JADE POV:
Nasa sasakyan ako ngayon at ihahatid na nila kami ni Kim pauwi sa bahay. May nagtext kanina kay Kim kaya titignan ko sana kung sino at nagulat ako nang biglang nyang ibinalik sa bulsa nya yung cellphone nya. Hindi ko nalang sya tinanong kung bakit nya yun ginawa o kung sino yung nagtext sakanya. Pakiramdam ko may nililihim sa akin si Kim.
Ng makarating kami sa gate ng village ay bumaba na kami ni Kim. Nahiya kami ni Kim na magpahatid hanggang sa bahay kaya naispan namin na dito nalang sa bungad ng village magpababa. Atsaka naisip ko na ito na siguro pagkakataon ko para tanungin sya kung may hindi ba sya sinasabi sa akin.
"May itatanong sana ako sayo / May sasabihin sana ako sayo" Sabay naming sabi
"Ikaw muna" Sabay ulit naming sabi kaya napatawa kami
"Ladies first kaya ikaw na ang mauna" Sabi nya
"Mag sabi ka nga ng totoo.May nililihim kaba sa akin?" Malumanay kong tanong sakanya
"About sana dun yung sasabihin ko sayo" Sabi nya. So meron nga sya hindi nasasabi sa akin
"So meron ka ngang nililihim sa akin. Ano yun?" Seryoso kong tanong
"Umm Siga nagtake ako ng scholarship exam at katetext lang kanina ni Sir na nakapasa ako. Sorry kung hindi ko agad na sabi sayo" Sabi nya
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Tanong ko
"Nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin sayo nung una kasi baka hindi ka pumayag. At napag isip isip ko na kapag sigurado na akong pasado ako saka ko nalang sasabihin sayo. Sorry sana mapatawad mo ako" Sabi nya
"Hindi naman ako galit sayo, honestly nagtatampo lang ako kasi hindi mo agad sinabi sa akin atsaka maiintindihan ko naman yun. Pangarap mo yan kaya bakit naman kita pipigilan diba? Oo girlfriend mo ako pero hindi ko hawak ang desisyon mo para sa sarili mo kaya wala akong karapatang hadlangan ka sa pag abot ng mga pangarap mo." Sabi ko
"Tama si Mama dapat pala nung una palang sinabi ko na sayo, sana pala nakinig ako sakanya. Sorry kung hindi ako nagtiwala sayo. Wag kang mag alala Siga mula ngayon hinding hindi na ako maglilihim sa iyo. Pangako yan" Sabi nya
"Mabuti naman kung ganun btw gaano ka nga pala katagal sa abroad?" Tanong ko
"Apat na taon din akong mag aaral doon which means apat na taon kitang hindi makikita. Mahirap man para sa akin na hindi ka makasama sa loob ng apat na taon kakayanin ko dahil ang gagawin kong ito ay hindi lang para matupad ko ang pangarap ko para rin ito sa magandang kinabukasan natin" Sabi nya
"Basta wag kang maghahanap ng iba doon ha! Lagot ka sa akin kapag nalaman ko na ipinagpalit mo ako sinisigurado kong hindi na kayo mabubuhay ng babae mo!" Sabi ko ng may pagbabanta
"Ang sadista at amazona mo talaga Siga. Ano kaba hindi hindi kita kayang ipagpalit noh ayoko pang mamatay ng maaga" Sabi nya
"Joke lang yun alam ko naman na hinding hindi mo ako ipagpapalit sa iba" Sabi ko
"Talaga kahit kailan hinding hindi ko ipagpapalit ang future wife ko" Sabi nya kaya naman napangiti ako
"Sa tingin mo ako na talaga ang babaeng makakasama mo habang buhay?" Tanong ko
"Oo naman ikaw lang at wala nang iba. Dont tell me hindi ako ang nakikitang mong makakasama mo habang buhay" Malungkot nyang sabi
"Ano kaba! Ikaw lang din ang lalaking gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko" Nakangiti kong sabi
"Mabuti naman akala ko hindi ako eh. Basta Siga hinatayin mo ako ha" Sabi nya
"Oo naman kahit gaano kapa katagal mawala hihintayin at hihintayin parin kita. Lakas ata ng tama ng Sigang to sa Sungit na gaya mo" Sabi ko at napangiti naman sya
"Ayyieehh kikiligin naba ako?" Tanong nya at natawa naman ako
"Abat gumaganyan kana ngayon ha!" Sabi ko
"Bakit masama ba?" Tanong nya
"Hindi naman, nakakapanibago lang" Sabi ko
"Ganito nalang sulitin nalang natin ang mga araw na natitira bago ako umalis" Sabi nya
"Good idea! Gagawa tayo ng mga magaganda at masasayang memories sa mga natitirang araw nating magkasama" Sabi ko
Masakit man isipin na mawawala sya nang matagal kakayanin ko dahil gusto kong makita syang masaya habang inaabot ang mga pangarap nya.
To be continued...............
Please vote and comment😊
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊