Ngayon araw sisimulan na namin ang plano namin ni Zaniel. Dito ngayon papaniwalaan niya na unti unti na siyang nahuhulog kay Bettina.
Hindi ko mapigilan mapangisi dahil alam na alam ko na bibigay kaagad ang babaeng ito. Dahil una palang patay na patay na siya sa lalaking mahal ko.
Pinanood ko lang pumasok si Zaniel sa isang kilalang restaurant. Dito sila ngayon magkikita ni Bettina upang duon siya aamin. Napangiti ako nang tuluyan nang magkaharap ang dalawa. Pekeng ngumiti si Zaniel sa kaniya at agad din naman namula ang pisngi ni Bettina.
I tsked. "Let the game begin."
Inayos ko na ang backless dress ko na itim na halos kita na ang kaluluwa ko but I don't care at all. Nang matapos ko na iaayos ang suot ko tuluyan na akong lumabas sa sasakyan ko.
Taas noo lamang akong naglakad papasok ng restaurant at pumunta na sa lamesa na hindi kalayuan sa kanila. Pagka upo ko may lumapit na sa akin na waiter.
"What's your order ma'am?" Pormal nitong tanong sa akin. Ngumisi sa ako sa kaniya at kinindatan siya. "Kuya bagay sayo maging waiter. Baka gusto mong ituloy tuloy na."
Naka disguise ngayon si kuya David dahil kasama ito sa plano namin. Siya ang naka assign sa table nila Zaniel upang kumuha ng order. Habang abala si Bettina sa pag pipili lihim na ilalagay ni kuya ang isang maliit na microphone sa kaniyang katawan. Parang dumi lang ito kung titignan.
Medyo wala kaming tiwala sa microphone at camera na nasa opisina niya dahil hindi naman bumibisita si Rebecca duon. Bibisita nga pero hindi naman nila pinag uusapan ang dapat namin marinig sa kanila
I really hope na maging successful ang gagawin namin ngayon.
"Ang hirap maging waiter little sis. Lapitin lalo ako ng mga babae."
Tumingin ito sa kung saan kaya pasimpleng sinundan ko ang tingin niya. Napangisi naman ako nang makita ang mga babae na sobrang lagkit na makatingin sa kaniya. Kahit na pekeng balbas lang ang nilagay ni kuya sa kaniyang baba. Halata pa rin ang gwapong mukha nito.
Yumuko ako. "Malay mo isa na diyan ang magiging girlfriend mo. Anyway, here's my order." Sabi ko at tumingala na sa kaniya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag tingin sa pwesto ko si Bettina. Hindi ko siya tinapunan ng tingin.
"Okay ma'am. " Pormal na sabi ulit ni kuya at bahagyang yumuko pa harap ko. Pigil ang pag tawa ko dahil sa kilos ng kapatid ko. He's too hot because of his uniform. Pipilitin ko talaga siya maging waiter in just one week.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya Zaniel." Pasimple kong diniinan sa tenga ko ang earpiece na suot ko upang mas lalong marinig ang usapan nila.
Sumulyap ako sa pwesto nila. Sobrang lawak ang ngiti niya kay Zaniel at tila parang nagniningning ang mga mata.
Tumikhim si Zaniel. "Mahal mo ba talaga ako Bettina?" Tanong niya. Narinig ko ang pag tawa ni Bettina.
"Yes Zaniel. I love you so much. Simulang nakita kita. Nahulog na talaga ako sayo...ikaw lang tong' walang paki sa akin."
Umiwas ako ng tingin nang mapansin ko na titingin na muli sakin si Bettina. Nilabas ko ang phone ko sa pouch kong hawak upang hindi siya makahalata na inoobserbahan ko siya.
Hindi umimik si Zaniel kaya nag salita na ulit si Bettina.
"Pero maiba tayo. Bakit bigla bigla mo na lang ako inaya ng date? This is new Zaniel. I can't believe this seriously."
Tumingin muli ako sa kanila. Ngumiti si Zaniel sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.
"I just realized that I'm such a jerk for hurting your feelings. Sa tatlong taon nang patay si Cassie. Hindi ko nagawang pag tuunan ng pansin ang pag mamahal mo sa akin."
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
Narrativa generaleThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...