JADE POV:
"Boy musta na kayo ni Kim? Nagpapansinan na ba kayo?" Tanong ni Cess sa akin
"Hindi pa pero nagkakachat kami minsan" Sabi ko
Gusto ko na syang pansinin pero hindi ko magawa dahil gusto ko na nga talagang kalimutan sya atsaka ako ang nagsabi sa kanya na wag muna kaming magpansinan kaya nahihiya akong kausapin sya.Gusto ko na nga syang kalimutan pero hindi ko alam kung bakit pa ako nagrereply sa mga chat nya sa akin eh haist gulo ko ba?hahahaha pagpasensiyahan nyo na
"Diba sabi mo gusto mo na syang kalimutan? So bakit nagrereply ka parin sa mga chat nya sayo?" Tanong ni Angeline
"Hindi ko rin alam eh" Sabi ko sabay kamot sa batok ko
"Haist ang gulo mo naman" Sabi ni Ange
"Kahit ako naguguluhan din sa sarili ko" Sabi ko
"Mabuti pa ilibre mo nalang kami" Sabi ni Ange
"Anong connect?" Tanong ko
"Wala bakit kailangan ba konektado yun sa pinaguusapan natin? Naisipan kong magpalibre thats all" Sabi nya
"Ok ok sige na nga" Sabi ko
"Yessss wooohh thaks God" Tuwang tuwang sabi nilang tatlo.Kuripot kasi ako kaya nagkakaganyan sila.Sobrang dalang ko kasing manlibre kaya ayan tuwang tuwa ang mga gaga hahahaha.
"So guys ok na ba sa inyo ang tigi tigisang candy?" Natatawang tanong ko hahahaha putcha pie nakakatawa ang mga mukha nila hahahaha mga mukhang nalugi
"Syado yun na eh tuwang tuwa na kami eh respeto naman boy" Sabi ni Cess hahaha naniwala naman ang mga to
"Ano ba naman yan ang funny nyo naman masyado" Sabi ko
"Bat naman kami naging funny aber?" Tanong ni Angeline hahaha seriously hindi nya alam?
"Ang funnywalain nyo masyado hahahaha hoy tawa naman dyan" Natatawang sabi ko sa kanila
"Hahahahaha dami kong tawa mga lima" Sarcastic na sabi ni Cess hahaha mukhang inis na sila sakin
"Ok eto na po bibili na ako.Wala manlang bang sasama sa akin?" Tanong ko sa kanila
"Kaya mo na yan kalaki mong tao eh nagpapasama kapa" Sabi ni Angeline
"Oo na palibhasa ang liit mong tao" Sabi ko sabay takbo kasi panigurado babatuhin ako nun hahahaha madali kasing maasar yun
Nagpunta na ako sa canteen at sa hindi inaasahan may nabunggo ako.Napaupo sya sa sahig kaya inabot ko sa kanya ang kamay ko pero hindi nya tinanggap yun.Tinitigan ko yung babaeng nabunggo ko at hindi pamilyar sa akin ang mukha nya.
"Sorry miss hindi ko sinasadya" Sabi ko
"Wag kasing tatanga tanga minsan uso din kasing tumingin sa dinadaanan.Naiintindihan mo and I dont need your sorry dahil hindi naman matatanggal ng sorry mo ang gasgas sa binti ko" Mataray nyang sabi sa akin.Eh puta pala tong babaeng to eh nagsorry na nga ganon pa sasabihin nya edi kung ayaw nyang tanggapin edi wag wala na akong pake don
"Ok yung ayaw mo edi wag" Sabi ko sabay alis sa harap nya pero hindi pa ako nakakalayo ng bigla nya akong hablutin at iniharap nya ako sa kanya.
"Wait lang ikaw ba yung kaibigan ni Kim?" Tanong nya
"Sinong Kim paki linaw lang kasi you know maraming Kim sa mundo" Sabi ko at mukhang naasar naman sya hahahaha infairness mukha syang unggoy kapag nagagalit hahaha ang harsh ko ba? Inumpisahan nya kasi ako kanina eh
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊