CHAPTER 36:OPPORTUNITY

639 26 0
                                    

KIM POV:

Nakadukdok ako ngayon dito sa room, wala pa kasi ang teacher namin at wala rin naman akong kaibigan kaya wala akong makausap. Mayamaya lang ay dumating na si Sir kaya umayos na ako ng upo.

"Good Morning Class" Bati ni Sir

"Good Morning Sir" Bati naman naming lahat sa kanya

"Class may seminar lahat ng teacher mamayang hapon kaya half day lang kayo ngayong araw" Sabi ni Sir kaya tuwang tuwa silang lahat maliban sa akin, wala naman kasi akong pakialm.

"Okay tumigil na kayo mamaya na kayo magsaya may klase pa ngayong umaga" Sabi ni Sir kaya nagsitahimikan na silang lahat

"Btw Mr Mendoza please go to faculty mamayang break time" Sabi ni Sir kaya tumango na lamang ako. Ano kaya yung gagawin ko sa faculty mamaya? Hindi ko nalang ulit inisip yun at nakinig nalang ako sa discussion ni Sir.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

*FAST FORWARD*

Break time na kaya tumayo na ako para pumunta sa office ni Sir. Mamaya ko nalang pupuntahan si Jade pagkatapos kong pumunta sa faculty. Araw araw ko kasi syang pinupuntahan sa classroom nila tuwing break time. Mayamaya lang ay nandito na ako sa faculty at pumunta ako sa table ni Sir.Nadatnan ko syang nagbabasa at mukhang naramdaman nya ang presensya ko kaya iniangat nya ang ulo nya at ngumiti sa akin, nginitian ko rin sya pabalik.

"Good Morning Sir bakit nyo po ako pinapunta dito?" Tanong ko

"Good Morning din diba dati tinanong ko kayo isa isa na kung bibigyan kayo ng pagkakataon na makapag aral sa ibang bansa, tatanggapin nyo ba iyon at bakit? Ang sagot mo noon ay oo, tama ba ako?" Tanong ni Sir

"Opo tama po, bakit nyo po nabanggit?" Tanong ko

"Kasali ang school natin sa nabigyan ng opportunity na mabigyan ang isang studyante bawat strand na makakuha ng Scholarship abroad. Kailangan lang maipasa yung Scholarship Exam at ikaw ang napili ko na magtake ng exam na iyon." Sabi ni Sir bigla akong napaisip, eto na yung pangarap kong makapag aral abroad. Matutupad ko yun basta maipasa ko lang ang exam. Matagal ko nang pinapangarap ito at hinding hindi ko na palalagpasin ang opportunity na ito

"Okay po Sir payag na po ako" Sabi ko

"Sigurado kana ba sa desisyon mong iyan? Hindi naman kita pinagmamadali, pwede mo pa namang pag isipan ng mga ilang araw." Sabi ni Sir

"Sigurado na po ako" Sabi ko

"Ok sige kung buo na talaga ang desisyon mo. Eto yung mga papel na kailangan mong fill up pan. Ibalik mo nalang sa akin bukas" Sabi ni Sir sabay abot ng mga papel.

"Ok po salamat po sa pagpili sa akin" Sabi ko

"Walang anuman, deserve mo rin yan basta galingan mo sa exam para matupad mo ang pangarap mong makapag aral abroad" Sabi ni Sir

"Ok po" Sabi ko

"Ok sige pwede ka nang lumabas" Sabi nya kaya lumabas na ako ng faculty room.

Siguro hindi ko muna sasabihin sa ngayon kay Jade ang tungkol dito. Hahanap muna ako ng magandang tiyempo. Sana kapag sinabi ko sakanya ang tungkol dito ay maintindihan nya ako.







To be continued.................

Please support my story😊

And dont forget to vote!!!

Kamsahamnida😘

Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon