JADE POV:
Days passed and still wala parin akong maalala.Lagi nila akong kinukwentuhan ng mga past memories ko.Naging close narin kami lalo na kay Kim.I dont know why pero kapag nakikita ko sya lalo na kapag malapit sya sakin lumalakas nalang bigla ang tibok ng puso ko.
Ilang araw narin akong hindi nakakapasok sa school kaya nag dami ko ng namiss na lessons pero itinuturo naman sa akin nila Cess yung mga lessons sa school.And still nandito parin ako sa hospital bukas pa kasi ako madidischarge.Bigla akong napaisip,sila Mama at sila Kuya palang ang nakikita at nakakausap ko.Hindi ko rin naman tinatanong kay mama kung mayroon ba akong Papa.
"Anak mukhang ang lalim ng iniisip mo ha ishare mo naman" Nakangiting sabi ni Mama.Wahahaha eto talagang si mama parang millenial minsan.
"Nagtataka po kasi ako kung bakit kayo lang nila kuya ang kasama ko rito nasaan po si Papa?" Tanong ko
"Isang ofw ang papa mo anak masyado syang busy sa trabaho nya ngayon kaya hindi sya makapag video call sa atin and hindi ko parin nasasabi sa kanya ang nangyari sayo dahil hindi ko sya macontact nitong mga nakaraang araw,nag aalala na nga ako eh" Sabi ni Mama
"Ok lang po yan Ma sigurado naman pong may dahilan si Papa kaya hindi nyo sya macontact nitong mga nagdaang araw" Sabi ko
"Oh sya nagugutom kaba? Ipaghahanda kita ng makakain mo kung nagugutom ka" Sabi nya.
"Prutas nalang Ma" Sabi ko
"Sigurado ka anak?" Tanong ni Mama
"Opo Ma sure na sure" Nakangiti kong sabi
"Ok wait ipagbabalat lang kita ng mansanas" Sabi nya at mayamaya lang ay ibinigay na ni Mama sa akin ang mansanas na binalatan nya
"Thank you Ma" Sabi ko at nginitian lang nya ako
"Anak wala ka pabang natatandaan kahit konti?" Tanong ni Mama
"Wala pa po eh" Malungkot kong sabi
"Ano kaba wag ka ngang malungkot,naiintindihan naman namin kung wala ka pang natatandaan kahit konti.Ang mahalaga ligtas kana at kasama kana namin ngayon" Sabi ni Mama
"God knows how much I want to remember everything" Sabi ko
"Dont worry babalik din ang alala mo not now but soon" Sabi ni Mama.Hindi ko alam pero bigla nalang akong napayakap sa kanya.At ramdam ko na nagulat sya sa ginawa ko pero niyakap nya rin ako ng mahigpit at hinaplos nya ng malumanay ang buhok ko.
"Alam mo ba nung bata ka napaiyakin mo at napakalampa" Natatawang sabi ni Mama habang nakayakap parin sa akin
"Talaga po? Eh nung naghigschool na po ako iyakin at lampa parin po ba ako?" Tanong ko
"Hindi na at alam mo ba na para kang lalaking kumilos,ayaw na ayaw mo rin sa mga pambabaeng laruan at ang lagi nyong bonding magkakapatid ay basketball kaya nga minsan gusto kong tanungin sayo kung tomboy kaba" Natatawang sabi ni Mama.Grave marunong pala akong magbasketball.
Napakalas sa pagkakayakap sa akin si Mama dahil bigla nalang nagring ang phone nya.
Nagulat ako ng bigla nalang nabitawan ni Mama ang phone nya atsaka sya napaupo sa sahig habang umiiyak.Dali dali akong bumangon at pinuntahan ko si Mama.
"Ma bakit ka umiiyak anong nangyari? Sino yung tumawag?" Naiiyak kong tanong
"Anak ang Papa mo patay na" Umiiyak nyang sabi bigla nalng bumagsak ang balikat ko at lalo akong naiyak sa narinig ko.No hindi pwedeng mangyari to.Bat ganon kung kailangang hindi pa ako nakakaalala saka nangyari to?
Niyakap ko si Mama ng mahigpit.Ang sakit sana panaginip nalang to.
"Ma,Jade ano nangyari bakit kayo umiiyak?" Tanong ni Kuya
"Kuya si Papa patay na" Sabi ko at bakas sa mukha nya ang pagkagulat.Gaya ko bigla nalang ding bumagsak ang balikat nya at nagsimula na ring tumulo ang luha nya.Niyakap nya rin kami ni Mama at umiyak din sya ng umiyak.
Pa ang daya mo naman bat iniwan mo kami agad? Wala pa nga akong naaalala tungkol sayo tapos iniwan mo na agad kami.Pero Pa kung nasan kaman ngayon sana maging masaya ka at mahal na mahal ka namin.
To be continued........................
Please support my story😊
And don't forget to vote!!!
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊