CHAPTER 18:SECRET ADMIRER

1K 39 0
                                    

JADE POV:

Sinabi ko kila Cess kahapon yung tungkol kay Red which is si Mark pala.Gulat na gulat sila nung nalaman nila sabagay kahit naman ako hindi makapaniwala na sya pala yun.Magaling na ang pilay ko kaya nakapasok na ako ngayon ng wala ng gamit na saklay.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa room ng may makita akong di kanaisnais.Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila putcha pda eh.Nakita ko lang naman si Kim at Jennie sa loob ng room nila habang naglalandian.

Pagkapasok ko sa loob ng room dumiretso agad ako sa table namin.Pagkaupo ko may biglang inabot na red rose at chocolates si Cess.

"Oh bakit mo ko binibigyan nyan?" Tanong ko

"Gaga hindi sakin galing yan ano akala mo sakin tomboy" Sabi nya at kinuha ko yung inabot nya

"Kanino to galing?" Tanong ko

"Hindi rin namin alam basta naabutan nalang namin yan sa ibabaw ng table natin" Sabi nya

"Paano nyo naman nalaman na saakin to?" Tanong ko.Sabi nya kasi sa table namin, ang dami kaya naming nakaupo sa isang table malay nyo naman sakanila pala to.Atsaka sino naman magbibigay sakin nito?

"May pangalan mo kaya siguradong sayo yan" Sabi nya

"Ahh ok pero kay nino kaya galing to?" Tanong ko

"Hindi rin namin alam wala kasing nakalagay kung kanino galing eh" Sabi ni Ange

"Baka kay Mark galing yan" Sabi ni Angeline

"Posible kaya?" Tanong ko

"Oo naman may gusto sayo yun eh" Sabi ni Cess

"Ganito nalang itanong nalang natin para malaman natin kung sya nga yung nagbigay sayo nyan" Sabi ni Ange

"Ok tara na habang maaga pa" Sabi ni Angeline kaya tumayo na kami at naglakad na kami palabas ng room para pumunta sa room nila Mark.

Habang naglalakad kami nakita ko na naman sila Kim at Jennie na nagkukulitan at this time sa labas naman ng room nila.Tumingin nalang ako sa daan para hindi sumakit ang mata ko.

Ng makarating kami sa room nila Mark at Carlo ay konti palang ang estudyante sa loob at wala parin si Carlo pero buti nalang yung pakay namin nandito na.Pinatawag namin sya sa isang classmates nya na nakatambay sa labas.Nakadukdok kasi sya sa desk nya.Ng kinalabit sya ng classmate nya ay itinaas nya ang ulo nya at nung narinig nya yung sinabi nung itinusan nami ay agad agad syang lumabas ng room nila at nginitian nya kaming lahat.

"Oh bakit nyo ko pinuntahan dito?" Tanong nya

"Umamin ka nga Mark ikaw ba yung naglagay ng chocolates at red rose sa table namin?" Tanong ni Cess

"Hindi" Seryosong sagot nya.So kung hindi sya sino yun? Grave nung una mystery texter tapos ngayon secret admirer.

"Sigurado kang hindi ikaw yun?" Tanong ni Angeline

"Hindi nga ako yun atsaka napag usapan na namin ni Jade na hanggang friends lang talaga kami" Sabi nya

"So tanggap mo na?" Tanong ni Ange.Ano ba namang tanong yan

"Hindi pa pero pinipilit ko" Sabi nya sabay ngiti ng mapait.Mabuti naman at pinipilit nya ng kalimutan ang feelings nya para sakin

"Ok sorry ha una na kami" Sabi ko

"Ok lang yun sige bye" Sabi nya at lumakad na kami pabalik ng room.

"Kung hindi si Mark sino?" Tanong ni Cess

"Wala akong idea kung sino yung pwede pang magbigay kay Jade ng ganun" Sabi ni Angeline

"Grave kaloka ka nung una mystery texter tapos ngayon naman secret admirer.Edi ikaw na mahaba ang hair ilihis mo lang ha at baka maapakan ko yan sa sobrang haba" Sabi ni Ange

"Grave sya" Sabi ko habang tumatawa

"Totoo naman eh baka sa susunod stalker naman" Sabi nya

"Gaga wag naman stalker" Sabi ko

"Sorry naman wala na akong maisip na iba eh hahaha" Tumatawang sabi nya

"Wag kayong mag alala malalaman din natin kung sino yang secret admirer ni Jade sabi nga nila walang sekretong hindi nabubunyag kaya sure akong malalaman din natin not now but soon" Sabi ni Cess

"Tama ka dyan girl" Sabi ni Ange at wala na ulit nagsalita hanggang sa makarating kami sa room







To be continued...........

Please support my story😊

And dont forget to vote!!!

Kamsahamnida😘














Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon