JADE POV:
"Anak sabi ng Doctor pwede ka na raw madischarge.Gusto mo ba munang mag stay rito sa hospital? O sa bahay kanalang magpapagaling?" Tanong ni Mama sa akin.
"Sa bahay nalang ako Ma magpapagaling feeling ko kasi kapag nagstay pa ako rito parang lalo pa akong magkakasakit" Sabi ko.Gustong gusto ko na kasing umuwi sa bahay namin mas komportable kasi ako dun kesa rito.
"Ok sige tatawagan ko lang yung kuya mo ng masundo na nya tayo" Sabi ni Mama at lumabas na sya ng kwarto ko.
Ako lang mag isa rito kanina pa nga ako nagtataka eh kung kailan weekend atsaka wala yung mga kaibigan ko para dalawin ako.Nag fb nalang ako kasi wala talaga akong magawa rito napakaboring.
Habang nagbobrowse ako ay nakita ko yung post ni Kim.Ibig kong maiyak kasi ang sweet sweet nila ni Jennie sa picture.Shit bakit ba hindi kita makalimutan? Nakakainis kung pwede ko lang idelete yung feelings ko sayo matagal ko ng ginawa dahil sobrang sakit na.
Tuluyan na akong napaiyak.Naglog out na ako putcha dapat pala hindi nalang ako nag open eh nakakainis.Habang nag eemote ako may bigla nalang nagtext.
From:Unknown number
Balita ko nahospital ka.Pagaling ka ha atsaka please lang wag ka nang magpakatanga sa kanya kasi masaya na sya iba.Sana hindi ka magalit sa akin ng dahil sa sinabi ko ayaw ko lang kasi kitang nakikitang nasasaktan sa taong di ka naman deserve.
-RED
Inaamin ko na tinamaan ako sa sinabi nya at medyo nainis din ako pero tama naman sya.Kaya nawala rin agad ang inis ko at napalitan yun ng saya dahil tuwing nasasaktan ako ng dahil sa kanya palagi syang nandyan para ipaalala sa akin na hindi lang si Kim ang lalaki sa mundo.Lagi nyang ipinaparealize sa akin na marami pang ibang lalaki na mas deserve ang pagmamahal ko.
To:Unknown number
Thank you sa palaging pagpapaalala sa akin na maraming taong nagmamahal sa akin.
Text ko at mayamaya lang ay nagreply na sya.Wow ang bilis magreply ni kuya ha.
From:RED
Youre always welcome
-RED
Sinave ko na yung number nya sa phone ko atsaka nilagyan ko narin ng name para mas madaling maidentify.
FROM:RED
Nasa hospital kapa rin ba?
-RED
TO:RED
Oo pero sabi ng Doctor pwede na raw akong madischarge kaya mayamaya lang lalabas narin ako ng hospital
FROM:RED
Mabuti naman at makakalabas kana
-RED
TO:RED
Oo nga eh atsaka ayoko narin magtagal dito sa hospital kasi feeling ko lalo pa akong magkakasakit kapag nagtagal ako rito
"Anak aalis na tayo" Sabi ni Mama at lumapit sa akin si Kuya para alalayan akong tumayo kasi hindi pa gaanong magaling yung pilay ko
Inalalayan nya akong umupo sa wheelchair atsaka nya ako itinulak palabas.Actually wheelchair lang ang gagamitin ko paglabas ng hospital pero kapag nakauwi na kami at kapag pumasok na ako sa school saklay na ang gagamitin ko.Atsaka sabi naman ng Doctor ilang araw lang ako magsasaklay dahil mabilis lang daw gagaling yung pilay ko.
Ng makarating kami sa bahay inalalayan ulit ako ni Kuya sa pagbaba at iniabot naman sa akin ni Mama yung saklay na gagamitin ko.Inalalayan ako ni Kuya hanggang sa makarating kami sa pinto.Pagkabukas ko ng pinto nagulat ako.
"Welcome back Jade!!!" Sigaw nilang lahat.Waaahhh nakakatouch naman gosh gusto kong maiyak kaya lang ayaw bumagsak ng mga luha ko hahahaha.Kaya pala hindi nila ako dinalaw sa hospital ngayong araw may surprise pala sila sa akin.
"Thank you guys" Nakangiti kong sabi
"Group hug!!!" Sigaw ni Ange kaya lumapit sila sa akin at nag group hug kami
Haist grave namiss ko itong bahay namin.Inaalalayan ako ni Kuya papunta sa sala ng biglang lumapit si Mark.
"Kuya ako na po" Sabi nya kay kuya at ibinigay naman ako ni kuya kay Mark.
"Ok sige alalayan mong mabuti ha" Sabi nya kay Mark at tumango naman si Mark sakanya.Wahahha kahit kailan talaga napaka protective nya.Inalalayan na ako ni Mark papunta sa sala.
"Sure kabang kaya mo nang papasok sa monday?" Tanong nya
"Oo naman,sabi naman ng Doctor mabilis lang gumaling itong pilay ko atsaka masyado nang marami yung namiss kong lesson" Sabi ko sakanya
"Ok if you say so basta lagi kang mag iingat sa school ha baka awayin ka na naman nung Jennie na yun.Mahihirapan kang lumaban dahil injured yang kanang paa mo" Sabi nya at tumango nalang ako.Haist naalala ko na naman yung malanding yun
Ng makarating kami sa sala nakatingin silang lahat sa amin.Take note kakaibang tingin yung ipinupukol nila sa amin.Inalalayan nya akong umupo sa tabi nila Cess
"Hey boy mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Mark ha" Nang aasar na sabi ni Cess
"Ano kaba friends lang kami" Sabi ko
"Kawawang Mark" Sabi ni Ange
"At bakit naman sya naging kawawa?" Tanong ko
"Grave manhid kaba? Hindi mo manlang ba nahahalata na may gusto sya sayo?" Tanong nya
"Grave ka naman makamanhid.Nahahalata ko naman kaso lang ayoko mag assume malay ko ba kung ganun lang talaga sya sa mga babae" Sabi ko
"Sabagay mahirap talagang mag assume" Sabi ni Ange
"Tara na sa dining at kumain na tayo" Sabi ni Maam sa aming lahat kaya tumayo kaming lahat at nagpunta na kami sa dining area
To be continued........
Please support my story😊
And dont forget to vote!!!
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊