Naging mabilis ang mga araw na nag daan. Mag ta-tatlong buwan na ako nag ta-trabaho sa kumpanya nila Stacie. Noong unang pasok ko medyo naninibago pa ako. Kasi sa trabaho actual na hindi na yung pinag aaralan lang namin noong nasa college pa kami.
So far, naging madali na rin naman kasi andiyan sila tito at tita nag tuturo sa akin especially andiyan din si Zaniel upang tulungan ako.
Kaya naman kapag may importanteng pupuntahan si Stacie ako yung umattend sa mga meeting ng mga clients ng kumpanya.
I massage my temple when I glanced the papers on my table. I have a lot of works to be done tonight.
"Kaya ko to." Kumbinsi ko sa sarili at inumpisihan na muli ayusin ang mga papeles na to. Kailangan ko muna basahin lahat ng to' bago ko ibigay kay Stacie upang mapirmahan niya na.
Makalipas ng trenta minuto natapos ko na lahat. Sumandal muna ako sa swivel chair at napatingin sa orasan. It's already nine. Napatingin ako sa labas ng opisina ko. Yes, I have my own. Pero hindi naman gaya ito ng opisina ni Stacie.
"Ako na lang pala ang mag isa." Bulong ko sa hangin.
Napangiwi naman ako nang tumunog ang tiyan ko. "Oh goodness! Wala pa pala akong kain. Sabi pa naman niya huwag ako papagutom." Sabay tampal sa aking noo.
Paano naman kasi ako makakain eh ang dami kong tambak na gawain. Pati pagkain ko hindi ko na nasingit sa oras ko. Pero sandali nga lang nag text na kaya si Zaniel?
Agad kong kinalkal ang phone ko sa aking bag. Halos lumuwa ang mata ko sa daming texts at calls galing kay Zaniel. Nag madali akong buksan ang mga texts niya.
Zaniel :
Kumain kana ba?
Zaniel :
Text me.
Zaniel :
Still working baby? I miss you.
Zaniel :
I'm on my way. Can't wait to see you.
Muntik na akong mabuwal ng mabasa ko ang last message nito sa akin. Ten minutes nang nakakalipas nang isend niya ito. So , it means anytime andito na yun! Kung mag patakbo pa naman yun napaka bilis.
Simula nag trabaho ako hatid sundo niya ako. Pero may mga times na hindi niya ako nasusundo o nahahatid dahil kung minsan nasa meeting siya.
Agaran kong inayos ang mga gamit ko at patakbong lumabas ng opisina. Wala na rin tao narito tanging si Manong guard na lang natira.
Pipindutin ko na sana yung elevator ng bigla itong bumukas at inuluwa ng isang lalaki.
"I miss you." Mabibilis na yapak ang ginawa nito papunta sa akin at walang sabi sabi akong niyakap ng mahigpit.
I knew it.
Minuto lang aabutin niya andito na agad siya. Kung sa ibang tao , aabutin ka siguro ng trenta minuto makapunta dito.
Gumanti ako ng mahigpit na yakap. "I miss you too!"
Kumawala na ako ng yakap pero agad naman akong natigilan ng isang malambot na labi ang dumikit sa labi ko.
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
Narrativa generaleThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...