noh kaba so sino?" Tanong ko
"Si Russel Santos" Sabi nya.What yun yung nakabunggo nya noon ha
"Diba yun yung nakabunggo mo noon at yun din yung inaasar namin sayo?" Tanong ko
"Oo sya nga" Nakangiti nyang sabi
"Parang kailan lang inaasar ka namin sa kanya tapos sinabi mo pa na hinding hindi mo magugustuhan yung playboy na gaya nya" Sabi ko
"Oo nga eh" Nakangiting sabi nya
"Pero wala parin talagang forever" Bitter kong sabi
"Naku wala kalang kasing jowa kaya bitter ka" Sabi nila
"Totoo naman eh nagjojowa pa kasi mamamatay rin naman" Bitter ko paring sabi
"Queen of Bitterness award goes to Jade Gonzales" Sabi ni Cess at kunyaring nilagyan ako ng crown.At akong si Gaga kumaway kaway pa habang nakangiti.Hahahaha tinamaan na naman ako ng sakit na kabaliwan
"Wahahaha feel na feel nya pa oh" Sabi ni Ange habang tumatawa
"Oh sya magsimula na nga tayo bago pa ako tuluyang sapian ng baliw na espiritu" Sabi ko at natawa naman sila.
Someone's Pov:
"Bro kailan mo ba sasabihin kay Jade na ikaw ang katext nyang si Red?" Tanong nya
"Malapit na bro" Sabi ko
"Mahal mo naba talaga sya?" Tanong nya sa akin
"Oo mahal na mahal ko sya simula pa nung una kaming magkita" Sabi ko
"Basta bro wag mo ng patagalin yan ha kung maaaring bukas sabihin mo na sakanya ang totoo gawin mo" Sabi nya
"Oh sige bukas na bukas sasabihin ko na sa kanya ang totoo pati narin ang tunay kong nararamdaman para sa kanya sasabihin ko na" Sabi ko
"Ganyan nga dahil kapag pinatagal mo pa maaaring magalit sya sayo" Sabi nya
Tumingin ako kay Jade na masayang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nya.Mahal na mahal kita Jade kung pwede ko lang syang palitan dyan sa puso mo matagal ko ng ginawa ng hindi kana na sasaktan ng dahil sa kanya.Alam kong mahal mo parin sya kahit sobra kanang nasasaktan pero handa akong maging rebound mo dahil ganoon kita kamahal.Bukas na bukas sasabihin ko na sayo Jade ang totoo.Sana hindi ka magalit sa akin kapag nalaman mo na kung sino ako.
To be continued.........
Please support my story😊
And dont forget to vote!!!
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊