JADE POV:
Month passed and sa isang buwan na iyon naging malapit kami ni Kim sa isat isa lagi kaming nagchachat at feeling ko may feelings din sya para sa akin dahil ang sweet nya sa chat.
Naging close narin kami ni Mark at naging close ko rin si Andrei pati narin si Andrea.
Ngayon ko napagdesisyonang umamin kay Kim dahil ayokong magsisi sa huli.Nakakaba man dahil baka mareject ako ay gagawin ko parin kasi baka tama ang kutob ko na may feelings din sya para sa akin.Support naman ako nila Cess,Ange at Angeline at sila ang nagpapalakas ng loob ko.
Nandito kami ngayon sa room at may meeting ngayon ang mga teachers kaya wala kaming klase.Nagulat ako ng biglang magtext si Kim
From:Kim my loves😘
Jade magkita tayo sa rooftop may sasabihin ako sa iyo
Ng mabasa ko ang text nya bigla akong kinabahan.Eto na kaya aamin narin ba sya sa akin? Dali dali akong nagreply
To:Kim my loves😘
Okay see you
Sana tama ang hinala ko
"Guys aalis lang ako saglit ha" Sabi ko sa kanilang tatlo
"Ang saya mo ata saan ka ba pupunta?" Tanong ni Cess
"Magkikita kami ni Kim sa rooftop may sasabihin daw sya sa akin" Nakangiting sabi ko
"Oh my di kaya magcoconfess na sya sayo?" Tanong ni Ange
"Ewan pero sana nga" sabi ko
"Oh sya bilisan mo na baka kanina kapa hinihintay ng prince charming mo" Sabi ni Angeline kaya dali dali akong pumuntang rooftop.
Ng makarating ako ay nakita ko syang nakatayo sa isang gilid at ng makita nya ako ay nginitian nya ako kaya dali dali akong lumapit sa kanya.
"Ahmm kim ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ko at napangiti sya
"Jade naaalala mo paba yung kinwento ko sayo nung sem break natin yung tungkol sa ex girlfriend ko?" Tanong nya
"Oo naaalala ko pa bakit mo natanong?" Tanong ko.Ikinwento nya sa akin na mahal na mahal nya yung ex girlfriend nya na iyon kaso hiniwalayan sya nito ng hindi manlang nya alam ang dahilan.
"Nagkabalikan na kami" Masayang sabi nya at kasabay ng pagbanggit nya ng mga salitang iyon ang panggigilid ng luha ko.Ang sakit marinig mula sa taong mahal mo na sila na ulit ng taong minahal nya noon.Akala ko may feelings din sya para sa akin,akala ko kaya sya sweet at caring ay dahil gusto nya rin ako pero puro akala lang pala ang lahat.
"Congratulations Im happy for you" Sabi ko sabay yakap sa kanya para hindi nya mapansin na nanggigilid na ang luha ko pinilit kong hindi maiyak pero sadyang traydor ang mga luha ko
"Welcome wait Jade umiiyak kaba?" Tanong nya at kumalas sya pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kanya.
"Tears of joy lang ito sadyang masaya lang ako para sa iyo" Nakangiti kong sabi.Mukhang naniwala naman sya sa mga sinabi ko
"Kim mauna na ako ngayon ko lang naalala na may gagawin pa nga pala akong assignment na ipapass na mamaya.Congrats ulit stay strong sa inyo" Sabi ko at nagwave ako ng kamay sa kanya sign na aalis na ako.Tumakbo ako ng mabilis at nagulat nalang ako ng may biglang humablot sa kamay ko at dinala ako sa garden ng school at umupo kami sa isang bench
Hindi ko na napigilan ang labis na pagbagsak ng mga luha ko.Umiyak ako ng umiyak hanggang sa maubos lahat ng luha sa mga mata ko.Mabuti nalang may dala na akong panyo.Pinunasan ko ang mga mata ko pati na ang mukha kong basang basa ng luha.
"Mabuti naman at may dala ka ng panyo ngayon" Sabi nung lalaking humila sa akin.Naitaas ko ang ulo ko at nakita ko si Mark na nakatitig sa akin.Pangalawang beses na nya akong nakitang umiyak ng dahil sa kanya.
Namalayan ko nalang na napayakap ako ng mahigpit sa kanya sabay iyak ulit.Hinagod at tinapik tapik nya ng mahina ang likod ko.
"Sige iiyak mo lang yan" Sabi nya sa akin
"Ang sakit sakit palang makitang may iba ng mahal ang taong mahal mo noh? Parang dinudurog ang puso ko.Yung makita ko lang syang nakikipagkulitan sa iba eh masakit na pano pa kaya ang makita syang masaya sa piling ng taong mahal nya.Ang unfair ng buhay noh kung sino pa yung gusto mo ayaw sayo tapos kung sino pa ang ayaw mo sya pang may gusto sayo" Umiiyak kong sabi habang nakayakap parin kay Mark.Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko kaya nakapagshare na ako sa kanya.Itinuturing ko rin naman syang kaibigan kahit hindi halata kaya naishare ko sa kanya yun para rin mabawasan kahit kaunti yung hinanakit sa dibdib ko
"Oo nga eh sobrang unfair ng buhay gaya mo yung gusto ko may ibang ding gusto" Sabi nya kaya napahiwalay ako sa yakap namin at tinignan ko sya
"Really? Parehas pala tayong malas sa pag ibig" Sabi ko
"Si kim yung tinutukoy mo noh tama ba ako?" Tanong nya at napatango na lamang ako
"Tingin ka pa kasi ng tingin sa iba malay mo nasa tabi tabi mo lang pala yung tunay na nagmamahal sayo" Makahulugang sabi nya
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko sakanya
"Basta malalaman mo rin sa tamang panahon" Nakangiting sabi nya.Medyo naweirduhan ako sa mga sinabi nya
"Ayusin mo na yang sarili mo may next class pa kayo" Sabi nya
"Ay oo nga pala buti ipinaalala mo wait paano mo nga pala nalaman na may next class pa kami?" Tanong ko at bakas sa mukha nya ang pagkagulat.
"Ahmm ano kasi diba kaibigan ko si Carlo? Alam nya yung schedule nyo at sinabi rin nya sa akin kaya nalaman ko.Oo tama yun nga" Kinakabahang sabi nya.Bakit kaya mukhang tense na tense sya? Haist ang weird nya ngayon ha
"Tara na baka malate kapa" Pag iiba nya ng usapan.Tumayo na kami at hinatid nya ako sa room namin.
To be continued..........
Please support my story😊
And dont forget to vote!!!
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊