CHAPTER 32

843 36 0
                                    

JADE POV:

Nandito kami ngayon sa tambayan namin sa likod nang school.Vacant kasi namin kaya nakatambay lang kami rito

"Boy may napapansin ako sayo nitong mga nakaraang araw" Sabi ni Cess kaya napatingin ako sa kanya

"Ano naman yun?" Nagtataka kong tanong sakanya

"Mukhang inlove na inlove ka" Nakangiting sabi ni Cess

"Pano mo na sabe?" Tanong ko

"Halata naman eh blooming na blooming ka kaya nitong mga nakaraang araw" Sabi ni Cess

"May isa pa akong napansin" Sabi ni Ageline

"Oh ano na naman?" Tanong ko

"Hindi ka na masungit nitong mga nakaraang araw.Nagtataka na nga sila sayo eh lalo na si Jerold,hindi mo na raw kasi sya pinagtitripan" Sabi ni Angeline

"Inlove nga kasi kaya ganyan" Sabat ni Angelica

"Hindi ah" Pagdedeny ko

"Sige deny pa halatang halata naman eh" Sabi ni Cess

"Wag kana kasing mahiya atsaka ano namang masama sa pagiging inlove diba?" Sabi ni Angeline

"Oo nga naman,ang sarap kaya sa feeling kapag inlove ka" Nakangiting sabi ni Angelica

"Oo na,totoong inlove ako.Happy?" Sabi ko sakanila

"Ayyieehhh sabi na nga ba eh atsaka hindi naman na bago samin yan ang tagal mo na kayang may gusto kay Kim" Sabi ni Angeline

"Ayy oo nga pala boy may itatanong ako sayo" Sabi ni Cess

"Ano yun?" Tanong ko

"May endearment ba kayo ni Kim?" Tanong nya

"Hindi pa nga sila may endearment na agad" Sabi ni Angeline

"Actually meron na kaming endearment kahit hindi pa kami" Sabi ko

"Talaga?" Tanong nilang tatlo

"Yup" Sabi ko

"Ano?" Tanong ni Angelica

"Sungit and Siga" Nakangiti kong sabi

"Buti pa yung inyo hindi gaanong common yung samin ni Carlo common na common kung baga gasgas na" Sabi ni Angelica

"Eh bakit kasi yun yung napili nyong endearment?" Tanong ko

"Eh wala na kaming maisip eh kaya ayun nalang" Sabi nya

"Bakit Sungit at Siga ang napili nyong endearment?" Tanong ni Angeline

"Naisip ko yung Sungit dahil diba nung first encounter naming dalawa ang sungit sungit nya kaya ayun naisip ko na sungit nalang tapos sya naman kaya naman daw Siga ang napili nyang itawag sakin dahil ang siga siga ko raw kasing kumilos" Nakangiti kong sabi

"Ang sweet naman may meaning talaga yung endearment nyo" Sabi ni Angeline

"Angeline kailan mo ba sasagutin si Russel? Ang tagal narin nyang nanliligaw sayo ha" Sabi ni Angelica

"Oo nga mukhang seryoso naman yung tao.Bahala ka kapag yan naghanap pa nang iba ikaw din magsisisi sa huli" Sabi ko

"Actually balak ko na syang sagutin bukas" Sabi ni Angeline

"Ayon sa wakas akala ko aantayin mo pang sumuko yung tao eh" Sabi ni Cess

"Tama lang ang desisyon mong sagutin sya dahil nakikita naman namin kung gaano kaseryoso sayo si Russel" Sabi ko

"Yeah I can feel that he really loves me and he is serious to me" Sabi nya

"Ayyieeh mukhang inlove na inlove ka rin ha" Pang aasar ni Cess kay Angeline

"Hindi ah" Pag dedeny nya

"Hindi raw" Pang aasar din ni Angelica

"Hindi nga sabi!" Parang naiinis nang sabi nya

"Oy si Russel oh" Sabi ko sabay turo sa likuran nya.Wahahaha at ang gaga ang bilis lumingon.

"Nasan ba? Bakit diko makita?" Tanong nya kaya napahagalpak na kami ng tawa

"Hindi pala inlove ha" Nang aasar kong sabi

"Halatang halata karin girl para kang si Jade eh dinedeny pa totoo naman" Natatawang sabi ni Angelica

"Pero the best talaga yung paglingon ni Angeline kanina hahahaha paniwalang paniwala syang nandyan si Russel" Tumatawa kong sabi

"Oo nga sayang dapat binulong mo sakin nang naivideo ko yung reaksiyon nya" Natatawa ring sabi ni Cess

"Lumubay na nga kayo may next class pa tayo,tara na!" Inis na sabi ni Angeline

"Uy! Iniiba yung usapan" Pang aasar ni Angelica

"Waahhhh bahala na nga kayo dyan.Di tayo bati!" parang bata nyang sabi sabay lakad paalis

"Uy Angeline para kang bata" Sabi ko

"Wala kang pake atsaka bakit mo ba ako kinakausap? Diba sabi ko hindi tayo bati" Sabi nya

"Akala ko ba hindi tayo bakit bakit sumagot ka naman?" Natatawang tanong ko sakanya

"Mga baliw tumigil na nga kayo" Sabi ni Cess

"Wow parang sya di baliw ha" Sabay naming sabi ni Angeline sabay apir.Oh diba bati na ulit kami hahahaha

"Oh akala ko ba hindi kayo bati?" Tanong ni Cess

"Wahahaha baliw eh,tara na nga baka malate pa tayo" Sabi ni Angeline

To be continued................

Please support my story😊

And dont forget to vote!!!

Kamsahamnida😘

Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon