Bukas na ang araw na pinaka hihintay namin dalawa. Our wedding day!
Ngunit hindi kami magkasama ngayon ni Zaniel dahil sinabihan kami ni mama na huwag kami mag sasama sa isang bubong hangga't hindi pa natatapos ang kasal namin.
Kaya naman umuwi ito ay muna siya sa mansyon ng kaniyang ama at ako naman sa bahay namin nila mama. Hindi naman masama na sundin namin ang pamahiin. Wala naman mawawala dahil ikakasal at ikakasal pa rin naman kami.
"Anak... "
Napahinto ako sa pag huhugas ng mga plato ng tawagin ako ni mama. Bago ako humarap hinugasan ko muna ang sabon sa aking kamay.
I smiled at her. "Mama. Bakit?"
Nakangiti itong lumapit sa akin at hinila ang kamay ko. Kumunot tuloy ang aking noo at nag paubaya na lamang sa kaniya.
Idinala niya ako sa loob ng kwarto niya at naupo sa kama.
Pinagmasdan ko lang siya habang paulit ulit siyang humihinga ng malalim.
"May problema po ba mama?" I asked.
Tipid itong ngumiti. "Sa tingin ko ito na ang tamang panahon para malaman mo na ang totoo Cassie."
Agad ako nakaramdaman ng kaba sa aking dibdib. "A-Anong katotohanan ba yon mama?"
"Bago ko sabihin sayo sana maunawaan mo kami kung bakit namin nagawa iyon. Sana ikaw pa rin ang Cassie na anak ko. Sana hindi ka mag babago. Kapag nalaman mo na."
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko upang pigilan ang aking luha.
Tumango tango ako ng ilang beses. "Opo mama. Pangako yan."
"Hindi kita— "
Naputol kaagad ang sasabihin ni mama nang biglang pumasok si John na hawak hawak ang cellphone ko.
"Ate ate! May natawag po sayo." Sabi niya at lumapit sa pwesto namin mama.
Nagtataka akong tinignan ang phone ko at kinuha ito sa kaniyang kamay.
"Wait lang mama. Sagutin ko lang to." Sabi ko sa kaniya bago sinagot ang tawag.
Bettina's calling...
"Hello Bettina?" Sabi ko.
Nagtaka ako nang humikbi ito at nag simulang sumigaw sa linya. "Tulungan mo kami Cassie!"
Nataranta ako ako bigla. "Nasan ka Bettina? Anong nangyari sayo?"
"May dumukot samin ni mom Cassie. I need your help. Tanging ikaw lang ang na contact ko. Maging sila tito Mike at Zaniel hindi ko sila ma contact! Oh please. I'm begging you help us."
Bakas na bakas sa kaniyang boses ang panginginig dahil sa takot. Hindi pa rin nawawala ang kaba at takot sa aking dibdib.
Kahit na sinaktan nila ako dati naging mahalaga na rin sila sakin dalawa. Pamilya na rin ang turing ko sa kanila. Kaya kahit anong mangyari kailangan kong puntahan sila.
"Nasan kayo? Pupuntahan ko kayo." Natataranta kong sabi.
"Iha , help us please. Huwag kang mag sasama ng mga pulis dahil kapag nalaman nila kaagad baka patayin na nila kami. Nakatawag lang kami dahil lumabas silang lahat. Isang bantay lang ang nandito pero mabuti na lamang tulog siya. Please hurry up!"
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
General FictionThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...