JADE POV:
Tutal weekend ngayon napagpasyahan naming apat na magbonding sa mall kaya gumagayak na ako ngayon.
Nagsuot lang ako ng white off shoulder blouse, black ripped jeans and black converse shoes at iminessy bun ko lang ang buhok ko.
Narinig ko na may nagdoorbell kaya bumaba na ako dahil baka sila na yun. At hindi nga ako nagkakamali ang mga baliw nga ang dumating hahaha syempre char lang noh.
Pagkatapos naming magpaalam kay Mama ay lumabas na kami ng bahay para sumakay sa kotse ni Ange.
"Wag ka Ange kinabog ka ni Jade oh" Sabi ni Angeline
"Wala eh masyadong ginalingan eh" Natatawang sabi ni Ange kaya napatawa kami
"Ano ba naman kayo I woke up like this" Mayabang kong sabi
"Aba aba gumaganyan kana ngayon ah" Sabi ni Cess
"Wala eh sabi nga ni Duterte change is coming" Sabi ko
"Wahahaha oo nalang pero di ko pa talaga tanggap na kinabog mo ako dyan sa outfit mo" Sabi ni Ange
"Uso rin magmove on girl" Natatawa kong sabi
"Tama na yan nandito na tayo" Sabi ni Angeline
"Lets go girls lets enjoy this day" Nakangiting sabi ni Cess at pumasok na kami sa mall
"Saan muna tayo?" Tanong ni Ange
"Boutique" Silang tatlo
"Arcade" Me
"Ok talo ako" Sabi ko kaya natawa silang tatlo at nagpunta na kami sa boutique na palaging nilang binibilhan ng damit.
Pagkapasok namin sa loob ay tumingin agad sila ng mga damit. Itong mga to akala mo first timer palagi kapag pumupunta kami dito. Wahahaha akala mo isang taong hindi nakapag shopping.
"Oppa here look ang ganda diba? Sukat mo bilis!" Sabi ni Ange na bigla nalang sumulpot, gosh nagulat ako sakanya. Ipinakita nya sa akin ang color peach na dress na above the knee ang haba, infaireness maganda
"Grave ka naman muntik na akong atakihin sa puso" Sabi ko
"Sorry sukat mo na bilis!" Sabi nya
"Oo na! Oo na! Heto na oh!" Sabi ko at nagpunta ako sa dressing room para isukat yung dress. Pagkasuot ko ay lumabas na ako, infaireness sukat na sukat sakin yung dress as in lapat na lapat sa katawan ko.
"Woah dalagang pilipina yeah~" Sabi ni Angeline
"Baliw!" Sabi ko at natawa naman kaming apat pati na yung mga sales lady natawa sa kabaliwan ni Angeline hahahaha.
"Seryoso bagay sayo yung dress" Sabi ni Angeline
"Yeah parang sinukat eh" Natatawang sabi ni Cess
"Sabi na eh bagay na bagay sayo oppa!" Sabi ni Ange
"Totoo ba?" Tanong ko
"Oo nga bagay na bagay, diba ate?" Sabi ni Cess sabay tanong sa sales lady na nasa gilid namin
"Opo maam bagay na bagay po talaga sa inyo" Sabi ni ateng sales lady
"Ay naku salamat ate maliit na bagay dahil dyan bibilin ko na ito!" Sabi ko at nagbihis na ulit ako
Hays ang dami nilang nabili ako tatlo lang nagustuhan ko kaya konti lang ang paper bags na dala ko.
"Saan next?" Tanong ko
"Greenwich!" Sabay sabay naming sabi. Hays basta talaga sa pagkain magkakasundo kaming apat.
"Ok lets go gutom narin ako" Sabi ko at naglakad na kami papuntang greenwich pero bago pa kami makapasok sa loob ay may nakita akong di kanais nais.
"Uy! Akala ko ba gutom ka? Bakit ayaw mo pang pumasok sa loob?" Tanong ni Cess pero hindi ako sumagot.
"Oh my gosh si Kim ba yun?" Tanong ni Angeline
"Yeah sya nga yun!" Sabi ni Ange
"Oo nga pero anong ginagawa nya dito? At bakit may kasama syang babae?" Tanong ni Cess
"Tuwang tuwa pa ang gago!" Galit kong sabi habang nakatingin kay Kim at sa babaeng kasama nya na masayang nagkukwentuhan. Grave nakakapang init ng ulo ang mga nakikita ko.
"Oppa gusto mo puntahan natin?" Tanong ni Ange
"Sabihin mo lang Jade kung uupakan naba natin" Sabi ni Angeline
"Ok ako sa tali, Ange ikaw sa sako, Angeline ikaw sa latigo at boy ikaw sa baseball bat" Sabi ni Cess
"Ano ba yan Unnie ang brutal mo naman!" Sabi ni Ange
"Oo nga pero bet ko yun" Sabi ni Angeline
"Mga baliw! Pinapagaan ko lang ang loob ni Jade" Sabi ni Cess
"Thank you guys pero ang bastos naman ata kung iistorbohin natin sila diba? Tara na umuwi na tayo nawalan na ako ng ganang kumain" Sabi ko at naglakad na ako papuntang exit dahil feeling ko malapit ng bumagsak ang mga luha ko.
To be continued..............
Please vote and comment😊
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊