KIM POV:
Tatlong araw na ang nakalipas simula nung nabugbog si Jade at hanggang ngayon hindi parin sya nagigising.Natatakot akong makita ang ekspresyon nya kapag nagising sya.Ayokong makalimutan nya kaming lahat pero wala naman kaming magagawa.Ang tanging magagawa lang namin ay ipaalala sa kanya ang mga bagay na nakalimutan nya.
Pinagmamasdan ko ang mukha nya.Ang ganda talaga nya para syang anghel habang natutulog.Napakatanga ko dahil hindi ko agad narealize na mahal ko na pala sya.Napapaisip nga ako eh kung maaga ko sanang narealize ang feelings ko para sa kanya siguro masaya na kami ngayon.
"Iho hindi ka manlang ba uuwi sa inyo baka hinahanap kana ng parents mo.Nandito naman kami para bantayan si Jade kaya magpahinga ka muna ilang araw ka ng hindi umuuwi at pumapasok sa eskwelahan" Nag aalalang sabi ni Tita.
"Tita okay lang po ako atsaka nagpaalam naman na po ako sa parents ko at sa mga teachers namin.Atsaka gusto ko po kasi na nasa tabi nya ako kapag nagising sya" Sabi ko kay Tita.Napabuntong hininga nalamang sya.
"Hay ano pa bang magagawa ko oh sya basta ipangako mo na kapag nagising na si Jade papasok kana sa eskwelahan ha" Sabi ni Tita
"Opo promise po" Sabi ko at itinuon ko ulit ang tingin ko kay Jade.Nabigla ako ng biglang gumalaw ang kamay nya at unti unti na nyang idinidilat ang mga mata nya.
"Tita gising na po si Jade patawag po ng Doctor" Sabi ko at tinawag naman ni Tita ang Doctor.Mayamaya lang ay dumating na ang Doctor at chineck si Jade.Nagising din sila Cess at dali dali silang pumunta sa tabi ni Jade.
JADE POV:
Nagising ako at wala rin akong maalala.Iniikot ko ang paningin ko sa paligid at sa tingin ko ay nasa hospital ako.Mayamaya lang ay may Doctor na lumapit sa akin at chineck ako.
Lumingon ako sa paligid ko at ngayon ko lang napansin na may mga tao pala akong kasama.May isang lalaki na nasa left side ko at may mga babae rin na nasa right side ko tapos biglang may lumapit na matandang babae I think nasa around 40s na sya.At nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.
"Anak sa wakas nagising kana" Sabi nya at napadaing naman ako sa sakit ng dahil sa higpit ng yakap nya sa akin.I dont know pero may naramdaman akong kakaiba ng yakapin nya ako.
"Ouch" Daing ko kaya naman napabitaw sya kaagad.
"Sorry anak natuwa lang si Mama" Sabi niya.Wait tinawag nya akong anak pero hindi ko sya kilala.
"Sino ako? Sino kayo? Ano ginagawa ko dito?" Sunod sunod kong tanong.Napaiyak naman yung matandang babae.May nasabi ba akong mali?
"Ako ang Mama mo anak at sila naman ang mga kaibigan mo" Sabi nya.Muli tinignan ko silang lahat pero hindi ko talaga sila maalala.
"Sorry po pero hindi ko po talaga kayo maalala kahit pangalan ko hindi ko maalala" Sabi ko
"Nakakaranas ka ngayon ng temporary memory loss pero wag kang mag alala ilang buwan lang ang itatagal nyan at babalik na ulit ang alaala mo at tutulungan ka naming makaalala agad" Sabi ng lalaki sa tabi ko.Tinignan ko sya at naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ano pangalan ko at sino sino kayo?" Tanong ko
"You are Jade Gonzales and Im your Mother just call me Mama and this is youre friends" Sabi nung matandang babae or should I say sabi ni Mama
"Hi boy Im Princess Agustin" Sabi nung isang babae.
"Bakit tinawag mo kong boy?" Tanong ko
"Endearment natin yun" Sabi nya at napatango tango nalang ako.Nginitian nya ako kaya ngumiti rin ako sa kanya.Mukha naman silang mabait.
"Hi oppa Im Angelica Mariano ang pinaka maganda mong kaibigan" Masigla nyang sabi
"Grave ang lakas ng hangin" Sabi nung isang babae at nagtawanan naman sila pati ako napatawa ng dahil sa sinabi nya
"Atleast napatawa ko si Oppa" Sabi ni Angelica
"Whatever btw Hi Im Angeline Mallare" Sabi nung nagsalita kanina.Angeline pala pangalan nya
"Hi Im Kim Arvin Mendoza" Sabi nya at nginitian din nya ako at heto na naman lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko.Ngumiti rin ako sa kanya pabalik.
"Hi sa inyong lahat sorry kung hindi ko kayo maalala" Sabi ko sakanila
"Hindi mo kailangang magsorry anak dahil hindi mo naman kasalanan ang nangyari sayo" Sabi ni Mama.Bigla akong napaisip ano nga ba ang totoong nangyari sakin?
"Mama ano po ba ang nangyari sa akin?" Tanong ko
"Honestly hindi talaga namin alam kung ano ang eksaktong nangyari sayo kasi nakita ka nalang namin sa storage room na walang malay at poro galos ang katawan mo" Sabi ni Princess
"Pero bakit naman ako napunta sa storage room? Anong ginagawa ko roon?" Tanong ko
"Ganito kasi yan noong mga nagdaang araw may nagpapadala sayo ng flowers and chocolates and then one day may kasamang letter yung binigay nya sayo.Nakalagay sa letter na kung pwede magkita kayo sa likod ng school para maireveal nya na sayo kung sino sya.Mag isa kang pumunta and almost 2 hours na ang nakakalipas hindi kapa bumabalik kaya noong nagkaroon kami ng pagkakataon hinanap kana namin.Habang naghahanap kami nakita ni Kim yung bracelet mo sa tapat ng pinto ng storage room pumasok kami roon at nakita ka naming walang malay habang nakagapos yung kamay at paa mo sa upuan.Dali dali ka naming dinala rito sa hospital at sa kasamaang palad hindi parin namin alam kung sino yung may gawa sayo nun" Pagkukwento ni Princess.Grave sino kaya ang may gawa nito sakin? Mukhang malaki ang galit nila o nya sa akin.
Pagkatapos ikwento ni Princess ang nangyari sa akin,nagkwento naman sya about sa friendship namin at kung ano ano pang bagay tungkol sa akin.
To be continued......................
Please support my story😊
And don't forget to vote!!!
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊