"You look so gorgeous..." ani ni Stacie ng matapos ako ayusan ng hair stylist niya.
Maaga ako sinundo ng driver niya papunta dito sa bahay nila. I mean, mansion. Marami silang kasambahay na narito pati na rin na mga guards.Tahimik lamang ako habang paulit ulit na pinupuri ako ng kaibigan ko. Hindi ko akalain na gaganda ako ng ganito. Napatingin ako sa gawi ni Stacie habang ni reretouched muli siya.
Simple lamang ang suot niya, ngunit sobrang ganda nito. Halos parehas ang dress namin, kaso sa kaniya ay maikli habang ang akin ay mahaba.
"Ang ganda mo." Puri ko sa kaniya.
Napatingin siya agad sakin at kinindatan ako. Kung hindi ko lang kaibigan ito iisipin ko na pinag nanasaan ako nito. Panay kindat ba naman sakin. Dinaig pa ang mga lalaki.
"Kung sana naging lalaki na lang ako..." Napa angat ang tingin ko sa babaeng nag aayos kay Stacie.
Nangunot din ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
Nakatingin ito ngayon sakin.
"Niligawan na kita ma'am."
Namula ang pisngi ko na maintindihan ko ang sinabi niya.
"Grabe naman..." Nahihiya kong sabi at muling tumingin sa salamin.
Nakita ko sa salamin ang pagtango ni Stacie.
"I agree Pamela. Kung naging lalaki lang ako. Matagal ko na yan girlfriend panigurado." Sabay nag kagat labi pa sakin ito. Biglang nangasim ang mukha ko dahil sa pinakita sa akin ni Stacie. Kaya naman napuno ng tawanan ang kwarto niya.
"Manyakis." Ani ko.
Kaya naman mas lalong lumakas ang tawanan sa loob ng kwarto.
Isang oras pa bago mag start ang party. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kinakabahan ako. Oo, kinakabahan ako kapag dumadalo ako sa isang party dito kila Stacie.
Pero ngayon araw, kakaiba ito. Iba ang kaba ang nararamdaman ko.
"Are you okay?" biglang tanong sakin ng kaibigan ko.
Hindi ko namalayan na nakatulala lang pala ako habang ang kanang kamay ko ay nasa kaliwang dibdib ko kung saan dinadama ko ang tibok ng puso ko.
I let out a deep breath. "Kinakabahan kasi ako and I don't know why... "
Hiwakan naman niya ang kamay ko at tinignan ako sa aking mga mata.
"Huwag kang kabahan. Wala lang yan. Let's enjoy this night." Sabi nito.
Tumango nama ako at pinilit ngumiti.
"Baka lang kasi may mangyayaring maganda kaya ganito ang nararamdaman mo. Kasi sa totoo lang kinakabahan din ako." Pag aamin niya. Ako naman ang humawak sa kamay niya at pinisil ito.
"Huwag na lang natin isipin yon mamaya maging lutang lang tayo. Nakakahiya sa mga bisita." At tumawa ng mahina. Natawa na rin siya.
Naputol ang pag tatawanan namin ni Stacie ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Kaming dalawa na lang ang natira dito dahil tapos na rin naman kami ayusan.
"Mga iha..." Isang magandang babaeng na naka suot ng isang kumikinang kinang na isang dress na kulay abo ang pumasok. Kasama niya naman ang kaniyang asawa.
Hindi mahahalata na may edad na ito dahil sa napaka bata pa ang kaniyang mukha. Napaka ganda nito at maamo ang mukha. Ganon din ang kaniyang asawa.
Unang tumayo si Stacie at lumapit sa mag asawa. Magkabilaan niyang hinalikan ang pisngi nila.
"Hi mom and dad..." Bati sa kanila ng anak nilang si Stacie.
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
General FictionThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...