28

4.4K 95 1
                                    

Isang araw ako wala sa sarili. Hanggang ngayon kasi sariwa pa rin ang usapan namin ni mama.

Para sa kaligtasan mo tong' ginagawa namin para sayo.

Ilang beses nag rereplay sa utak ko ang mga salitang yan. Bakit ba nila ako gusto protektahan? Para sa kaligtasan ko? Bakit? May gusto bang pumatay sakin o ano.

Naguguluhan na talaga ako sa pagkatao ko.

Pumatak na naman ang luha ko. Mapait akong ngumiti sa kaharap kong salamin.

"Sana matapos na to. Alam ko maraming lihim ang nakatago sa pagkatao ko..." Pinunasan ko ang basang luha sa aking pisngi. "At gusto ko na alamin kung ano ano ang mga iyon. Kasi pagod na pagod na ako. Gulong gulo na rin ako."

Sobrang bigat ng nararamdaman ko.

"But I won't give up. Kailangan ko maging matatag." Pursigido kong wika sa aking sarili.

Walang sikretong hindi na bubunyag and I'm ready to wait that.

Napatingin ako pinto nang makarinig ako ng pagkatok.

"Sino yan?" I asked.

"A-Anak..."

Si mama.

Kanina pa niya kinakatok simula umaga. Pero hindi ako lumalabas.

"K-kumain k-kana anak. Wala k-ka pang kain oh." Basag ang boses na pagkasabi ni mama.

Parang may sumakal sa puso ko nang marinig ko iyon.

She's crying because of me.

Kahit ayoko lumabas ay napilitan pa rin akong buksan ang pinto.

Bigla akong nagsisi dahil sa katigasan ng ulo ko. Namamaga ang mata ni mama at pulang pulang ang ilong. Halatang galing sa pag iyak.

"K-kain ka m-muna anak."

Nahihirapan itong magsalita. Bumaba ang tingin ko sa hawak hawak nitong tray na may laman ng paborito kong pagkain.

Kinuha ko ang tray na hawak hawak niya.

"Salamat po." Tumango ito sa akin at malungkot na ngumiti.

Isasara na sana ni mama ang pinto ko nang pigilan ko siya.

"Sa baba na po ako kakain , ma." Nakangiti kong wika. Kuminang ang mata ni mama at sunod sunod na tumango tango.

"Mabuti naman. Halika na." Medyo sumigla ang boses ni mama. Bigla ako nakaramdam ng guilt.

Napaiyak ko si mama dahil sakin. Napaka walang kwenta ko naman anak.

"Mama, sorry po..." Malungkot kong wika at yumuko.

Pero napa angat din agad ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap sa kaniya.

"Wag kang mag sorry anak. Wala kang kasalanan. Ang hiling ko lang sana , pag katiwalaan mo kami. Balang araw maliliwanagan ka na rin. Basta tandaan mo. Mahal na mahal kita , anak."

Zaniel Alejandrino Where stories live. Discover now