JADE POV:
Nakahiga ako ngayon sa kama ko at kanina pa ako nilalamig. Tumingin ako sa orasan at alas singko palang nang madaling araw. Masyado ata akong napaaga ng gising ngayong araw. Bumangon ako para kumuha sana ng tubig kaso bigla akong nakaramdam nang pagkahilo kaya napahiga ulit ako.
Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ulit ako.
After 2 hours................
*TOK TOK*
"Jade bangon na malelate kana sa school!" Sabi ni Mama. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko talaga kaya tapos ang bigat bigat ng talukap ng mata ko.
"Jade gising na tanghali na!" Sabi ulit ni Mama
"Ma hindi muna ako papasok ngayong araw" Nanghihina kong sabi. Hindi sumagot si Mama at bigla ko nalang naramdaman na may kamay na dumampi sa leeg at noo ko
"Jusko po ang taas nang lagnat mong bata ka!" Tarantang sabi ni Mama at mukhang alalang alala sya. Narinig kong sumara ang pinto at mayamaya lang ay narinig kong bumukas ulit ito.
Naramdaman kong nilagyan nya ako ng bimpo sa noo at pinunasan nya ang katawan ko. Idinilat ko ang mga mata ko.
"Thank you Ma" Nakangiti kong sabi
"Youre always welcome anak, magluluto lang ako ng makakain mo ng makainom kana ng gamot" Sabi ni Mama
"Sige po" Sabi ko
"Oh sya sige magluluto na ako magpahinga ka lang dito ha" Sabi nya at tumango nalang ako. Pagkalabas ni Mama ay muli kong ipinkit ang mga mata ko at unti unti akong hinatak ng antok.
KIM POV:
Papunta ako ngayon sa room nila Jade. Nang makarating ako sa room nila ay agad kong hinanap si Jade kaso hindi ko sya makita. Nakita kong papalabas na sila Cess kaya pinuntahan ko sila para tanungin kung nasaan si Jade.
"Cess" Tawag ko kay Cess at nagsilingunan naman sila sa akin
"Bakit?" Tanong nya
"Nasan si Jade?" Tanong ko
"Hindi sya pumasok eh" Sabi nya
"Bakit daw?" Tanong ko
"Hindi ko rin alam eh nagulat nga kami dahil usually hindi naman umaabsent yun ng walang dahilan. Hindi narin namin sya nacontact kanina dahil may klase kami. Tawagan mo kaya ngayon" Sabi nya
"Okay sige" Sabi ko at kinuha ko ang phone ko at dinial ko ang number ni Jade.
Dialing........................
Sorry you dont have enough load in your account to make this call. Mag reload at mag register sa promo para tuloy tuloy ang kwentuhan
Inend ko agad ang tawag, shit nakakahiya nakaloud speaker pa naman kaya rinig na rinig nila.
"Hahahaha okay lang yan ako nalang ang tatawag" Natatawang sabi ni Cess
"Hindi ko macontact si Jade mukhang nakapatay o lowbat yung phone nya" Sabi ni Cess
"Kay tita ka nalang tumawag" Sabi ni Ange
"Ayy oo nga pala akalain mo yun may isip karin pala" Sabi ni Cess kay Ange
"Waahhh ang bad mo talaga sakin unnie" Sabi ni Ange
"Charot lang noh kaba" Sabi ni Cess at dinial na ang number ni Tita. Niloud spekear nya ito at ilang ring palang ay sinagot na agad ni Tita
"Hello" Bati ni Tita
"Hello po" Bati naming lahat
"Hello sa inyo bakit nga pala kayo napatawag?" Tanong ni Tita
"Itatanong po sana namin kung bakit hindi pumasok si Jade?" Tanong ni Cess
"Ayy oo nga pala pasensya na nakalimutan kong sabihin. Nilalagnat si Jade kaya hindi sya nakapasok" Sabi ni Tita at bigla na naman akong nakaramdaman ng pag aalala
"Kamusta na po sya? Okay na po ba sya?" Tanong ko
"Medyo bumaba na ang lagnat nya" Sabi ni Tita
"Pupunta po kami dyan mamayang uwian" Sabi ni Cess
"Okay sige siguradong matutuwa si Jade" Sabi ni Tita
"Huwag nyo po munang sasabihin na pupunta kami" Sabi ko
"Okay sige" Sabi ni Tita
"Sige po Tita ibababa na po namin bye po" Sabi ni Cess
"Okay bye mag iingat kayo mamaya" Sabi ni Tita at ibinaba na ni Cess ang tawag
"Tara na sa canteen nagugutom na ako" Sabi ni Angeline
"Lagi naman eh" Sabi ni Ange
"Ikaw din naman ah" Sabi ni Angeline
"Hoy kayong dalawa tumigil na nga kayo. Hindi ba pwedeng kahit isang araw lang ay hindi kayo mag aaway?" Tanong ni Cess
"Si Ange kasi eh" Sabi ni Angeline
"Tara na nga tumigil na kayo ha" Sabi ni Cess at pumunta na kami ng Canteen.
*FAST FORWARD*
JADE POV:
Nakahiga parin ako rito sa kwarto ko medyo bumaba na ang lagnat ko kaya medyo guminhawa narin ang pakiramdam ko. Bigla kong naalala na hindi ko pala na sabi kila Cess at kay Kim na hindi ako makakapasok. Alam na kaya nila? Bakit hindi manlang nila ako tinawagan para tanungin kung bakit ako absent? Hays kung anong anong tanong ang pumapasok sa isip ko.
Inabot ko ang phone ko na nasa tabi ng lampshade. Binuksan ko kaso ayaw magbukas. Ayy oo nga pala lowbat nga pala ito, nakalimutan ko. Pinilit kong tumayo para icharge ang phone ko, hindi ko na tinawag si Mama dahil kaya ko naman ng tumayo pero nahihilo parin ako.
Nang maicharge ko na ang phone ko ay agad agad ko rin itong binuksan at tumambad sa akin ang mga missed calls ni Cess. Akala ko nakalimutan nila akong tawagan. Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.
*Tok Tok*
"Pasok" Sabi ko pero itinuon ko ulit ang atensyon ko sa phone ko. Si Mama lang siguro yung pumasok.
"Siga kamusta kana? Magaling ka naba?" Tanong ni Kim. Nagulat ako akala ko si Mama yung pumasok sila pala
"Medyo okay na ako" Nakangiti kong sabi sa kanya. Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap
"Mabuti naman alam mo bang sobra sobra ang pag aalalang naramdaman ko ng malaman kong may sakit ka" Sabi nya
"Wag kanang mag aalala walang laban sakin itong lagnat nato" Nakangiti kong sabi kaya napangiti rin sya
"Ikaw talaga" Sabi nya sabay gulo sa buhok ko.
"Ehem ehem" Fake cough nila kaya natawa kami ni Kim
"Salamat guys sa pagdalaw I really appreciate it" Nakangiti kong sabi at nginitian din nila akong lahat
"Boy lowbat siguro yung phone mo noh" Sabi ni Cess
"Oo nakalimutan kong icharge kagabi" Sabi ko
"Sabi na eh kaya hindi ka namin macontact kanina" Sabi ni Cess
"Sorry ha hindi ko nasabi na hindi makakapasok nakalimutan ko kasi" Sabi ko
"Ano kaba oppa okay lang yun" Sabi ni Ange
"Oo nga ang mahalaga okay kana" Sabi naman ni Angeline
Nagkwentuhan lang kaming lahat at nung dumilim na ay umuwi narin silang lahat. Sobrang naappreciate ko ang pagdalaw nila sa akin.
To be continued...............
Please vote and comment😊
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊