JADE POV:
Nandito kaming apat sa tambayan namin and lunch break na kaya nakatambay lang kami rito.Namiss ko itong school lalo na itong tambayan namin.
"Grave guys namiss ko itong tambayan natin" Nakangiti kong sabi
"Alam mo ba na ang lungkot lungkot ng lugar nato nung wala ka" Sabi ni Angeline
"Yeah mabuti na nga lang at bumalik na ang ala ala mo" Sabi ni Cess
"Buo na ulit ang crazy bestfriends" Nakangiting sabi ni Ange.Wahahaha si Cess ang umisip nun kasi mga baliw daw kami kaya bagay lang daw samin yung Crazy Bestfriends.
"Jade sino nga pala ang bumugbog sayo?" Tanong ni Cess
"Oo nga nacucurious na talaga kami eh" Sabi ni Ange
"Si Jennie at ang mga alipores nya" Sabi ko at parang hindi na sila nagulat sa sinabi ko
"Sabi na eh si Jennie ang may pakana nito" Sabi ni Ange
"Yeah kasi siya lang naman ang may galit kay Jade" Sabi ni Angeline
"Ahh kaya pala bigla nalang silang nawala" Sabi ni Cess
"Anong nawala?" Nagtataka kong tanong
"Pagkatapos kasi nang nangyari sayo hindi ko na sila nakikita rito sa school kaya naisipan kong tanungin yung Principal natin at sinabi nyang nagtransfer na nang ibang school sila Jennie" Sabi ni Cess
"May takot din pala sila" Sabi ko
"Anong balak mong gawin sa kanila?" Tanong ni Angeline
"Wala" Sabi ko
"Bakit wala? Boy hindi biro ang ginawa nila sayo kung tutuusin muntik ka na nilang mapatay" Sabi ni Cess
"Yeah alam ko naman yun pero naisip kong baka mas lalong gumulo kung gagantihan ko pa sila.And I think wala sa sarili si Jennie nung mga panahong yun" Sabi ko
"Honestly guys ang creepy talaga ng tawa nya and I think she is crazy" Sabi ko
"Are you serious?" Tanong ni Ange
"Yeah Im serious about that I think she has mental disorder or something kasi kakaiba talaga ang kinikilos nya nung mga araw na yon" Sabi ko
"Grave naman pero bakit naman kaya sya nabaliw?" Tanong ni Angeline
"I think sa sobrang depressed nya sa paghihiwalay nila ni Kim" Sabi ni Cess
"Yeah naisip ko rin yun pero hindi pa ako gaanong sure kung totoo ngang baliw sya" Sabi ko
"Jade pinapatawag ka ng Principal" Sabi ni Bernadette,isa sa classmate namin
"Bakit daw?" Tanong ko
"Hindi ko alam eh basta sabi ni Maam hanapin daw kita tapos sabihin ko daw sayo na pinapatawg ka ng principal" Sabi nya
"Ahh ganon ba sige salamat" Sabi ko kaya umalis na sya
"Bakit kaya?" Tanong ni Cess
"Oo nga eh kinabahan tuloy ako" Sabi ko
"Ha bakit ka naman kakabahan wala ka namang nagawang masama atsaka kapapasok mo palang kaya" Sabi ni Angeline
"Oo nga tama si Angeline wag kang kabahan gusto mo samahan ka namin?" Tanong ni Ange
"Oh sige mabuti pa nga" Sabi ko kaya umalis na kami at dali dali kaming pumunta sa office ni Ms.Aquino
Nang makarating kami ay kumatok agad ako sa pinto.
"Come in" Sabi ni Ms.Aquino kaya pumasok na kami sa loob
"Good Morning po" Bati namin sabay bow biglang paggalang.
"Good Morning have a seat" Sabi ni Ms.Aquino kaya naupo kami sa sofa.May matandang babae na nakaupo sa tapat ng upuan namin.I think nasa mid 40's na sya pero ang ganda nya.
"Pinatawag kita Ms.Gonzales dahil nandito si Mrs.Ortega para kausapin ka" Sabi ni Ms Aquino.Parang pamilyar ang apleyido nya.
"Good morning po" Bati ko sakanya
"Good morning din ako ang nanay ni Jennie Ortega.Nandito ako para manghingi ng tawad sa lahat ng ginawa sayo ng anak ko.Sorry dahil kay Jennie nawalan ka ng ala ala at ilang araw kang hindi naka pasok sa school.Kaya lang nagawa ng anak ko iyon dahil she has a mental disorder kaya umalis na rin sya dito sa school.Hindi totoong nagtransfer sya dahil nasa mental hospital sya ngayon at nagpapagaling.Alam kong wala akong karapatan para sabihin sayo ito pero sasabihin ko parin.Sana mapatawad mo na sya dahil hindi nya talaga alam ang ginagawa nya nung araw na yon" Umiiyak ng sabi ng Mama ni Jennie kaya niyakap ko sya sabay hagod sa likod nya.
"Wag na po kayong umiyak matagal ko na pong napatawad ang anak nyo sa totoo lang po nagalit ako sakanya pero hindi rin nagtagal yun dahil hindi naman po ako yung tipo ng taong nagtatanim ng sama ng loob.Alam ko pong mabait talaga ang anak nyo at nabulag lang sya sa pagmamahal nya kay Kim kaya nya nagagawa ang mga bagay na iyon sa akin.Dont worry I already forgive her" Sabi ko
"Salamat at napatawad mo na sya.Napakaswerte sayo ng Mama mo dahil napakabait mong bata at sigurado akong napakabait mo ring anak" Sabi nya
"Condolence nga pala" Sabi nya
"Salamat po" Sabi ko
"Ok sige Ms.Gonzales pwede na kayong umalis malapit nang mag start ang next class nyo baka malate pa kayo" Sabi ni Ms.Aquino
"Ok po sige mo aalis na po kami" Sabi ko sa Mama ni Jennie
"Ok salamat ulit" Nakangiti nyang sabi
Lumabas na kaming apat at naglalakad na kami ngayon pabalik ng room.
"Grave boy tama nga ang sinabi mo kanina" Sabi ni Cess
"Oo nga hindi nga ako makapaniwala nang sinabi ni Mrs.Ortega na baliw si Jennie" Sabi ni Ange
"Oo nga eh nakakaawa sya kahit ang dami nya ng nagawang masama sa akin still nalulungkot parin ako sa kalagayan nya" Malungkot kong sabi
"Same" Sabi nilang tatlo
Sana gumaling na sya,I know mabait naman talaga sya sadyang nabulag lang talaga sya sa pagmamahal nya kay Kim.
To be contiued..................
Please support my story😊
And dont forget to vote!!!
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊