KIM POV:
Nandito na ako ngayon sa airport at malapit na akong umalis. Kumpleto yung mga kaibigan namin pwera lang kay Jade. Sinabi kasi sa akin kahapon ni Jade na hindi nya ako maihahatid dahil hindi raw nya kayang makita kong naglalakad papalayo sa kanya.
Naiintindihan ko naman sya kahit ako hindi ko kayang makita syang umiiyak habang naglalakad ako papalayo sakanya kaya pumayag ako na hindi na sya sumama sa paghatid sa akin. Sigurado nagtataka na sila kung bakit hanggang ngayon hindi pa dumadating si Jade hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila.
"Kim bakit hanggang ngayon wala pa si Jade? Kanina ko pa sya kinocontact pero mukhang nakapatay yung phone nya" Nagtatakang tanong ni Cess. See speaking
"Hindi sya makakasama sa paghatid sa akin" Sabi ko
"What? Why?" Tanong ni Angeline
"Kasi hindi raw nya ako kayang makitang umalis" Sabi ko
"Sabagay kahit ako man ang nasa katayuan ni Jade hindi ko talaga kayang makitang umalis ang taong mahal ko" Sabi ni Ange
"Wag kang mag alala babe hinding hindi ako aalis sa piling mo" Sabi ni Carlo
"Talaga ba?" Tanong ni Ange
"Oo naman hindi kasi kita kayang iwanan mahal na mahal kaya kita" Sabi ni Carlo
"Ang sweet naman nang babe ko. I love you babe" Nakangiting sabi ni Ange
"I love you too babe" Nakangiti ring sabi ni Carlo
"Ano ba yan ang aga aga naglalandian kayo" Bitter na sabi ni Angeline
"Inggit kalang palibhasa wala rito bebe mo" Pang aasar ni Carlo kay Ange.
Hay mamimiss ko yung ganito, yung palagi silang nag aasaran at kung mag away sila akala mo sila mga bata. Mamimiss ko rin syempre yung paglalambing ni Jade, yung kaangasan nya, kabaliwan nya at kahit na yung kasadistahan nya mamimiss ko.
Aaminin ko hindi ko rin alam kung kaya ko bang tumagal sa ibang bansa na hindi ko kasama si Jade pero iniisip ko nalang talaga na para ito sa future namin. At sa panahon ngayon madali naman nang makipag communicate kahit nasa ibang bansa dahil sa technology kaya araw araw ko syang tatawagan para kahit papaano ay mapawi ang inip ko. Makita ko lang sya at marinig ko lang ang boses nya sa phone ayos na ako.
Jade Pov:
Flight ngayon ni Sungit pero nandito ako sa bahay nakatulala at nag iimagine ng kung ano ano. Honestly, gustong gusto ko syang makita hanggang sa huli kaso baka mapigilan ko lang sya sa pag alis nya kaya hindi na ako sumama sa paghatid. Sa mga oras na ito ay sigurado akong nakasakay na si Kim sa eroplano.
*TOK TOK*
"Pasok" Sabi ko pero patuloy lang ako sa pagtingin sa kawalan.
"Boy ayos ka lang ba?" Tanong ni Cess. Sila pala yung kumatok.
"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong ok lang ako" Sabi ko
"Naiintindihan ka namin basta lagi mo lang tatandaan na nandito pa kami na handa kang damayan sa mga araw na malungkot ka" Sabi ni Angeline sabay hagod ng likod ko
"Oo nga Jade palagi lang kaming nandito para sayo kaya sana maging ok kana" Sabi ni Ange
"Salamat sa inyo" Sabi ko at teary eyed na ako dahil sobra akong natouch sa sinabi nila
"Oh bakit kayo lang ang nandito nasaan mga jowa nyo?" Tanong ko
"Hindi na namin sila pinasama dito binigyan namin sila ng time makapag hang out ng sila sila lang" Sabi ni Cess
"Guys movie marathon nalang tayo" Sabi ko
"Ok sige btw ano papanoorin natin?" Sabi ni Angeline
"Any suggestions?" Tanong ko at nagtaas ng kamay si Cess
"Ano yun Cess?" Tanong ko
"The Curse of La Llorona nalang ang panoorin natin bago lang yun" Sabi nya
"Woah mukhang maganda yun ah sige yun nalang" Sabi ko
"Horror na naman, title palang nakakatakot na" Sabi ni Ange
"Maganda nga yun palibhasa duwag ka" Sabi ni Angeline
"Oy hindi ako duwag ah natural lang naman sumigaw kapag nagugulat ah" Sabi nya
"Oo nalang" Natatawang sabi ni Angeline
"Tumigil na nga kayo manood nalang tayo" Sabi ni Cess
"Pero bago tayo manood kukuha muna ako ng pagkain natin" Sabi ko
"Samahan na kita" Sabi ni Cess
"Ok tara na" Sabi ko kay Cess at bumaba na kami
"Hi po Tita" Sabi ni Cess kay Mama
"Hello" Sabi ni Mama sabay ngiti kay Cess
"Ma kuha lang kami ng snacks ah" Sabi ko
"Sige anak, siguro magmomovie marathon kayo noh?" Tanong ni Mama
"Opo Tita" Sagot ni Cess
"Sabi na nga ba eh, oh sya maiwan ko na kayo" Sabi ni Mama at umakyat na sya sa kwarto nya
Pagkatapos namin kumuha ng snacks ay bumalik na kami sa taas para manood.
To be continued...............
Please vote and comment😊
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊