31

4.3K 110 4
                                    

Kakaliwa na sana ako papuntang opisina ko nang bigla ako nabangga sa isang bulto.

Nahulog tuloy lahat ng dala dala kong dokumento na ibibigay ngayon kay Mrs. Buenavida.

"Hala sir pasensya na po." Paumanhin ko at sabay sabay pinulot ang mga dala dalang nahulog ko.

Panay ang yuko ko at paumanhin sa nakabangga ko. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya dahil abala pa ako sa pag kuha ng mga nahulog ko. Tinutulungan din niya ako sa pag pulot.

"Cassie?" Isang boses ng lalaki. Napa angat ako ng tingin kapakuwan nagulat ako nang makilala ko ito.

"Sir David?"

Ngumiti ito. Sa ilang beses namin pagkikita namin ngayon na lang niya ulit binaggit ang pangalan ko. Ang una noong nahimatay ako sa opisina ni Mrs. Buenavida at pangalawa ngayon.

"Sorry po talaga Sir."

"No it's okay. Kaya lang ako nandito para kunin yung mga documents."

Napakunot ako ng noo. "Ah sir , ako na po magdadala kay Mrs. Buenavida—"

"Hindi ako na. Papunta na rin kasi ako kay Mom."

Napalabi ako. Nawala tuloy yung saya na nararamdaman ko dahil makikita ko na ulit si Mrs. Buenavida pero hindi naman pala matutuloy.

Tumikhim ito. "Okay okay. Ganito na lang , sabay na lang tayo."

Agad napawi ang lungkot at napalitan ng galak. "Talaga sir?"

Tumawa ito ng mahina. "But in one condition."

"Sige sige ano po yun Sir. David?" Hindi makapag hintay kong tanong sa kaniya.

"Kakain muna tayo. Tapos diretsyo na tayo sa kumpanya." At ngumiti sakin. "Text ko na lang din si Mom na kasama kita. "

"Sure!" Agaran kong sagot. Kahit ano pa yan kondisyon basta makita ko lang siya.

"Okay. Shall we?"

Tumango tango ako at sumunod na sa kaniya. Nilabas ko muna ang phone ko at tinext si Zaniel.

Ako :

Baby , Kasama ko si Sir David at kakain lang muna kami saglit. Tapos diretsyo na kila Mrs. Buenavida.

Ilalagay ko na sana sa bag ang phone ko nang makatanggap agad ako ng text mula kay Zaniel.

Zaniel :

I'm on my way. Where are you? Sasama ako.

Napangiwi ako pero napangiti na rin agad.

Alam ko na ang tumatakbo sa utak ng lalaking ito. Sinabi ko na rin sa kaniyang kung saan kami kakain ni Sir. David.

"Sir David?" Pag tawag ko habang nag da-drive siya. Hindi ko maiwasan hindi mapangiti dahil sa kaniya. Hindi ko mawari bakit ang saya saya ng pakiramdam ko kapag kasama ko ang isa sa mga Buenavida.

"Yes?"

"Sasama daw sa atin si Zaniel. Pwede ba Sir. David?" Mahinang tanong ko. Habang titig na titig sa kaniya kahit hindi ito nakatingin.

Tumawa ito ng mahina. "Seloso boyfriend mo?"

Napangisi ako at napakamot ng ulo.
"Opo, Sir David."

"Sige isama mo na siya." Napaka bait talaga nito. Tumango ako at nag pasalamat. Inalis ko na rin ang tingin ko sa kaniya at ngumiti. Maya maya nagsalita muli ito.

"Huwag mo na ako tawagin Sir David."

Napalingon muli ako sa kaniya. Nagsalubong na naman tuloy ang kilay ko.

Zaniel Alejandrino Where stories live. Discover now