JADE POV:
Nandito kaming magkakaibigan sa garden ng bahay,inaya kasi nila ako dito,nung una ayokong pumayag dahil babantayan ko si Papa pero pinilit ako ni Mama para makapagpahangin naman daw ako kaya pumayag narin ako.Bale ang nandito ay sila Cess,Ange,Angeline,Kim,Jerold,Carlo and Mark.
"Boy alam mo ba itong si Mark patay na patay sayo dati" Sabi ni Cess na syang ikinagulat ko kasi ngayon palang nila nabanggit ang bagay na yun.Tumingin ako kay Mark at nakita ko na namumula ang tenga nya.Wait nahihiya ba sya? Wahahaha ang cute nyang tignan.
"Anong dati hanggang ngayon ata may gusto pa yang si Mark" Sabi ni Carlo kaya binatukan sya ni Mark.Hindi ako makasagot dahil speechless parin ako.Hindi ko kasi ineexpect na may gusto pala sya sa akin
"Hindi naman kasi sya madaling makalimutan" Sabi nya sabay tingin sa akin.Napaiwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa mga titig nya.Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkailang sa kanya.
"Ehem baka matunaw" Sabi ni Angeline
"Oh Kim bat ang tahimik mo yata?" Tanong ni Ange.Oo nga ang tahimik nya pero madalas naman talaga syang tahimik eh pero iba lang talaga ngayon.
"Ano ba Ange hindi ka naba nasanay na tahimik si Kim kay Jade lang naman sya nagiging madaldal" Makahulugang sabi ni Angeline
"Change topic" Sabi ni Cess
"Mabuti pa nga" Sabi ni Kim
"Yown nagsalita rin" Parang tangang sabi ni Carlo
"Guys laro nalang tayo" Sabi ni Ange
"Ano naman lalaruin natin?" Tanong ko
"Truth or Dare" Masiglang sabi nya
"Ok game" Sabay sabay nilang sabi maliban sa amin ni Kim na tahimik lang.
"Oy guys bawal ang kj" Sabi ni Cess
"Oo nga sumali na kayo minsan lang to eh" Pangongonsensya ni Ange
"Ok game" Sabi ni Kim
"How about you Jade?" Tanong ni Mark
"Ok game" Sabi ko.Wala eh no choice siguradong pipilitin din naman nila akong sumali kaya umoo na ako.
Pumaikot kaming lahat bale ganito ang pwesto namin.Ako,Cess,Jerold,Kim,Carlo,Ange,Mark at Angeline
Unang nag ikot ng bote si Jerold,sana hindi sakin tumapat at tumapat yun kay Angeline kaya parang nabunutan ako ng tinik.
"Truth or Dare?" Tanong ni Jerold
"Truth" Matapang na sabi nya at nag isip naman si Jerold ng pwedeng itanong
"Gusto mo ba si Rusell?" Tanong nya.
Wait sino yung Rusell? Hindi ko sya kilala,mamaya itatanong ko sakanila kung sino yun.
"Pwede bang iba nalang?" Tanong ni Angeline
"Wala hindi pwede" Sabi ni Cess.Matagal bago sya nakasagot
"Ano na Angeline?" Tanong ni Jerold
"Oo gusto ko sya" Nahihiyang sabi ni Angeline at bigla nila itong inasar habang ako eto naguguluhan parin kung sino ba yung lalaking gusto ni Angeline
"Ayyieeehhhh sabi na eh dinedeny pa dati" Sabi ni Ange
"Alangan namang ipangalandakan ko pa diba?" Mataray nyang sabi
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊