8

5.2K 138 4
                                    

Napahawak agad ako sa aking ulo ng maramdaman ko ang pag sakit nito. Anong oras na nga ba ako nakatulog ? Dahil sa puyat na naman to panigurado.

Halos umabot ako ng alas tres ng madaling araw kakaisip sa—

Stop thinking of that guy Cassie!

Inis kong ginulo ang buhok ko at umalis na sa kama. I need to take a bath to lessen my headache. It's really hurt.

Paulit ulit ako nag buhos ng tubig gamit ang tabo. Wala naman kaming shower dahil mahirap lang kami kaya tabo lamang. Patuloy lang ako sa pag basa ng aking katawan pero ang utak ko ay tila lumilipad. Lutang pa rin ako until now. Why I can't forget of what happened last night?

Napatigil ako sa pag buhos.

Unting unting bumalik na naman sa isip ko yung nangyari kagabi.

Those soft lips. The moment our lips touched. My heart beat suddenly stopped. I know I should pushed him. Slapped him or any kind of actions. But my body doesn't want to do those things.

Am I insane then? I don't know.

I'm just wondering what is his intention? Why did he kissed me? He just want to play with me or what? or maybe he think that I'm just one of his girls. I just really don't know. I don't have an idea.

I don't even know him—yeah I know by his face and name. That's it and nothing more.

Nang matapos ako makapag isip isip. Mabilis ko ng tinapos ang pagligo ko. Kailangan ko pa pala pumunta sa palengke upang tulungan si mama sa pagtitinda. Nauna na sila dahil alam ni mama na gabi na rin akong nakauwi.

Kilalang kilala ko si mama, maaalalahanin talaga yan lalo na sa aming magkapatid. Ayaw na ayaw niyang nagkakasakit kami. Hindi talaga yan' aalis sa tabi namin hangga't hindi pa kami gumagaling.

Kaya naman napaka swerte ko na siya ang naging mama ko. Hindi ako mag sasawa na sabihin sa kaniya ng paulit ulit na mahal na mahal ko siya. Kahit anong mangyari hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kaniya at hinding hindi ito mawawala.

Itinapis ko na sa katawan ko ang puting twalya na naka sabit sa likod ng pinto ng cr namin.

Pagkalabas ko kumuha muna ako ng isang t-shirt na puti na may tatak ng mukha ng mayor namin dito sa aming lugar. Ganitong klase talaga ang mga damit na lagi kong sinusuot at komportable ako dito.

Hindi ko naman magawang masuot ang mga damit na bigay sakin ni Stacie. Nahihiya ako. At baka ako na pa ang sabihin sa akin ng mga kapitbahay namin.

Na baka isipin nila na nag fefeeling mayaman ako. Mas mabuti na lang na itabi ko na lang ang mga iyon sa damitan ko.

Kumuha na rin ako ng isang tokong na maong. Hindi ako nag sho-short kapag pupunta sa palengke. Ito ang pinaka ayaw nila mama.

Ayaw nila na mabastos ako. Kaya naiintindihan ko naman at ayaw ko rin naman talaga na mag short sa palengke. Dahil maraming mga lalake dun.

Lahat ng isusuot ko ay nilagay ko muna sa kama ko. Tumingin muna ako sa bandang bintana upang masiguro na naka sarado ito at hindi ako makikita dito sa loob ng kwarto habang nag bibihis.

Nang itinanggal ko na ang twalya sa aking katawan inihagis ko ito sa kama. Tumingin ako sa harap ng salamin kung saan kitang kita ko ang kabuuan ng aking katawan.

Sa aming lahat ako lang ang kakaiba. Ako lang ang nag iisang maputi dito pwera kila mama. Mga moreno at morena sila. Samantala ako hindi. Tinanong ko naman sila mama at papa kung bakit ako ganito ang sabi lang nila na pinaglihi daw ako sa gatas. Posible pala iyon?

Zaniel Alejandrino Where stories live. Discover now