CHAPTER 23:MOURNING

921 38 0
                                    

JADE POV:

Naiuwi na ng bansa ang bangkay ni Papa at nakaburol na sya ngayon sa bahay namin.Simula nung malaman namin na patay na si Papa hindi na makakain at makatulog ng maayos si Mama,hindi rin namin sya minsan makausap dahil madalas tulala lang sya.

Ang sakit makita na nagkakaganon si Mama.Sya ang pinaka naapektuhan ng pag kawala ni Papa.Naawa na kaming magkakapatid sa kanya.Pangalawang araw na ngayon ng burol ni Papa.Ako ang madalas na nasa tabi ng kabaong nya dahil si Mama palaging nasa kwarto lang nila habang nakatulala at hawak ang litrato ni Papa.Mabuti na nga lang at nandyan sila Kuya at ang mga kaibigan ko para pagaanin ang loob ko.

"Condolence Jade" Sabi ng isa sa mga kamag anak namin.Hindi ko sya kilala kasi hindi pa bumabalik ang alaala ko.

"Salamat po" Sabi ko

"Lil sis kumain ka muna" Sabi ni Kuya

"Oo nga ate kami nalang muna ni Kuya ang magbabantay kay Papa" Sabi ni James bilib ako sa kanya kasi natanggap din nya agad ang pagkawala ni Papa.

"Ok sige itatry ko ring pakainin si Mama" Sabi ko at pumunta na ako sa kusina para kumain.

Pagkatapos kong kumain naglagay naman ako ng pagkain ni Mama at dinala sa kwarto nya.Kumatok ako bago ako pumasok.Nakatulala parin sya at parang madudurog ang puso ko sa nakikita ko.Lumapit ako kay Mama at niyakap sya pero hindi nya ako niyakap pabalik kaya napabitaw ako agad.

"Ma kain ka muna" Sabi ko pero hindi nya ako pinansin

"Ma please kumain kana kahit tatlong subo lang" Sabi ko at akmang susubuan ko na sya ng bigla nyang tabigin ang kamay ko.

"Ayokong kumain" Sabi nya

"Sige na Ma" Pangungulit ko at tinry ko ulit syang subuan pero tinabig nya ulit ang kamay ko.This time napaiyak na ako

"Ano ba! Sabing ayokong kumain hindi mo ba naiintindihan yon?" Galit nyang sigaw

"Ma para rin naman sayo tong ginagawa ko.Ma naman ikaw dapat ang pinakamalakas sa atin ngayon pero ano pinapakita mo sa amin kung gaano ka kahina.Ma ikaw dapat ang pinagkukuhanan namin ng lakas sa mga panahon nato.Kaya please lang matauhan kana na wala na talaga si Papa" Umiiyak kong sabi.Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko kaya nasabi ko lahat yun kay Mama

"Hindi pa patay ang Papa mo!" Sigaw nya

"Ma patay na sya! Patay na si Papa!" Sigaw ko rin

*PAK*

Nagulat ako ng bigla nya akong sampalin at sa sobrang sama ng loob napatakbo ako palayo sa kanya at hindi ko namalayan na nasa park na pala ako.Umupo ako sa swing at doon ako nag iiyak.Alam kong hindi sinasadya ni Mama na sampalin ako pero ang sakit eh.Naiintindihan ko naman sya pero nadala lang talaga ako kaya ako tumakbo.

"Here I know you need this" Sabi nung kung sino man pero pamilyar yung boses nya eh.

Tumingala ako at medyo blured ang paningin ko kaya tinanggap ko muna yung panyo na iniabot nya at ng napunasan ko na ang pisngi ko saka ko sya tinignan.Kaya pala pamilyar yung boses nya si Kim pala.Umupo sya sa isang swing na nasa tabi ko.

"So what are you doing here? And why are you crying?" Tanong nya

"Nasampal ako ni Mama kanina at sa sobrang sama ng loob ko napatakbo ako palayo sa kanya at dito ako dinala ng mga paa ko" Sabi ko

"Bakit ka nasampal ni tita?" Tanong nya

"Pinipilit ko kasi syang kumain kanina kasi ilang araw na syang hindi nakakakain ng maayos.Ipinilit nya na ayaw nya kaya kung ano ano ang nasabi ko tapos ayun nasampal nya ako" Sabi ko

"I think hindi naman sinasadya ni Tita na sampalin ka maaaring nadala lang din sya kaya nya nagawa yun sayo" Sabi nya

"Yeah I know nadala lang talaga ako kaya napatakbo ako" Sabi ko

"Jade stay strong just always remember that were always here by your side" Sabi nya kaya medyo gumaan ang loob ko

"Thanks" Nakangiti kong sabi sakanya

"Wait just stay here" Sabi nya at bigla syang umalis.Mayamaya bumalik na sya at may dala syang ice cream kaya biglang nagningning ang mga mata ko.

"Here eat this para gumaan ang pakiramdam mo" Sabi nya sabay abot ng ice cream.

"Alam mo ba kapag nalulungkot ako kumakain ako nito para gumaan ang pakiramdam ko" Nakangiti nyang sabi.Bat ang gwapo nya? Nakakatunaw ang mga ngiti nya.Wait ano ba tong pinagsasasabi ko

"Effective nga medyo gumaan ang loob ko" Nakangiti kong sabi sakanya at ngumiti rin sya pabalik.

"Balik na tayo baka hinahanap kana" Sabi nya

"Ok baka nga hinahanap na ako" Sabi ko at tumayo na kami at nalakad na pabalik sa bahay.Malapit lang naman ang park sa bahay namin kaya mabilis lang kaming nakabalik.

Nagulat ako ng makita kong nakaabang sila Kuya at Mama sa gate.Nung nakita nila ako mabilis nila akong nilapitan at nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Mama.

"Anak sorry sa nagawa ko kanina,hindi ko sinasadya sana mapatawad mo ako" Umiiyak na sabi ni Mama

"Ma stop crying I understand and Im not mad at you" Sabi ko

"Sorry mga anak kung naging mahina si Mama nitong mga nagdaang araw,hindi ko kasi matanggap na wala na ang Papa nyo.Kung hindi pa kita nasampal anak hindi pa ako matatauhan.Sorry ulit anak,pangako hindi nyo na ulit ako makikitang mahina" Umiiyak na sabi ni Mama kaya napaiyak narin kaming tatlo.

"Group hug" Sigaw ni James kaya nag group hug kaming apat.

Thanks to God at natauhan na si Mama dahil hindi ko talaga kayang makita syang mahina.Kahit papaano pala may  pakinabang ang pagkakasampal sa akin ni Mama hahahaha de joke lang.










To be continued....................

Please support my story😊

And dont forget to vote!!!

Kamsahamnida😘

Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon