Naririto na kaming lahat sa hapag kainan. Maraming mga hinanda ang magulang ni Stacie. Hindi ko nga alam kung mauubos namin itong lahat. Masaya ako na inaya kami ni tita at tito sa pag celebrate ng pag tatapos namin. Although nakakahiya , pero nag papasalamat pa rin ako.
Inangat ko ang paningin ko kila tita at tito.
"Maraming salamat po ah." Masayang sabi ko. Hinawakan naman bigla ni mama ang kamay ko at tumingin din sa kanila.
"Salamat." Ani nito sa kanila.
Nagkatinginan ang mag asawa. "Ano ba naman kayo. Ayos lang iyon. Masaya kami na makasama kayo sa pag celebrate natin sa mga anak natin." Sabi ni tita at niyapos pa nito ang buhok ni Stacie nasa tabi niya.
Kung kaya't naman napangiti si Stacie sa ginawa ng kaniyang mommy.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain namin ng mapansin ko si Stacie na hindi niya masyadong ginagalaw ang kaniyang kinakain. At paulit ulit na sumisilay sa kaniyang cellphone.
Napansin niya naman ang pag titig ko sa kaniya. "Anong problema?" I mouthed.
Sasagot na sana si Stacie nang mag salita si Tito. "Anak, asan na nga pala sila Lance?"
Sila? Akala ko ba si Lance lang?
May pumasok sa isipan ko na isang lalaki na maari niyang kasama sa pag punta dito. Kaya naman napailing iling ako agad. Imposible yon.
"Malapit na daw po sila." Sabay ngiti nito kay tito. Nilipat niya naman ang titig niya sa akin at ngisian ako at kumindat pa ito sa akin.
Agad akong kinabahan kaya napainom ako ng tubig. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Stacie. Kaya naman pasimple ko siyang inirapan at iginala ang paningin ko.
Si mama ay tahimik lang na kumakain at kung minsan ay nakikipag sabayan siya sa usapan nila tita at tito. Si John naman ay tahimik lamang na kumakain.
"Ma'am Stacie... May bisita po kayo." Biglang sabi ng katulong nila. Napalunok agad ako.
Agad na tumayo na sa Stacie at hindi na siya nag tanong pa kung sino iyon. Para bang alam niya na agad kung sino ang bisita.
Bigla akong napayuko, hindi ako maka kain ng maayos. Napapatingin kasi ako bigla sa dinaanan ni Stacie kung saan siya lumabas. Hindi pa ubos ang nasa plato ko , dapat kakaunti lang ito kaso si Tita ang nag sandok sa akin kaya wala akong nagawa.
Maya maya mas lalo akong napayuko na may narinig akong mga boses sa di kalayuan sa amin.
"Andiyan na siguro sila Lance." Rinig kong sabi ni tita.
"Goodafternoon po tita." Boses ito ni Lance sigurado ako. "Tito..." dagdag pa nito.
"Maupo na kayo. Mabuti naman naparito ka rin Zaniel." Masayang ani ni Tita.
Bigla akong nabilaukan ng marinig ko ang pangalan na iyon. Kukunin ko na sana ang tubig ngunit may isang kamay na nag lahad nito sa akin.
"Here. Drink it." Isang baritonong boses na sambit nito. Pinag papawisan ako. Dahan dahan ko inangat ang paningin ko. Nang magtama ang mata namin agad kong kinuha ang tubig sa kaniya at walang pang aalinlangan ko itong nilagok.
Nang umayos na ako. Iginala ko ang paningin sa paligid. Agad akong namula bigla ng puno ng pag kabigla ang mukha nila. Nakakahiya Cassie!
"Anak okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni mama sa akin. Tinanguan ko siya.
"Opo mama."
"Oh siya , ma upo na kayong dalawa." Sabi ni tito. "Ahmm. John? Tapos kana ba?" Tanong nito sa kapatid ko. Ubos na lahat ng pagkain niya.
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
General FictionThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...