JADE POV:
Reunion na namin ngayon at hinihintay ko nalang na dumating sila Cess. Susunduin kasi nila ako para sabay sabay na raw kaming pupunta sa venue. Nanonood lang ako rito sa sala habang naghihintay sa kanila.
Mayamaya lang ay may narinig akong busina galing sa labas kaya kinuha ko na ang bag ko dahil paniguradong sila na yun. Paglabas ko nang bahay nakita ko yung sasakyan ni Jerold sa tapat ng gate namin. Sabi na nga ba sila na yun eh.
Paglabas ko ng gate ay pumasok na ako sa loob ng sasakyan.
"Ey yow whats up" Parang tangang sabi ni Angelica
"Siguro nakahigh ka noh?" Tanong ko
"Pagpasensyahan mo na hindi lang nakakain yan, nagpagutom talaga para marami raw syang makain mamaya sa reunion" Sabi ni Cess
"Takaw talaga" Sabi ko
"Oy di ako matakaw noh baka ikaw, sino ba satin ang kakakain lang ay gutom na agad" Sabi ni Angelica. Putik tinamaan ako dun ah
"Hakdog" Sabi ko nalang dahil wala na akong maisagot.
"Couz handa kanabang makita si Kim?" Tanong ni Jerold
"Magsisinungaling ako sa inyo kapag sinabi kong oo" Sabi ko
"Dont worry hindi sya makakapunta ngayon" Sagot ni Jerold
"Diba kahapon yung uwi nya?" Tanong ko
"Yieehh alam na alam" Pang aasar ni Angelica
"Yieehh gustong makita" Pang aasar ni Angeline
"Gaga kasasabi pa nga lang na hindi ko pa sya handang makita eh tapos babanat ka nang ganyan" Sabi ko
"Seryoso guys diba kahapon yung uwi nya?" Tanong ko
"Hindi sya nakauwi kahapon, nadelayed yung flight nya kaya hindi sya nakauwi" Sabi ni Mark
"Kailan sya uuwi?" Tanong ko
"Yieehh tinatanong nya" Pang aasar ni Angeline
"Masama nabang magtanong?" Tanong ko
"Hindi naman" Sabi nya
"Oh eh bakit ka gumaganyan?" Tanong ko
"Walang lang" Natatawang sabi ni Angeline
"Baliw ka pala eh" Natatawang sabi ko
"Matagal na" Sabi nya
Huminto na yung sasakyan namin it means nandito na kami sa venue. Bumaba na kaming lahat at pumasok na kami sa loob.
Pagpasok sa loob ay binati kami ng mga dati naming classmates at syempre binati rin namin sila. Nagbatian lang kami at pagkatapos ay umupo na kami sa isang table.
*Fast Forward*
Hapon na at matatapos na ang reunion namin.
"Before We end our reunion I would like you to watch this short clip from our special visitor" Sabi nang MC
Biglang namatay lahat ng ilaw at nagplay na ang short clip sa screen. Nagulat ako ng biglang lumitaw yung mga picture namin ni Kim sa screen. Yung mga sweet moments namin, yung picture namin sa bawat monthsary namin at yung mga stolen shots ko.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon dahil naguguluhan ako. Ang daming tanong na namumuo sa isip ko.
Natapos na ang video kaya bumukas na ulit yung ilaw. Nakatingin lahat sa akin yung mga kabatch namin kaya sobra akong nailang.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Sungit [COMPLETED]
RandomThis story is containing PDA scenes as in Public Display of Abnormalities.I hope you'll enjoy it.😊