Pagkapasok ko ng room sumalubong sa akin ang kunot noo ni Stacie. Papalit palit ang tingin niya sa akin at sa rosas na hawak ko.
Lumapit na ako sa pwesto ko na nasa tabi niya lang.
"Kanino galing yan?" maarteng tanong niya.
"Peter."
Balewala kong sagot at kinuha na sa bag ang book ko na kakailanganin namin ngayon para sa lesson na ituturo ni Sir.
Agad kong nabitawan ang book ko sa pag sigaw ni Stacie! Oh my goodness! Sabi ng huwag akong gugulatin!
"What?! bakit ka niya binigyan?!" OA niyang tanong sa akin. Habang hawak hawak niya pa ang kaniyang ulo. Tila problemado.
Napatampal ako ng mukha ko ng makita ko lahat ng classmates namin ay nakatingin sa amin. Napansin naman ni Stacie yun kaya bumaling siya sa mga classmates namin.
"Huwag kayong tumingin! Mga chismoso at chismosa!" Sigaw niya rito. Agad naman tumalikod at nag iwas sila ng tingin. Ito talagang babaeng ito.
Napabaling ako muli ng tingin sa kaniyang ng niyugyog niya ang balikat ko.
"Nililigawan ka niya ulit? Don't tell me pumayag ka?" Nakataas niyang kilay na tanong sa akin.
I sighed. "Hindi syempre."
Bumuntong hininga siya na tila nabunutan ng tinik. Ano bang problema ng babaeng to?
"Mabuti naman." Sagot niya at tumingin na harap. "May pag asa pa si Zaniel..." Mahinang sabi niya. Nanlaki bigla ang mata ko!
"What did you say?" Medyo malakas kong tanong kaya napaharap siya sa akin.
Lumikot ang mata niya. "Ha? wala ah." Maang maangan niyang sabi. No! May narinig ako eh. Zaniel? Bakit niya binanggit ang pangalan ng lalaking yon?
"Don't lie to me Stacie." Giit ko.
Inirapan niya ako at tumawa tawa. "I'm not lying. Sinabi ko na lang na mabuti naman. That's it." Simpleng sagot niya.
Natahimik ako. Wala nga ba talaga?
Pinagmasdan ko si Stacie. Humarap siya sa akin at ngumiti ng tipid. Kunot noo akong nakatingin lang sa kaniya.
Bumuntong hininga ako. Wala naman siguro talaga. Bakit ba kasi napasok bigla si Zaniel sa utak ko. Nakakainis.
Mabilis natapos ang buong klase. Kaya naman uwian na namin ngayon.
Sabay kaming naglalakad sa parking ni Stacie. Ihahatid niya daw ako. Hindi na ako tumanggi pa dahil kailangan ko rin maka uwe ng maaga upang mag tinda. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ni mama.
Nang makasakay na kami. Hanggang ngayon tutok na tutok pa rin si Stacie sa kaniyang cellphone. Nakangiti pa ito!
Hindi ba niya alam na narito ako, Parang hangin lang ako dito. Sumandal na lang ako sa upuan.
Hindi ko sana papansin si Stacie pero narinig ko ang mahinang pagtawa. Tinignan ko lang siya. Unting unting namula ang pisngi nito.
Kaya naman hindi ako naka tiis. Hinablot ko ang cellphone niya.
"Oh! Cassie! Balik mo yan sa akin." Sigaw ni Stacie. Gusto niya magalit sa akin pero hindi niya rin naman mapigilan ang mapangiti. Aba kinikilig nga!
Tinago ko muna ang cellphone niya sa gilid ko. Panay vibrate pa ito. Humarap ako muli kay Stacie na ngayon kagat kagat niya ang labi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino yung ka text mo ha? Halos mangisay kana sa sobrang kilig mo." Ani ko. Mas lalong namula ang mukha niya.
Sa totoo lang wala naman akong problema. Pero mas gusto ko alam ko kung sino ang mga lalaking dumadaan sa buhay ng kaibigan ko. Ayoko ng basta bastang lalaki. I don't want her to get hurt by someone who just only want to play with her feelings.
"It's Lance..." Sagot niya at nag iwas ng tingin.
Oh it's Lance. Kinapa ko bigla ang cellphone niya sa gilid ko. At binigay sa kaniya.
Taka siyang tumingin sa akin. "Okay lang sayo si Lance?"
Umirap ako. "Oo naman okay lang siya sakin. At tingin ko naman seryoso siya sayo. Nakita ko yun simula ng magkita kayo. At mag kakilala sa personal. The way he looked at you. There is something." Sabay ngiti.
Nagulat ako ng yakapin ako bigla nito.
"Thankyou bestfriend!"
Ginatihan ko rin naman ito ng yakap. "Wala ka bang ikukwento sakin?" Tanong ko.
Hiwalay na siya ng yakap. Nagulat ako ng bigla siyang nagwala at tila sobrang kilig na nararamdaman ngayon.
"Gusto niyang makipag date ngayon. Kaya after kita ihatid. Kakain kami sa labas." Sobrang lawak ang ngiti niya ngayon. Naka tingin pa siya sa taas habang naka pikit.
Nailing iling pa ako. "Alam ba yan ng parents mo?"
Mahirap na. Oo , boto naman ako sa kaniya. But I feel bothered. Kasi matanda na si Lance. 25 na siya. Pero si Stacie 19 palang. Paano na lang kung may gawin masama yun? Kilala ko si Stacie madaling bumigay.
"Yes! Una pa nga siyang nag paalam sa parents ko. Bago niya sabihin sa akin na gusto niya ako i-date."
Okay. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. He has a good intention. So , I don't have to worry.
Nakarating na kami sa bahay. Bubuksan ko na sana yung pinto ng sasakyan ng pigilan ako ni Stacie.
Tumingin ako sa kaniya. "Bakit Stacie?"
"Boto rin ako kay Zaniel." Huh? Bakit biglang napunta si Zaniel ?
"What are you saying? Hindi ko naman gusto si Zaniel ah." Takang ani ko.
Umirap siya. "Stop denying it. Kilala kita. Ramdam ko. Sige na..pumasok kana sa bahay niyo." sabay halik sa pisngi sa akin.
Naguguluhan akong lumabas na. At hinintay na mawala ang sasakyan niya sa paningin ko.
Lutang akong pumasok sa bahay. Walang tao ngayon dito dahil nasa palengke si mama at si John.
Umakyat na ako at nag simulang mag bihis upang maka punta na ng palengke. Nag aalala na ako kay mama dahil hindi nga maganda ang pakiramdam niya ngayon.
Lakad at takbo ang ginawa ko upang makapunta na kila mama. Medyo natatanaw ko na sila kaya sinimulan ko na tumakbo upang makarating na sa kanila.
Agad akong napatigil at nagtaka ng makita ang pwesto ng tindahan namin.
"Bakit ang daming tao?" Tanong ko.
Kapag sinabi kong madaming tao. Madami talaga. Pinalilibutan ito. Halos kababaihan ang mga narito. At lahat nag tatawanan at nag lalabas na rin ng kaniya kaniyang pera. Hindi ako masyadong makalapit sa pwestuhan namin dahil sobrang sikip.
Ano ba talagang meron?
"Padaan po."
"Ahmm excuse me..."
Konting na lang mararating ko na. Medyo kinabahan ako ng may nakita akong lalaking naka tayo habang inaabot ang mga bayad ng mga tao. Hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito.
Namataan ko rin si mama na ang lawak ng ngiti habang nag susupot ng mga biniling gulay ng mga customer. Si John naman tawa ng tawa habang naka tingin sa lalaki.
Dahan dahan akong naglalakad nang hindi inaalis ang paningin ko sa lalaking iyon. Naka maong short ito at plain black shirt. Bakas ang laki ng katawan nito dahil fitted nitong damit.
Lumakas ang tibok ng puso ko ng nakarating na ako ng tuluyan. Ngunit mas lalo akong kinabahan ng dahan dahan lumingon sa akin ang lalaki.
"Ikaw?" Pasigaw kong tanong. "What are you doing here?"
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
General FictionThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...