Tahimik lang akong kumakain dito ngayon sa cafeteria nang magulat ako nang may biglang may umupo sa harapan ko. Hindi ko pa siya nakikita. Alam ko na siya to' dahil sa naamoy kong pabango niya.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kaniya na hindi man lang tinatapunan ng tingin.
Narinig ko ang pag tawa nito ngunit halatang peke naman.
"Ang bilis mo naman malaman na ako to."
Tumingin na ako sa gwapo niyang mukha at tinaasan siya ng kilay.
"Sa ilang araw ba naman nang pag pe-peste mo sakin paano ko hindi makakabisado ang pabango mo?"
Totoo naman eh. Ilang araw niya na ako sinusundan sundan. Kahit saan ako pumunta lagi na susulpot sa harapan ko. Lagi nia akong kinukulit tungkol kay Rebecca.
Hindi ko naman kasi alam na nakita niya kaming dalawa na mag kausap pagkatapos ng pag announce na ako na ang bagong CEO ng kumpanya namin.
Napaigtad ako nang lumapit si Zaniel sakin na ilang dipa na lamang.
"Anong alam mo kay Rebecca?" He asked again. Pinaikot ko na lamang ang aking mata sa harapan niya at uminom ng juice.
"At bakit ko naman sasabihin sayo?" Mapang asar kong tanong sa kaniya.
Hindi man lang ito natablan dahil ngumiti pa ito sa akin na kitang kita ang mapuputi nitong ngipin
"Pwede naman kita tulungan kung kailangan mo ng tulong. Magsabi ka lang."
Saglit akong napaiwas dahil sa titig niya sa akin. I need to control myself.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo Zaniel. Kasi baka ikapahamak mo pa. Kaya tumigil kana sa pangungulit mo. Pwede ba?" Walang emosyon kong sabi sa kaniya.
Dahan dahan umatras siya at sumandal. "This is the first time you say my name. Woah. And by the way , you're concern?"
Oo! "Hindi ako concern sayo. Ayoko lang na may mapahamak ng dahil lang sakin." Pagkasabi ko sumubo na muli ako ng kinakain ko.
"I don't believe you."
"Then don't."
Maya maya nang hindi ito sumagot sa sinabi ko tumingin ako sa kaniya ulit. Nagtaka naman ako dahil nakatulala lang ito at medyo naka awang ang kaniyang bibig.
Tumikhim ako upang kunin ang atensyon niya. "What's the problem?" I asked him.
Nakita ko sa mata niya ang sakit at pagkatapos ay iniwas ang tingin niya sakin.
"Wala naalala ko lang ang fiancée ko. Sinabi niya rin sakin dati ang sinabi mo na then don't. " Kahit pilit niyang nilalamigan ang boses niya andun pa rin ang lungkot.
Uminom muli ako ng tubig dahil sa pag bara na naman ng lalamunan ko. Pasimple rin akong tumingala upang pigilan ang nag babadyang luha ko.
"Mahal mo pa ba siya?" Hindi ko mapigilang tanong kahit naman alam kong mahal pa rin niya ako.
Napatingin siya sakin at iniwas muli ang tingin. Bumaba ang ang mata ko sa kamay niya nang bigla itong kumuyom.
"Yes. I still love her. Hindi naman mawawala yun."
I sighed. "Paano kung dumating sa punto na bumalik siya?" I asked him. Mapait lamang tumawa siya at tumingin sa mga mata ko.
"Paano naman babalik ang taong namatay na? Wala naman tayo sa fantasy. Andito tayo sa realidad. Kaya hindi na siya babalik." Matigas niyang sabi pero nakangiti naman ito.
Pasimple akong lumunok at naiilang na tumawa. "Oo nga naman. Sorry." Sabi ko na lang at kumain ulit. Hindi na muli siya nag salita at tumahimik na lang. Kahit naiilang ako sa titig niya sa akin. Hindi ko magawang tignan din siya.
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
General FictionThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...