JADE POV:
"Boy bat di kita macontact kahapon?" Tanong ni Cess
"Naiwan ko yung phone ko sa bahay tapos wala pa akong load kagabi kaya hindi kita natawagan" Sabi ko
"Ang sabi mo naiwan mo sa bahay nyo so it means umalis ka kahapon? Saan ka nagpunta?" Tanong ni Cess kaya bigla kong naalala yung nangyari sa ferris wheel, gosh pakiramdam ko sobrang pula na nang pisngi ko. Wait hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila na kami na ni Kim.
"Jade ang pula pula nang pisngi mo" Sabi ni Angeline
"Oo nga sobrang pula" Sabi naman ni Angelica
"May bigla kasi akong naalala" Sabi ko
"Ano naman yun?" Tanong ni Cess
"Hmm nagdate kasi kami ni Kim kahapon pumunta kaming EK tapos nagkiss kami nung nasa pinaka tuktok na yung Ferris wheel at pagkatapos non sinagot ko na sya" Sabi ko
"Yeeihhh ang romantic naman" Sabi ni Angelica na parang bulateng sinabuyan ng asin sa sobrang kilig
"Kaya pala hindi ka macontact kahapon" Sabi ni Cess
"Yeah exactly" Nakangiti kong sabi
"Naku kilig na kilig ka naman" Sabi ni Angeline
"Syempre naman alangan namang malungkot ako. Btw kamusta maging boyfriend si Russel?" Tanong ko sakanya. Sinagot na kasi nya si Russel nung isang linggo I think 5 days palang sila. Siya naman ngayon ang pulang pula.
"Oh bat pulang pula ang pisngi mo? Dont tell me nagkiss din kayo o baka naman may nangyari-" Pinutol ni Angeline ang sasabihin ni Angelica
"Stop kung ano ano pinagsasasabi mo Angelica. Kadiri ka" Sabi nya
"Ano bang kadiri? Etong babaeng ito kung ano ano iniisip. Napaka green minded mo ba" Sabi ni Angelica. Nagpalusot pa ang gaga hahahaha
"Totoo naman ha yung ano naman talaga yung sasabihin mo eh palusot kapa" Sabi ni Angeline
"Ano bang ano? Yung sasabihin ko lang naman ay baka may nangyaring nakakakilig na talagang ikakapula nang mukha mo like nagsayaw kayo, kinantahan ka nya o kaya naman nagdate rin kayo. Ikaw eh yun agad pumasok sa isip mo" Sabi ni Angelica. Napakagaling talaga nitong magpalusot
"Palusot.com" Sabay sabay naming sabi
"Naku kayong tatlo ang dudumi nang isip nyo" Sabi nya
"Baka ikaw" Sabay sabay ulit naming sabi
"Okay ano ito trio kayo ganon?" Natatawang tanong nya
"Wahahaha pwede rin" Sabi ko
"Oo nga bleh hindi ka kasama" Pang aasar ni Angeline
"Wahhh ang bad nyo" Sabi ni Angelica
"Wahahaha ang pangit di bagay sayong magpout" Sabi ni Cess
"Yeah ang sama nyo talaga. I hate you na" Sabi nya
"I love you too" Sabay sabay naming sabing tatlo.
"So back to the topic tayo, ano sweet ba si Russel? Caring ba sya?" Tanong ni Cess
"Hmm sobrang sweet and caring nya. Kapag magkasama kami hindi ko mararamdamang wala akong kwenta kasi palagi nyang ipinaparamdam sa akin kung gaanong ako kahalaga" Nakangiti nyang sabi
"Waahhh ang sweet naman pala nya" kinikilig na sabi ni Angelica
"Oo nga sabi na eh deserving nya ang pagmamahal mo" Sabi ko kay Angeline
"Yeah tama ka mabuti nalang at ipinush nyong sagutin ko na sya kasi kung hindi baka mapagod sya kakahintay sa akin." Sabi nya
"Sobrang sayang kapag pinakawalan mo pa sya" Sabi ni Cess
"Hinding hindi ko sya pakakawalan dahil para narin akong kumuha nang batong ipupukpok ko sa sarili ko kapag ginawa ko iyon" Sabi nya
"Yehey mabuti nalang talaga wala nang bitter na nagsasabi nang walang forever o kaya naman ay magjojowa pa mamamatay rin naman" Nakangiting sabi ni Angeline
"Abat nagpaparinig kaba?" Tanong ko
"Oh bakit tinamaan ka?" Natatawa nyang tanong
"Oo sapul na sapul nga eh" Natatawang sabi ko
"So ano nang bago mong linya ngayon?" Tanong ni Angelica
"Totoong may forever bastat mahal nyo ang each other" Nakangiti kong sabi
"Wahhh mas bet ko yan" Sabi ni Angelica
"Yeah me too mas masarap pakinggan" Sabi ni Cess
"Yeeihhh may jowa na kasi kaya nagbago na ang perception nya sa love" Sabi ni Angeline
"Ganito siguro talaga ang nagagawa nang love" Sabi ko
"True sadyang makapangyarihan talaga ang love kaya ka nitong baguhin in a good way and also in a bad way" Sabi ni Cess
"Yup youre right" Sabi ko. Natawa kami nang biglang tumunog ang tiyan ni Angelica. Wahahaha mukhang gutom na sya
"Wahahahahaha" tawa naming tatlo
"Hey stop ang bad nyo talaga" Sabi nya
"Wahahaha mukhang gutom kana ha" Sabi ko
"Hindi kasi ako kumain ng breakfast nagmamadali kasi ako" Sabi nya
"Wahahahaha tara na nga sa canteen at baka tumunog na naman ang tiyan ni Angelica" Natatawang sabi ni Angeline
"Hey tama na kasi" Sabi nya na tila ba nagmamakaawa
"Oo na hindi na" Sabi ni Angeline
Naglakad na kami papunta sa canteen para bumili nang pagkain. Wahahaha baka kasi mag ingay na naman yung tiyan ni Angelica.
To be continued.............
Please support my story😊
And dont forget to vote!!!
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊