CESS POV:
Nandito kami ngayon sa room at kanina pa namin hinihintay si Jade.Mahigit dalawang oras na kasi mula nung umalis sya at hanggang ngayon hindi parin sya bumabalik.Dalawang subject na nga ang namiss nya eh.Nag aalala na kami sa kanya.
"Guys iba na yung kutob ko" Sabi ni Angeline
"Ako din pakiramdam ko may masama ng nangyari kay Jade" Sabi ni Ange.
"Wag naman sana" Sabi ko
Naputol ang usapan namin ng bigla nalang nagsalita yung President namin
"Guys wala tayong klase may meeting yung mga teachers" Sabi nya at tuwang tuwa kaming lahat.
"Hanapin nalang natin si Jade tutal wala naman tayong klase" Sabi ko sakanila
"Mabuti pa nga" Sabi ni Ange
"Tara na" Sabi ni Angeline at lumabas na kami ng room
Pagkababa namin nasalubong namin si Kim
"Guys nasan si Jade? Gusto ko syang makausap" Sabi nya
"Hindi rin namin alam eh kanina pa sya nawawala" Sabi ni Angeline
"Ano? Saan ba sya huling nagpunta?" Nag aalalang tanong nya
"Sa likod ng school nakipagkita kasi sya kanina sa secret admirer nya at hanggang ngayon hindi parin sya bumabalik.Nag aalala nga kami eh kaya eto hahanapin namin sya" Sabi ko
"Sasama ko" Sabi nya
"Ok sige tara na" Sabi ni Ange at nagmamadali kaming pumunta sa likod ng school pero wala kaming nakitang tao.Hinalughog namin ang buong lugar pero wala talaga kaming nakitang tao.
"Guys diba bracelet to ni Jade?" Tanong ni Kim.Tinignan namin ang bracelet na hawak nya at kay Jade nga iyon.
"Oo kay Jade nga yan saan mo nakita?" Tanong ko
"Doon sa pinto ng storage room" Sabi nya.Shit bigla akong kinabahan.Pumunta ako sa tapat ng storage room at napansin ko na nakabukas yung pinto.
Pumasok ako sa loob at naramdaman kong sumunod sila sa akin.Napaiyak ako sa nakita ko at ganun din sila.Dali dali kaming lumapit kay Jade.Sobrang dami nyang galos at pasa.Nakatakip din ng panyo yung bibig nya at nakatali ang paa at kamay nya sa upuan.
Napaka hayop ng gumawa sa kanya neto.Malaman ko lang talaga kung sino ang nanakit sa bestfriend ko hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sakanya.
Kinalagan namin sya at iniangat ko ang ulo nya at naramdaman ko na parang basa,tinignan ko ang kamay ko at lalo akong napiyak ng may dugo na ito.
"Guys dumudugo yung ulo ni Jade" Umiiyak kong sabi
Binuhat ni Kim si Jade palabas ng Storage room at naglakad na kami papuntang gate para madala sya sa hospital.Bakas ang gulat sa mga estudyanteng nadadaanan namin.
"Kuya pabukas po nung gate kailangan namin madala sa hospital yung kaibigan namin" Sabi ko at dali dali naman nyang binuksan yung gate.Pumara kami ng taxi at nagpunta sa malapit na hospital.
Ng makarating kami sa hospital inassist kami agad ng mga nurse at isinakay na nila si Jade sa stretcher at ipinasok sa loob.Shit sana walang masamang mangyari sa kanya.
Naupo kaming apat sa waiting area at bakas sa mukha naming apat ang pag aalala.
"Kim bakit mo nga pala hinahanap si Jade?" Tanong ko sakanya
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊