KIM POV:
Ngayong araw ako magtetake ng Scholarship Exam at hindi ko parin nasasabi kay Jade ang tungkol dito dahil hindi pa ako nakakahanap ng magandang tiyempo. Sa ibang school kami magtetake ng exam kaya nagpaalam na ako kay Jade na hindi ko sya masasamahan kumain mamayang lunch at hindi ko sya maihahatid mamayang uwian dahil hindi ako makakapasok dahil pupunta ako sa lola ko. Ayoko mang magsinungaling sa kanya pero kailangan kong gawin yun dahil gusto ko kapag sigurado na akong pasado ako sa exam saka ko sasabihin sakanya ang totoo.
Ng makarating na ako sa lugar kung saan ako mag eexam ay pumasok na ako sa loob.
JADE POV:
"Oh bat ang tagal naman atang dumating ni Kim?" Nagtatakang tanong ni Ange
"Oo nga diba usually maaabutan nalang natin sya dito sa labas" Sabi ni Angeline
"Hindi ako masasamahan ni Kim kumain ngayon" Malungkot kong sabi
"Bakit?" Sabi ni Cess
"Hindi sya pumasok ngayong araw" Sabi ko
"Bakit hindi sya pumasok?" Tanong ni Ange
"Pupunta raw sya sa lola nya" Sabi ko
"Ahh kaya pala oh sya tara na sa canteen" Sabi ni Angeline
"Oh bat kayo lang nasaan ang mga jowa nyo?" Tanong ko sa kanila
"Hindi rin makakasabay sa ating kumain kasi marami pa silang ginagawa kaya mauna na raw tayo." Sabi ni Cess
"Ahh ok mabuti naman at hindi ako nag iisa" Nakangiti kong sabi at naglakad na kami papuntang canteen.
Nang makarating kami sa canteen ay umorder kami agad at kumain na kami. Hayss miss ko na agad siya
KIM POV:
Natapos ko ang exam ng may ngiti sa aking labi. Pakiramdam ko makakapasa ako dahil karamihan sa mga tanong ay alam ko. Hays isang araw palang ang nakakalipas miss ko na agad si Jade pano pa kaya kapag nag aral na ako abroad? Hays basta iisipin ko nalang na para rin sa future namin ang pag aaral ko sa states. Grave isipin nyo nang oa ako dahil masyado pa akong bata para isipin ang future namin pero sure na talaga ako kay Jade, sya lang ang babaeng gusto kong maging ina ng mga magiging anak ko.
*Tok Tok*
"Anak bumaba kana at kakain na tayo" Sigaw ni Mama
"Ok Ma" Sabi ko at bumangon na ako sa kama ko at bumaba na ako para pumunta sa dining area.
Pagbaba ko ay naupo na ako sa lamesa at nagsimula na akong kumain.
"Anak kamusta yung exam? Madali lang ba?" Tanong ni Mama
"Medyo lang Ma yung iba alam ko pero yung iba hindi gaano. Pero pakiramdam ko makakapasa po ako" Sabi ko kaya napangiti si Mama
"Sinabi mo na ba yan kay Jade?" Tanong ni Mama
"Hindi pa Ma, hindi pa kasi ako nakakahanap ng magandang tiyempo" Sabi ko
"Naku anak wag mo ng patagalin yan ha kasi baka maging dahilan pa yan ng pag aaway nyong dalawa" Sabi ni Mama
"Opo Ma napagpasyahan kong sabihin sakanya kapag nakapasa na ako" Sabi ko
"Mabuti naman kung ganon" Sabi nya at hindi naulit kumibo si Mama at nagpatuloy na kami sa pagkain.
To be continued..............
Please vote and comment😊
Kamsahamnida😘
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊