JADE POV:
Ilang araw ko ng iniiwasan si Kim at ilang araw narin akong malungkot at matamlay.Ang sakit araw araw ko kasing nakikita si Kim at ang gf nya na nagkukulitan at naglalandian.Dito na kasi nag aaral yung gf nya.
Pero kahit na matamlay at malungkot ako eh hindi ko naman napapabayaan ang pag aaral ko.Minsan pinapayuhan ako nila Cess na madami pa naman daw lalaki sa mundo kaya kalimutan ko na raw si Kim.
Sinusubukan ko namang kalimutan sya pero hindi ko talaga magawa atsaka hindi naman kasi ganun kadali mag move on.
Papunta akong canteen ngayon para bumili ng mineral water nauuhaw kasi ako ng biglang nakita kong naglalakad si Kim galing canteen.Nakita nya ako kaya lumiko ako para hindi nya ako makasalubong pero nagulat nalang ako ng may kamay na humablot sa akin atsaka ako hinarap sa kanya.
"Ano ba nasasaktan ako" Sabi ko kasi medyo malakas yung pagkakahatak nya sa akin at ng tignan ko kung sino yung taong humatak sa akin ay nagulat na lamang ako na si Kim yun.Shit sinundan pala nya ako.
"Sorry" Sabi nya at tinignan nya ako ng deretso sa mata.Para akong matutunaw sa mga tingin nya
"Ok lang sige alis na ako mali ka ata ng nahablot" Sabi ko kahit alam ko na ako naman talaga ang hinablot nya.Naglakad na ako paalis ng bigla ulit nya akong hinablot.At this time nagalit na ako sa kanya
"Ano ba problema mo? Bakit kaba hablot ng hablot?" Galit kong sabi
"Ikaw ang problema ko" pasigaw din nyang sabi kaya nagulat ako,ngayon lang kasi nya ako sinigawan
"Bakit ako?" Sabi ko
"Sorry kung nasigawan kita I didnt mean to do that nadala lang ako ng emosyon ko" Sabi nya at deretso parin ang tingin sa mga mata ko
"Ano ba kailangan mo sa akin?" Tanong ko sakanya
"Bakit mo ako iniiwasan nitong mga nakaraang araw? May problema ba tayo?" Tanong nya sa akin at bakas sa mga mata nya ang curiousity.Gusto kong sabihin sa kanya na oo may problema pero mas pinili ko nalang hindi sabihin yun
"Wala naman tayong problema dumidistansya lang talaga ako kasi alam mo na baka mamaya magselos pa ang gf mo kapag nakitang magkasama tayo" Sabi ko
"Hindi mo naman kailangan dumistansya eh alam naman ni Jennie na magbestfriend tayo at alam naman nyang bestfriend lang ang namamagitan sa atin kaya hindi mo ako kailangan iwasan atsaka gusto karin naman nya maging kaibigan" Sabi nya
"Hindi kasi ganun kadali yun Kim hindi mo ako maiintindihan kasi wala ka sa sitwasyon ko.Bukod kasi dun may iba pa akong dahilan kung bakit mas pinili kong iwasan ka" Naiiyak ng sabi ko kaya napayuko nalamang ako para hindi nya makitang teary eyed na ako
"Ano yung dahilan na yun?" Tanong nya
"Gusto mo talagang malaman? Okay tutal nahihirapan narin naman akong itago ito sasabihin ko na sayo.Gusto kita ay mali mahal na pala kita at kaya kita iniiwasan kasi natatakot ako na kapag nagpatuloy pa yung connection natin sa isat isa ay baka lalo kitang mahalin at natatakot akong masaktan ng husto dahil alam ko namang hindi mo kayang suklian yung pagmamahal ko sayo dahil may mahal ka ng iba" Umiiyak kong sabi at ngayon sa harap na nya ako umiiyak wala eh tinraydor na naman ako ng mga luha ko.Bakas sa mukha nya ang pagkagulat at pagkaawa sa akin.Eto ang ayoko eh ang kaawaan nya ako kasi feeling ko nanlilimos ako ng pagmamahal sa kanya
"Sorry Jade" Naaawang sabi nya
"You dont have to,because its my fault dahil naging marupok ako.And dont worry pipilitin kong makamove on sayo para maibalik ulit yung friendship natin.Pero sa ngayon please lang hayaan mo muna akong layuan ka para mabilis kitang makalimutan" Sabi ko at tumalikod na ako sakanya sabay alis.Sa wakas nasabi ko narin sa kanya ang nararamdaman ko at narealize ko ngayon na kailangan ko na nga syang kalimutan dahil mukhang wala talaga akong pag asa sa kanya.
Nagulat ako ng biglang magvibrate ang phone ko at ng tignan ko meron lang palang nagtext kaya lang unregistered yung number kaya dali dali kong binasa baka kasi importante.
From:Unknown number
Always smile and dont be sad just always remember that theres a lot of people who really loves you.
-RED
Pagkabasa ko nun ay napangiti ako pero at the same time kinabahan ako kasi hindi ko kilala yung nagtext malay nyo stalker pala yun gosh ang creepy
From:Unknown number
Yan mas maganda ka kapag nakangiti.
-RED
Pagkabasa ko nung text nya lalo akong kinabahan.Shit ang creepy nya,paano nya nalaman na nakangiti ako? Nakikita nya ba ako? Shit baka stalker nga sya
To:Unknown number
Paano mo nalaman na nakangiti ako stalker ba kita?
Tanong ko sa mystery texter shit sana hindi sya stalker
From:Unknown number
Nakikita kita kaya nalaman kong nakangiti ka.Hindi mo ako stalker kasi secret admirer mo ako.Huwag kang matakot sa akin kasi hindi naman ako masamang tao ang gusto ko lang ay mapasaya ka kasi nasasaktan din ako kapag nakikitang malungkot at nasasaktan ka ng dahil sa kanya.
-RED
Nakahinga ako ng maluwag ng mabasa kong hindi ko sya stalker at nung sinabi nyang hindi sya masamang tao.
To:Unknown number
Who you?
Tanong ko kasi nacucurious talaga ako kung sino sya
From:Unknown number
Malalaman mo rin kung sino ako pero hindi pa ngayon dahil hindi pa ngayon ang tamang panahon.
-RED
Akala ko sasabihin nya kung sino sya hindi pala.Hindi ko na sya nireplayan at nagpahangin nalang ako dito sa tambayan namin.
Sana mabilis kitang makalimutan Kim,sana pala hindi ka nalang naging mabait sa akin at sana naging masungit ka nalang gaya ng dati.Pero mukhang mahihirapan akong kalimutan ka dahil masyado ng malaki ang naging parte mo sa puso ko.
To be continued.............
Please support my story😊
And dont forget to vote!!!
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊