Wala akong gana ngayon araw dahil wala si Stacie. Sinama daw kasi siya ng parents niya sa isang event. At kinakailangan na andun siya. Gustuhin niya man na huwag sumama. Wala naman siyang magagawa. Kaya naman ako lang ang mag isa.
Si Stacie at Peter lang ang kaibigan ko. Si Peter naman bibihira kami magkita dito sa school. Halos lahat na nag aaral dito ay puro mayayaman. Ako lang siguro ang nag iisang mahirap na nakapasok dito. Kaya lang naman ako nakapasok dito dahil sa scholarship.
Papasok na sana ako sa canteen ng biglang may nagsalita sa aking likuran.
Tumikhim ito. "Oh. Hi there. Wala ka atang kasama ngayon Cassie..." I know that voice. Hindi ba niya talaga ako titigilan?
Huminga muna ako ng malalim bago ako humarap. Hindi lang pala siya ang naririto. Kasama niya pa ang isang niyang kaibigan. Gusto kong matawa dahil sa sobrang kapal ng make up nilang dalawa.
"Asan na ang Stacie mo?" si Kathy ang nagsalita. "Iniwan ka na ba niya? Siguro na realize niya na hindi ka dapat niya kinaibigan." tumawa pa ito ng nakakaloko.
"I agree..." Sang-ayon ng kaibigan niya na si Violet. Inirapan pa ako nito.
I smiled.
Kumunot ang noo nila. Nagtataka siguro sila kung bakit naka ngiti ako.
"Alam niyo naawa ako sa inyong dalawa." walang pag aalinlangan kong sabi sa kanilang dalawa.
Nanlaki ang mata nila dahil sa sinabi ko. Hindi siguro nila inaasahan na pagsasalitaan ko sila ng ganito. Simula nag college kami ni Stacie. Inggit na inggit sila sa akin dahil kaibigan ko si Stacie.
Gusto kasi nila maging kaibigan ito dahil sa pagiging sikat ni Stacie. Bukod sa mayaman na ito marami rin ang humahanga. Kaya ganon nalang ang kagustuhan nila na maging kaibigan ang bestfriend ko.
"What did you say?" Biglang pag taas ng boses ni Kathy sa akin.
"Ang sabi ko naawa ako sa inyo." I sighed bago ako muli nagsalita.
"Hindi ba kayo napapagod sa pinag gagawa niyo? Kahit na saktan niyo ako. Walang mangyayari. Hindi niyo rin naman magiging kaibigan si Stacie. Hindi niyo mapipilit yung tao na kaibiganin kayo.
Dahil sa ugali niyo. At hindi rin siya makikipag kaibigan sa gaya niyo na habol lang ang kasikatan." Seryoso kong sabi sa kanila.
Susugurin na sana ako nito ngunit agad siyang pinigilan ni Violet. I smirked.
"Huwag mo na subukan Kathy. Alam mo kung anong mangyayari sa atin. Kapag ginalaw mo yan basurang babae na yan." Rinig kong bulong ni Violet sa kaniya.
Hindi talaga nila ako magagalaw. Dahil noong sinaktan nila ako. At nalaman ito ni Stacie kahit hindi ko sinasabi sa kaniya ay pinag sabihin sila na huwag na huwag ako gagalawin dahil kapag nangyari muli iyon. Papatalsikin sila dito sa school na to. Ganyan kayaman ang pamilya ni Stacie.
Nakakakuha na rin kami ng atensyon dahil breaktime ngayon. Kaya maraming tao ngayon ang naririto.
Tinaas ko ang isang kilay ko. "Ano na?" pangasar kong tanong.
"May araw ka rin sakin babae ka. Tandaan mo yan." Galit na sabi ni Kathy.
Padabog niyang inalis ang kamay na nakahawak sa kaniya ng kaibigan niya at inis na naglakad palayo sa akin. Bago pa makasunod si Violet sa kaniya. Tinarayan pa ako nito bago umalis.
"Hindi ba talaga sila titigil?" Mahina kong sabi. Hindi na rin ako tumuloy sa canteen at pumunta na lang ako sa susunod na subject. Nawalan na akong gana kumain.
Mapait akong napangiti. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob magsalita sa mga nam-bubully sa akin. Bakit kaya may mga taong ganon. Yung mga taong mahilig manapak sa mga nakakababa sa kanila.
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
قصص عامةThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...