CHAPTER 46

667 25 0
                                    

JADE POV:

Bukas na ang first day namin bilang college student at mabuti nalang magkakaklase ulit kaming apat. Bihira lang kaming makapag usap ni Kim dahil hectic ang schedule nya sa school tapos kapag mag vivideo call naman kami parehas kaming nakakatulog. Medyo nasanay narin ako sa ganoong routine naming dalawa. Minsan nagkakaroon kami ng tampuhan, selosan pero agad din naman naming naayos dahil nangingibabaw parin ang tiwala namin sa isat isa.

Im taking Bachelor of Elementary Education at ganun din yung tatlo bale yung mga boys lang ang nahiwalay pero same school lang kaming lahat. Sila angelica at carlo stay strong sa relationship nila same as Cess and Jerold. But sila Angeline at Russel hiwalay na kaya broken ang lola nyo ngayon. Ganito kasi ang nangyari.

*FLASHBACK*

Nandito kami ngayong apat sa mall at naglalakad kami papuntang greenwich nagutom kasi kami kakalaro sa arcade.

"Guys kami nalang ni Cess ang oorder" Sabi ni Ange

"Ok sige hanap lang kami ng mauupuan natin" Sabi ko at naghanap na kami ni Ange ng available na chair.

Pagkaupo namin mayamaya lang may narinig akong usapan sa likod namin. Hindi naman ako tsismosa pero ewan ko ba kung bakit hindi maalis ang pandinig ko sa pinag uusapan nila.

"Par nagkita kami ni Lea kahapon tinatanong ka sa akin" Sabi nung lalaki

"Ano sabi par?" Sabi ng pamilyar na boses

"Tinatanong sakin kung may bagong gf kana raw ba" Sagot nung lalaki

"Naku par mukhang gusto atang makipagbalikan ah" Sabi nung isa pang lalaki

"Eto seryoso Russel mahal mo ba talaga si Angeline?" Tanong nung lalaki. Napalingon ako nung narinig ko yung pangalang Russel at Angeline. Si Russel nga na bf ni Angeline yung nasa likod namin kaya pala parang pamilyar yung boses. Nagulat ako nung nakita kong nakatingin din pala sa kanila si Angeline. Nagpatuloy lang kami sa pakikinig sa usapan nila.

"Oh ano na par bat dika makasagot?" Sabi nung isang lalaki

"Sa tingin ko hindi pa ako nakakamove on kay Lea" Sabi ni Russel. Tatayo na sana ako para sugudin ang gago na yun nang bigla akong pigilan ni Angeline na ngayon ay umiiyak na. Pasalamat talaga ang gago na yun at pinigilan ako ni Angeline kung hindi baka nasapak ko na sya.

"Eh bakit hindi mo pa hiwalayan kawawa naman yung tao asang asa na mahal mo sya" Sabi nung kaibigan nya na blonde

"Buong akala ko nakalimutan mo na si Lea hindi papala. Sinuportahan ka namin kay Angeline dahil buong akala namin mahal mo talaga sya pero par ngayong alam na namin ang totoo hindi ka namin kukunsintihin. Hiwalayan mo na sya hanggat maaga pa" Sabi nung naka cap. Tatlo kasi sila sya, yung naka cap at yung blonde.

"Humahanap lang ako ng magandang tiyempo par" Sabi ni Russel

"Hindi mo na kailangan humanap ng magandang tiyempo" Sabi ni Angeline. Tumayo na sya at pumunta sa table nila Russel. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata nila Russel. Mabuti nalang konti lang ang tao at nasa dulong part pa kami kaya hindi kami nakakaagaw ng pansin.

"An-geline" Utal na sabi ni Russel sabay tayo

"Oh bakit parang nakakita kayo ng multo?" Tanong nya. Tumayo narin ako pero hindi ako nakikisali sa usapan nila

"Kanina paba kayo dyan?" Tanong nya. Dumating narin yung dalawa

"Anong nangyayari rito?" Tanong ni Cess

"Mamaya ko na ipapaliwanag" Sabi ko at tumango naman silang dalawa.

"Oo kanina pa kami rito at rinig na rinig ko yung mga pinag uusapan nyo" Sabi ni Angeline at tumulo na nang tuluyan yung mga luha nya na sa tingin ko ay kanina pa nya pinipigil umagos.

"Angeline let me explain" Sabi ni Russel. Mabuti nalang at nakakapag timpi pa ako kung hindi kanina ko pa sya nasapak. Yung dalawa naguguluhan sa nangyayari

"Wala kanang dapat ipaliwanag dahil narining ko na ang lahat. All this time niloloko mo lang pala ako. Akala ko mahal mo talaga ako yun pala ginawa mo lang akong panakip butas. Ang sakit Russel dahil sa lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sayo ito lang ang isusukli mo sa akin. Ang tanga tanga ko para hindi mahalata na hindi mo talaga ako mahal. Pero salamat parin sa pagpasok mo sa buhay kasi kahit papaano sumaya rin naman ako kahit hindi totoo ang lahat ng ipinakita mo. Btw break na tayo" Sabi ni Angeline

"Lets go sa iba nalang tayo kumain" Sabi nya at lumabas na kami

"Sabi na eh tama ang kutob ko. Simula nung mag sleep over tayo iba na ang kutob ko sa kanya" Sabi ko

"Me too" Sabi ni Cess

"Wag muna natin syang pag usapan" Sabi ni Angeline

"Ok kung yan ang gusto mo" Sabi ko

"Guys ayoko na palang kumain uwi nalang tayo gusto ko na kasing magpahinga" Sabi ni Angeline

"Gusto mo ba samahan ka namin?" Tanong ni Angelica

"Nope I want to be alone" Malungkot nyang sabi

"Magiging ok karin, hindi sya kawalan ok?" Sabi ko

"Ok wag kayong mag alala magiging ok din ako not now but soon" Sabi nya

"We understand you alam namin na nasasaktan ka ngayon. Kasama talaga sa love ang masaktan" Sabi ni Cess

"Thanks for understanding. I love you guys" Sabi nya

"I love you too" Sabi naming tatlo at nag group hug kaming apat.

*END OF FLASHBACK*

So yun nga ang nangyari, buti nalang medyo ok na si Angeline at hindi nya narin masyadong dinaramdam ang mga nangyari. She's trying to move on with that stupid guy. I really hate him his so stupid to hurt Angeline. Wag na nga syang pag usapan nasisira lang ang araw ko.

To be continued...............

Please vote and comment😊

Kamsahamnida😘

Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon